James Reid settles "snub issue" with Mark Herras

James Reid on "snub issue" with Mark Herras: “I talked to him and he said, ’Hey, did you see the article?’ I said, ’Yes,’ and he said, ’It was blown out of proportion.’ Something like that... He was apologetic and I was, too. Yeah, I think, it was my fault ’cause the first time I saw him, I didn’t say ’Hi.’”


Sa unang pagkakataon ay nagsalita ang latest hearttrhrob ngayon na si James Reid tungkol sa naging reklamo sa kanya ng “Bad Boy of the Dance Floor” na si Mark Herras.

Read: Mark Herras complains about newbie actor James Reid’s attitude: “Ang ayoko sa lahat ng mga baguhan, yung hindi marunong bumati!”

Nang eksklusibong makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang baguhang singer-actor sa Diary ng Panget Live Concert sa SM North Edsa Astrodome kahapon, July 11, hiningi namin ang kanyang saloobin tungkol sa isyung ito.

Paliwanag ni James, “I’m not sure what it was about, I talked to him and he said, ’Hey, did you see the article?’

“I said, ’Yes,’ and he said, ’It was blown out of proportion.’

“Something like that...

“He was apologetic and I was, too.

“Yeah, I think, it was my fault ’cause the first time I saw him, I didn’t say ’Hi.’

“But now, we’re okay na, we took pictures of ourselves pa nga.”

Lumalabas kasi sa artikulo na parang snob siya at walang galang sa mga nauna sa kanya sa industriya.

SHYNESS MISINTERPRETED. Sabi pa nga ng iba ay baka raw lumaki na ang kanyang ulo matapos maging big hit sa talikya ang pelikula niyang Diary ng Panget noong April kasama sina Nadine Lustre, Andre Paras at Yassi Pressman.

Naiiling na pahayag ng isa sa mga bagong heartthrobs ngayon, “No, I’m not.

“No, I don’t think that’s it.

“I’m just shy to push and figure it out with some artists.

“Mahiyain talaga akong tao and a lot of people misinterpret that.

“Now, I’m really trying hard to be more sociable. Friendly naman ako, pero tahimik lang talaga akong tao.”

Ngunit bilang isang performer, kahit mahiyain siya ay handa niya itong isantabi alang-alang sa kasiyahan ng kanyang mga tagahanga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Katulad nga sa nangyari kagabi sa concert kung saan hinubad niya ang kanyang T-shirt at ipinakita ang matipuno niyang pangangatawan habang kumakanta ng isang fast song.

Umani ito ng malakas na tilian na halos ikabingi na ng ilang concertgoers.

Ano ang masasabi niya sa naging reaksiyon ng mga tao sa kanyang paghubad?

“It’s crazy!” natatawang saad niya.

“The audience was crazy and that’s the first time na tinanggal ko ang jacket ko and scarf and threw them sa crowd.

“It was wild!

“Yeah, I’m training my body to have a good six-pack.

“I think, my fans deserve this, yeah, I was a bit medyo embarrassed but if it’s for them, I’ll go for it.

“But, of course, because of certain limitations, hanggang ganyan lang,” diin niya.

THE NEXT DANIEL PADILLA? Dahil sa kanyang kasikatan ngayon, marami ang humuhula na siya na raw ang susunod sa yapak ni Daniel Padilla na itinuturing na pinakasikat na batang aktor sa kasalukuyan.

Medyo nag-aalangan na sagot niya, “Daniel is definitely one of the biggest stars sa ngayon.

“Of course, I’m honored if they say that, but I’m different, I’m my own person.

“I don’t try to be different, I just try to be me.

“Talking about success, definitely ang layo na ng narating ni Daniel.

“I don’t even know if I could match that, but really, I’m glad that our first movie did well.

“Sobrang happy namin, sobrang happy na many went to see our movie.”

Dugtong pa niya, “I’m just really thankful and glad especially to Boss Vic [del Rosario of Viva Entertainment Inc.] who gave me the chance, a really big chance, to do a movie.

“He always believed in me from the start, so I’m really grateful.

“And then, may kasunod na kaming movie, kaya sobrang happy talaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FOLLOW-UP MOVIE. Tinatapos na ang pelikulang Talk Back and You’re Dead kunsaan makakasama niyang muli sina Nadine Lustre at Yassi Pressman minus Andre Paras.

Ramdam na raw niya ang pressure dahil marami ang umaasa na mahigitan niya, kundi man ay mapantayan ang Diary ng Panget.

Aniya, “I think, if they loved the first one, they will love this movie even more.

“I really love the story of Talk Back... and it’s gonna blow them away.

“Yeah, there’s pressure.

“I can feel it, pero all what we do is just enjoy doing the movie.

“I know mataas yung expectations, pero I’ll worry about that later on.

“Right now, we’re just really having fun.”

CLOSER TO NADINE. Kumusta na pala sila ni Nadine Lustre?

Nangingiting sabi ng 20-year-old newbie actor, “We’re definitely closer now.

“I’m not saying I’m courting her now, but we’re really close.

“I don’t think I have time for that right now."

Ibig bang sabihin ay hindi mabubuo ang loveteam na JaDine sa totoong-buhay?

Tugon niya, “I know a lot are pushing for that now.

“Pero I guess it would be fair kung loveteam muna kami ngayon sa movie ’cause we really have good chemistry.

“I enjoy her company, she enjoys my company.

“Hindi pa naman iniisip na to level it up to our personal life.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN