Dingdong Dantes warns unfaithful men like his character Anthony Real: "...you will not live a happy life."

Dingdong Dantes on his character Anthony Real: “In a way, I’m taking the responsibility of being a guinea pig of showing the people that if you engaged in something like this, especially in the eyes of the Catholic faith, you engaged in bigamy per se or infidelity, pangangaliwa, ‘eto ang mga consequences na mangyayari sa ‘yo, you will not live a happy life.”


Bakit ba hot topic ang temang infidelity?

Tinanong ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes noong July 10, sa pocket press conference ng Ang Dalawang Mrs. Real sa Cucina ni Bunso sa Tomas Morato Avenue, Quezon City.

Natatawang agot ni Dingdong, “Hindi ko na alam kung ano ang mas iingay pa sa ganitong klaseng bulilyaso sa buhay ng isang tao.

“So siguro, kaya nagta-translate sa TV, sa mga audience, dahil nalalaman nila na kung mangyari talaga ‘to sa totoong buhay sa kanila, masisiraan sila ng bait, ‘di ba?

“And these are one of the qualities ng isang programa that makes it entertaining. And sometimes, sa ganoong klaseng level, you would want to see more and more twists kaya ka nahu-hook.

“And I guess, yung show for that manner, yung ganoong klaseng aspeto, in a way, nagwa-warm-up na rin siya. Nakukuha unti-unti yung audience.

“Para siyang slow burn, lahat naman ng kuwento, mga development niyan, mabagal din. Ganundin ang Mrs. Real.

Naniniwala ba siya na ang nangyayari sa kanilang mga karakter sa Ang Dalawang Mrs. Real ay nangyayari rin sa totoong buhay?

“Oh yes, for sure,” mabilis na sabi ni Dingdong.

“There is a reason kung bakit ka nanonood ng TV siguro or why you’re drawn [to] a certain character.

"Perhaps because in a way, yung ginagawa nila, humanized yung mga characters kaya nakaka-relate ‘yan.

“Maaaring hindi sa mga bida kung saan umiikot ang kuwento, maaaring sa mga characters around them na sumusuporta sa istorya. Meron at meron kang character na kakapitan.

“Maaaring ikaw yun or meron kang kilala.”

Personally, may kilala siyang tulad ng character niyang si Anthony Real?

“Well, eksaktong ganun, wala. Pero, may pakonti-konti na similar siguro, ‘di ba?

“Meron din namang ganun pero, hindi naman pinakasalan pareho. Pero with regards to conflict and struggle ni Anthony, I’m sure maraming-marami diyan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

COMPLEX CHARACTER. Kung tutuusin, ngayon lang halos napanood si Dingdong sa telebisyon na medyo “out of the box” ang kanyang karakter.

Puwede ba niyang sabihin na “liberating” ang ginagawa niya ngayon?

“Well, in a way, para sa akin, since first time ko ngang gumanap na ganito.

"Siguro makikita mo rin ang hesitation bilang tao. Hindi ko rin naman gustong magkamali. Hindi naman ako sadyang nanloloko ng tao. Hindi naman ako sanay sa ganoong sitwasyon.

“Even as a person, siguro, nagre-reflect yun dahil sa mga character na pinu-portray ko, hindi ako gumaganap ng ganoon.

"And siguro, ang maganda lang diyan really is kung paano mo maipapakita later on na tinatanggap mo ang ginagawa mo, nagsisisi ka, at kung ano ang pagbabago na naidudulot noon sa pagkatao mo later on at mga taong nakapaligid sa ‘yo.

“Those are the things that I’m looking forward to when it comes to my character.

"Sa ngayon, wala ka namang makikitang bahid ng kagandahang asal.

“Pero naipit din siya at may mga nakakakita rin na nahihirapan siya sa sitwasyon niya.

“Pero at the end of the day, mananaig pa rin kung ano ang tama at mali. I think, ang pinakahihintay na lang din nila ay kung paano itatama ang mali na yun.”

ANTHONY REAL EVOLVES. Ano naman ang masasabi niya sa feedback nag-evolve siya bilang isang aktor dahil sa kanyang karakter?

Aniya, “I must admit, may hesitation din. Hindi ako sanay na gumawa ng gray character, especially sa television.

“But since ang mandate ko sa sarili ko, I always want to challenge myself. Ayokong gumawa ng nagawa ko na.

“Gusto ko, something na may bago akong ipapakita and, you know, this is the perfect opportunity to move on and choose a role na talagang medyo mas mahirap talaga and up to date.

“Ito ang medyo pinakamahirap na role na ginawa ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami rin ang nakapansin sa pag-arte niya sa isang breakdown scene.

“Alam mo, sa totoo lang, ayokong tingnan na ganun sa ngayon. Puwede ko siyang i-appreciate kapag tapos na ang show.

“Kasi ang sukatan siguro ng kagalingan or otherwise ay kung ano ang magiging ending.

"Paano ba siya makakaapekto, paano siya makaka-inspire, paano siya makakatulong sa ‘yo sa pag-enrich sa pagiging artista?

“Sa dulo na yun, saka ko pa lang masasabi na, ’Thank you, napuna niyo yun at na-appreciate niyo siya.’ But only because hindi yun ang priority ko ngayon.

"Pero kapag nakakatanggap ako ng mga ganoong komento, siyempre nakakataba ng puso and nagpapasalamat ako, nakaka-inspire.

“Pero siyempre, hangga’t hindi pa tapos ang laban, doon na ang husgahan.”

ROLE MODEL FOR MEN? Meron na bang nag-tweet o nag-message sa kanya sa social networking sites na, “Pare, nakaka-relate ako sa ‘yo?”

Natawa si Dingdong at sinabing, “Mahirap na aminin yun. Pero kung talagang meron, saludo ko.

“Kung sinuman ang maglalakas-loob na magsabi na, ’Ako po si Anthony Real,’ aba, saludong-saludo ako sa ‘yo, kung sino ka man, lumantad ka na para mag-forum tayo.”

Kung sakali, magbibigay ba siya ng input kung paano ang magiging ending ng serye?

“Malalaman natin, siyempre, hindi ko pa alam kung paano rin tatakbo ang istorya.

“So definitely, especially for the male audience, we will do everything that we can to represent manhood, our male audience properly.

“In a very realistic manner and values are still the priority wherein justice is served, wherein learning should be implemented.”

VALUES. Posibleng ang pagkakahawig ng serye sa totoong buhay ang isa sa mga dahilan kung bakit sinusubaybayan Ang Dalawang Mrs. Real.

Pero ano ang maipapayo niya sa mga lalaking katulad ng karakter niya na nagpakasal nang dalawang beses?

“Kasi ano e ang tao kasi, naturally, maraming rooms sa kanyang pagkatao sa pagmamahal—minsan love for friends, wife, husband, etc.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Minsan we have to learn to put it in a right place.

"Every thing, of course, all our actions, may kaakibat na responsibilidad.

“In all that we do, we have to think of the moral implications and the spiritual implication of it and, of course, how it will affect the ones we love, ourselves, and society.”

Hindi katapusan ng mundo kapag nagkasala sa isang asawa?

“Hindi siyempre, pero gusto ko rin linawin na ako, nanggagaling ako sa isang Katolikong relihiyon, very sacred sa akin ang matrimony.

“Kapag kinasal ka, yun na talaga yun. Siyempre, gusto lang nating sabihin na huwag nating tularan ‘to.”

Natawang sabi pa ni Dingdong, “In a way, I’m taking the responsibility of being a guinea pig of showing the people that if you engaged in something like this, especially in the eyes of the Catholic faith, you engage in bigamy per se or infidelity, pangangaliwa, ’eto ang mga consequences na mangyayari sa ‘yo, you will not live a happy life.”

BONDING WITH FEMALE LEADS. Kumusta naman ang pakikisama ni Dingdong sa mga “babae” niya sa serye na sina Maricel Soriano, Lovi Poe, at ngayon ay nadagdag pa si Alessandra de Rossi?

“Grabe, ang huhusay nila. And I’m really blessed to be surrounded by award-winning actors and actresses.

“You just get better and better sa mga ginagawa ko sa GMA. Thankful talaga ko. Wala na ’kong masabi, kapag nandoon na, yun na,” masaya niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN