Angelu de Leon says eldest daughter hints at joining showbiz: “Dahil dugong artista talaga siya.”

Angelu de Leon on eldest daughter Maria Louise Nicole joining showbiz: “She’s 15, magsi-16 na siya sa November, so baka malamang. Pero as of now, it’s really school din yung priority niya, which, natutuwa naman ako.”


Natutuwa si Angelu de Leon sa magandang feedback ng viewers sa afternoon series ng GMA na Niño kung saan kabilang siya sa cast.

Pangunahing tampok dito sina Miguel Tanfelix at ang child actor na si David Remo.

“Mas kaabang-abang pa ang mga susunod na episodes,” aniya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong July 6 sa new building ng GMA.

“Kasi nasa iisang bahay na yung dalawang nanay ni Niño na hindi nila alam, maging ng mga tao sa paligid nila.”

Ginagampanan ni Angelu ang papel bilang adoptive mother ni Niño na siyang karakter naman ni Miguel, habang si Katrina Halili naman ang gumaganap bilang tunay na ina nito.

“And kami rin mismo sa buong cast, excited sa kung ano yung mangyayari. Kasi parang as you can see naman, Niño is very light.

“And parang ano...yung emotions na makikita niyo kapag nagkaalam-alam na.

“So maraming aabangan.

"And we are assuring everyone na kapupulutan talaga ng aral in spite of the heartaches, in spite of the revelations, meron pa ring laging magandang maidudulot ‘yon.

“Sabi nga, ’without pain there is no happiness.’”

FRIENDS WITH DAUGHTERS. Dahil isa na rin siyang ina sa totoong buhay, madali lang para kay Angelu na gampanan ang ganitong role na karaniwang natotoka sa kanya.

Kumusta naman siya bilang ina sa totoong buhay?

“Sa akin kasi, importante kasi na you be a friend sa ’yong anak. Bilang ako ha, I’m speaking for myself lang.

“I adjust to my kids kesa sila yung nag-a-adjust sa ’kin.

“At very open sila sa akin. Kasi yun yung number one key na as much as possible they can tell you whatever.

“And ako rin, gano’n ako sa kanila. Kasi kailangan ikaw din yung malaking impluwensiya sa buhay nila.

“Kaya dapat ikaw rin, open ka sa kanila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ELDEST DAUGHTER HINTS AT JOINING SHOWBIZ. Sa mga anak niya, may nakikita ba siya na gusto ring mag-showbiz?

Pagsang-ayon niya, “Meron. Siyempre yung panganay ko, ’di ba? Dahil dugong artista talaga siya,” pagtukoy niya sa anak nila ni Joko Diaz na si Maria Louise Nicole.

“She’s 15, magsi-16 na siya sa November, so baka malamang. Pero as of now, it’s really school din yung priority niya, which, natutuwa naman ako.”

May manliligaw na ba ang panganay niya?

“Meron na. Pero alam niya na hindi pa napapanahon.”

Istrikto ba siya bilang ina?

“Ako, I don’t think I’m a strict mom. Ano lang, I’m very reasonable pero strict in a sense na…siyempre kapag may nagawang mali, may punishment. It’s always that case naman.

“Hindi naman puwedeng pababayaan mo na lang,” diin niya.

OPEN TO CHALLENGING ROLES. Mabait na ina ang role niya sa Niño. Graduate na ba siya sa kontrabida roles?

“Sana!” sabay tawa ni Angelu.

“Pero masaya rin namang magkontrabida. Masayang magkontrabida.”

Marami na siyang karakter na nagampanan. May dream role pa ba siyang masasabi?

“Parang feeling ko naman kasi, nagampanan ko nang lahat. So ano na lang, challenging kapag nabigyan ka ulit ng same role na how to make it different, ’di ba?

"Parang how to make it challenging to you as well,” pagtatapos niyang pahayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN