Lovi Poe finds admission of relationship with Rocco Nacino "liberating but scary"

Lovi Poe on why she had always preferred to keep her lovelife private: "What if there’s a moment that you don’t wanna answer anything about it and if worst comes to worst, I mean, talking about the breakup is not something fun to do."


Wala man sa plano ni Lovi Poe na aminin ang tungkol sa relasyon nila ni Rocco Nacino nang nag mag-guest ito sa Startalk noong July 5, wala naman daw siyang pagsisisi sa naging rebelasyon niya.

Aniya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Startalk crew sa pocket presscon ng Ang Dalawang Mrs. Real sa Cucina ni Bunso, Tomas Morato Avenue, Quezon City noong July 10, “Okay lang, I mean, it’s bound to happen anyway.”

Nakangiti pa niyang kuwento, “Anyway, alam ko na si ’Nay Lolit [Solis] ang mag-i-interview sa akin, the night before pa lang, I was preparing myself.

“Parang, ’Oh my god, si ’Nay Lolit, for the first time, iinterbyuhin niya ako nang live.’

“So sabi ko, I think it’s gonna happen.”

Kahit na nung nakausap ng PEP si Heart sa presscon naman ng pelikula nito, ang Trophy Wife, naikuwento nitong pinu-push daw niya talaga si Lovi na umamin, “Go girl!”

Natatawang kuwento ni Lovi, “Oo, naku, if you can see, yung mata ko was looking at her the whole time. She’s like, ’Sabihin mo na, sabihin mo na!’”

Bakit gusto ni Heart na umamin na siya?

Ani Lovi, “She wants me to try something else siguro because I always kept things private. So siguro ngayon, gusto niyang maging open ako, for once.”

LIBERATING BUT SCARY.” Ano ang pakiramdam ng pagiging out in the open na ng relasyon nila ni Rocco ngayon?

Ayon kay Lovi, “It’s liberating but, at the same time, it’s kinda scary.

“Parang every time, you’re gonna have to answer questions about the relationship.

“What if there’s a moment that you don’t wanna answer anything about it and if worst comes to worst, I mean, talking about the breakup is not something fun to do.

“And I’ve avoided the breakup talks because I don’t talk din naman about my past relationships.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ON ROCCO. Sa parte naman ni Rocco, kinilig daw ito sa ginawa niyang pag-amin.

Sinabi pa raw ni Rocco na kung noong una pa lang nilang biyahe ay sinagot na siya ni Lovi, mas naging romantic pa raw sana ang sumunod nilang biyahe.

Pero ayon kay Rocco, sa Europe trip lang daw siya sinagot.

Pagsang-ayon ni Lovi, “Oo, oo… matagal na rin niya akong nililigawan, medyo matagal na rin. Ano rin ako e I’m not so used with these things.

“I’m so focused sa trabaho, sa lahat ng iba-ibang priorities ko. Parang ito, it’s just something, like giving me extra inspiration.”

Positibo naman ang mga komento sa kanya na hindi na siya nagtatago.

Unang beses nga lang sa kanya na maging open sa relasyon.

“Nakakapanibago,” nakangiting sabi ni Lovi.

Pagkatapos niyang umamin, ano’ng sabi sa kanya ni Rocco?

“He was surprised, he was happy about it naman. Kinikilig nga raw siya, that’s cute, cute,” natawa niyang sabi.

TRENDING. Samantala, masaya si Lovi sa tinatakbo ng Ang Dalawang Mrs. Real, primetime series nila nina Dingdong Dantes at Maricel Soriano.

Noong isang gabi lang ay nag-trending pa ang dalawang hashtag na karakter niya ang tinutukoy. Ang #AlamNaNiSheila at ang #Sheila.

Sabi ni Lovi, “I’m just so thankful sa lahat ng sumusuporta sa Ang Dalawang Mrs. Real.

“Sa lahat ng mga reactions nila sa character ko rin, whether it’s good or bad, I’m glad they are affected because kahit ako, I have my negative and positive reaction towards my character.

“So I’m very thankful talaga and ang gagaling ng mga writers namin. Talagang ang bilis ng pacing ng story, I’m sure mas marami talagang gaganahang manood.”

CHALLENGING ROLE. Aminado si Lovi na isa raw ito pinaka-challenging series na nagawa niya.

Lahad niya, “Kasi, yung character ko, first time kong gumawa ng ganitong character na total opposite of me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kumbaga, super in love siya kay Anthony. I’ve never fallen in love that way. Yung tipong martir ka na. Kumbaga, I stand up for my rights personally.

“Pero, si Sheila is a total opposite of me, so mahirap gumanap ng isang character na you’re against their attitude.

“Parang ako, ayoko nung ginagawa ni Sheila. I’m against it but I have to do it because it’s my character.

“Kailangan kong i-justify, pero ayoko ng ginagawa niya.”

Ano’ng motivation pala niya para maging convincing ang kanyang pag-arte?

Sagot ng dalaga, “Ang motivation ko to be that girl pala, what women shouldn’t be. Kasi when you see it, hindi siya magandang tingnan.

"It’s not promoting this kind of attitude, but when people see it, parang..."

Sabad na tanong ng writer na ito, hindi ba nakikita ang character niya na biktima rin naman?

“Yes, victim din siya. She’s so naïve and so young. She doesn’t know how to handle situation.

“Yun nga e, I hope women would open their eyes with situations like these. Kasi nga, when you fall in love for the first time or when it comes to your first love, some women get crazy at time,” saad niya.

THE “LOVEY” TRIO. Sa isang banda, mukhang silang tatlong magkakaibigan—siya, si Heart, at maging si Alessandra de Rossi—ay masaya at in-love ngayon.

Sambit ni Lovi, “I’m very happy for the three of us.”

Napagkukuwentuhan na ba nilang tatlo ang lovelife nila?

“Hindi pa, hindi pa kami nagkikita ni Heart ng matagal, e. More on phone calls kami ngayon because she went to Europe nga.

“We’re happy, we get to share a lot of things together. But well, matagal naman na nagsi-share kami ng stories namin.”

Pero totoo bang may namamagitan kay Alessandra at Sid Lucero?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I don’t wanna answer, muntik na ’ko. I was supposed to say something,” natatawa niyang sabi.

Saka nabanggit na noong guesting niya sa Startalk, nadawit din ang pangalan ni Alessandra na tila may tampo raw kay Heart.

Pagklaro naman ni Lovi, “I doubt, I doubt na may problema ‘yang dalawa. My god, hindi talaga.

“You know how sisters are, we’re like that talaga. We’re more than just friends ha, we’re sisters. And sisters are, ibang level ang relationship sa friends.”

Hindi ba niya papayuhan si Alessandra na maging open din tungkol sa lovelife nito?

“I don’t know with her personal life, e. Kasi whatever she does, it’s her choice. Si Alex, very private person ‘yan. She listens to herself more than anything.”

Sa nakikita niya sa kaibigan, anong klaseng girlfriend kaya ito?

“Ay ako, hindi ko masasagot ’yan. But then, as a friend, maalaga siya and she’s gonna be there for you no matter what. Kaya what more pa kapag boyfriend or magiging boyfriend niya.”

SCENE WITH MARICEL. Nang kausap namin si Lovi, kukuhanan pa lang daw ang eksena kung saan malalaman na rin ni Maricel na siya ang isa pang Mrs. Real.

Sabi ni Lovi, “I’m excited actually. It’s a dream come true na maka-eksena si Ms. Maricel Soriano, especially on this kind of situation.

“Kasi doon sa Yesterday, Today, Tomorrow, when I was reading the script, ’Ay, hindi ko ka-eksena si Ms. Maricel.’"

Nagkasama ang dalawa sa nasabing Metro Manila Film Festival entry noong 2011.

Sa pagpapatuloy ni Lovi, “E, ngayon sa show pa, I’m looking forward. Whatever happens to the scene, I’m gonna love it.”

Napag-uusapan ba nila ni Maricel kung sakali at paano ang magiging confrontation nila o kung magkakaroon ba ng pisikalan?

Aniya, “No, ako kasi, I don’t like it when you talk about it. I really want it to come out naturally.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN