James Yap to celebrate PBA win with Bimby before heading to Italy with Michela

“Reward ko sa sarili ko, ito talaga [bakasyon]. Kasi ito yung pinakamahabang break namin this year. So, siguro deserve naman,” says four-time PBA Finals MVP James Yap in an exclusive interview with PEP at San Mig Coffee victory party last night, July 11.


“Hindi ka lang talaga nagre-relax.”

Ito ang pahayag ni James Yap nang tanungin kung ano ang nagsilbing motibasyon niya upang makamit ang tagumpay sa kakatapos lang na 2014 PBA Governor’s Cup.

Si James ang hinirang na Most Valuable Player para sa naturang conference at pati na rin sa Commissioner’s Cup noong Marso.

Naging Finals MVP na rin si James noong 2010 Philippine Cup at 2012 Commissioner’s Cup.

Pinatunayan ni James, 32, na kalakasan pa rin niya sa basketball sa kabila ng tinamo niyang elbow injury noong December 2013 at off-court issues ’tulad ng paninira ng ilang bashers na “laos” na ang basketbolista.

Lubos din ang pasasalamat ni James sa grand slam victory ng San Mig Coffee Mixers para sa 2013-2014 PBA season.

“Ang saya! Of course, sobrang blessed na nakuha namin.

“Gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng fans dahil nandito tayo ngayon para talaga sa kanila.

“Itong victory party para talaga sa mga fans. So, sobrang maraming salamat sa kanila,” masayang bungad ni James.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang star player ng San Mig Coffee Mixers sa kanilang victory party na ginanap sa San Miguel Corporation Head Office Complex kagabi, July 11.

VACATION WITH MICHELA. Ayon pa kay James, lulubusin niya ang bakasyon habang off-season para pakonsuwelo niya sa sarili sa halos isang taon na tuluy-tuloy na trabaho.

Sa wakas ay makakapagbiyahe raw siyang muli kasama ang Italian girlfriend na si Michela Cazzola.

“Oo, meron na kaming chance na magbakasyon. Pupunta kami ng Italy,” nakangiting sabi ni James.

Isang buwan daw silang magtatagal sa Italy dahil balak nilang mamasyal sa iba’t ibang beach doon.

“Reward ko sa sarili ko, ito talaga [bakasyon].

"Kasi ito yung pinakamahabang break namin this year. So, siguro deserve naman."



CELEBRATE WITH BIMBY. Ngunit bago sila umalis ay makikipag-bonding muna si James sa kanyang anak na si Bimby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ng basketbolista, “Next week magkikita kami.”

Nang tanggapin kasi ni James ang kanyang MVP trophy, nabanggit niyang inaalay niya ito para sa 7-year-old son nila ng dating asawang si Kris Aquino.

Hindi kaagad nakapag-celebrate si James kasama ang anak dahil kasalukuyang nasa Thailand ang bata kasama si Kris para sa taping ng Kris TV.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN