Pancho Magno says he and Max Collins are still in courtship stage: "sobrang busy niya, e..."

Pancho Magno says the rivalry between him and Mikael Daez in their new fantaserye does not go beyond the small screen. They’ve been close friends since their Amaya days.


“Fantaserye na my pagka-sexy,” ang description ni Pancho Magno sa upcoming teleserye na Ang Lihim Ni Annasandra, kung saan bida sina Andrea Torres at Mikael Daez.

Si Pancho ang magiging ka-love triangle dito nina Andrea at Mikael.

“Kaya nga po ita-try kong mabuwag ang loveteam nila,” at tumawa si Pancho habang kausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, July 11, sa GMA Network Center.

“Matibay ang loveteam nilang dalawa, e.”

Tatlong beses nang nagkatambal sina Andrea at Mikael. Ang una nilang proyekto ay Sana Ay Ikaw Na Nga, na sinundan ng With a Smile.

Paano niya tatapatan o lalabanan si Mikael?

“Kailangan kong makuha ang weakness nilang dalawa,” at muling tumawa si Pancho.

“Hindi, mga friends ko sila so nakakatuwa na magkakaroon ng…

"Kasi first namin ni Mikael sa Amaya pa, almost three years ago first nakasama ko siya.

“From then on naging close friends na kami.

“Kami naman ni Andrea, friends na rin dati pa and yung mga kasama namin, kakilala ko na rin.

"So nakakatuwa, excited and kinakabahan at the same time.”

LIKE TWILIGHT. Sa Amaya dati ay magkaibigan ang papel nila ni Mikael pero sa Ang Lihim Ni Annasandra ay magkalaban sila.

Bida-kontrabida ang role ni Pancho dito, “Pero out of love kaya magiging medyo masama.”

At tila may pagka-sexy?

“I’ll try to be as sexy as possible pero kasi medyo may mga scenes na sexy, yung pag-transform namin."

Nakatutuwa raw iyong mga transformation, pahayag ni Pancho, "Parang kumbaga sa States, wolf, parang sa atin yung wild boar. ’Di ba sa atin baboy-ramo?

“So iyon yung naging parang twist na, parang Filipino
version ng wolf.

“Nakakatuwa yung istorya.”

So may pagka-Twilight ang bago nilang serye, “Na Filipino version, Filipino twist.”

TONING UP. Katulad ba ni Taylor Lautner sa Twilight ay magpapakita ng abs si Pancho sa teleserye?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung papayagan po tayo ng mga boss.

“Depende po kasi baka po masyadong ano, e,” at natawa si Pancho.

Kung may eksenang naka-trunks siya sa show, papayag siya?

“Possible, baka po, baka...Hindi ko po masasabi. Depende po sa eksena, baka maganda yung scene.

"Ewan ko, sa time slot namin baka delikado ding mag-ano, e.”

Sa GMA afternoon prime ipapalabas ang Ang Lihim Ni Annasandra.

Physically, ano ang masasabi niyang advantage over Mikael? Mas marami ba siyang “pandesal” (abs)?

“Si Mikael naman ganun naman yung physique niya, hindi naman siya tabain, e.

“Kumakain pa yun gabi-gabi pero parang walang nangyayari sa kanya,” at tumawa si Pancho.

Host si Mikael sa food segment ng Saksi na "Midnight Express."

“Ako talaga yung medyo malaki, parang sa genes namin, big-boned kami, e.

“Ngayon talagang every day, tina-try kong mag-workout almost every day.

"If I have the time, kahit mga thirty minutes lang po, iwo-work-out ko po yun.”

MAX COLLINS. Samantala, okay naman daw si Max Collins, ang napapabalitang girlfriend niya.

Pero ayon kay Pancho ay wala silang relasyon ni Max,
“Magkaibigan lang po kami.”

Marami ang nagsasabing sila pero hindi nila inaamin, ano ang pumupigil sa kanila para umamin?

Tugon ng aktor, “Hindi kasi pareho naman… ano na kami, sobrang bestfriends kami, e.

“Hindi kasi ako, parang ang hirap naman pag may taong minamahal ka, ang hirap namang i-deny siyempre.

"So kung kami naman talaga, sasabihin ko naman na kami.”

Pero dahil napapabalitang sila nga ay tila iniiwasan na si Max na ligawan ng ibang lalaki, “Hindi naman po siguro," tanggi ni Pancho.

Sabi pa niya, "Baka wala lang talagang nanliligaw kasi sobrang busy rin niya kasi.”

JUST FRIENDS. Wala naman daw silang arrangement ni Max na hindi ito magpapaligaw sa ibang lalaki at si Pancho ay hindi manliligaw sa ibang babae.

“As friends, wala po kaming ganung arrangement,” saad niya, pero aminado naman si Pancho na gusto niya si Max.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ano naman, right timing e siya lang naman yung gusto kong ligawan, wala namang iba, e.”

Bakit hindi pa siya manligaw?

“E, sobrang busy niya e sobrang busy talaga, ako din.”

Bukod sa pagiging busy, ano ang timing na hinihintay niya?

“Pag sobrang okay na ang lahat kasi sobrang busy and mahirap namang pagsabayin yung ganun.

“So dapat talaga pag-isipang mabuti.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN