Mikael Daez doesn’t mind being cast in an afternoon series: “I don’t think it matters.”

Mikael Daez says there’s nothing wrong with being cast in an afternoon soap and not a primetime teleserye. “So para sa akin, go lang nang go. I think you do your best and makikita rin ng tao eventually and magkakaroon ka ng reward in the end.”


Kapag inere na ang Ang Lihim ni Annasandra ay dalawang beses isang araw nang mapapanood ang Kapuso hunk na si Mikael Daez.

Host rin kasi siya ng "Midnight Express" ang food segment ng Saksi. Bukod dito ay komedyante naman ang papel niya sa Bubble Gang at kasama pa rin siya sa Sunday sitcom na Ismol Family.

“Yes, yes,” ang masayang reaksyon ni Mikael nang nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Biyernes, July 11, sa GMA Network Center.

Ano ang naging reaksyon niya noong nalaman niyang may bago siyang teleserye, ang Ang Lihim ni Annasandra, kunsaan sina Andrea Torres at Pancho Magno ang mga bida?

Ayon kay Mikael, “Well, natakot ako nang konti sa schedule ko pero excited ako kasi I haven’t done drama since Adarna.

“Pero very excited ako kasi maganda na may variety yung linggo ko. May gag show, may sitcom, may drama, may kain, at konting hosting.”

Paminsan-minsan ay naghu-host rin siya ng Unang Hirit.

Dagdag pa niya, “Matagal na nga akong hindi nakakapagpang–umaga, e.

“Haping-happy ako dahil may variety ang buhay ko.”

FIFTY SHADES OF TWILIGHT. Parang Twilight daw ang Ang Lihim ni Annasandra.

Ang Twilight ay ang sikat na vampire/werewolf romance-fantasy movie series hango sa mga nobela ni Stephenie Meyer. Dito nakilala ang love triangle nina Robert Pattinson, Kristen Stewart at Taylor Lautner.

Pagsang-ayon niya, “Actually oo nga e, parang napansin ko nga na may pagka-Twilight yung tema namin, e. Baboy nga lang.”

May mga karakter sa show na magta-transform sa pagiging baboy-damo.

Pero mortal daw ang karakter ni Mikael sa serye kaya hindi siya kasama sa mga magta-tranform at maghuhubad na tulad ng hunk na si Pancho.

“Human lang ako so hindi ko alam kung... hindi naman yata masisira yung damit ko nang basta-basta,” at natawa si Mikael.

“So kung ano yung kailangan ng direktor, kung ano yung vision nila, I trust GMA and I trust Direk Albert Langitan who was my very first director ever sa Spooky Nights kasama ni Marian [Rivera].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So kung ano yung kailangan nila I trust them and I trust my cast, I trust my co-actors very, very much. So kung ano yung kailangan para mapaganda yung show, gagawin namin,” pahayag pa niya.

WORKING WITH ANDREA AGAIN. Ano ang pakiramdam na makatrabaho muli si Andrea sa pangatlong pagkakataon?

Sabi ni Mikael, “Exciting, exciting!

“Kasi may growth kami lagi and iba yung ano e, parang nagde-develop kami together.”

Ang mga fans daw ang nag-request na pagsamahin muli sina Mikael at Andrea sa isang serye.

Dagdag niya, “Yung fanbase is still very, very strong. Ang dami kaming nakukuha sa Twitter and social media so I’m very excited kasi tingin ko mas male-level up pa namin yung chemistry namin together and yung acting namin together, kaya excited ako.”

ON PANCHO. Sa naunang panayam kay Pancho na lumabas din dito sa PEP, sinabi nitong susubukan niyang buwagin ang tandem nina Andrea at Mikael.

Mabilis namang reaksyon ni Mikael, “Go, go go! I think that’s good.

“I think kaya nga. Okay yung cast na ito kasi very focused and determined and para sa akin… iyon nga sinasabi ko lagi before a teleserye.

“Pag maganda yung chemistry ng cast, pag maganda yung working attitude at pare-pareho, on the same page kumbaga, parang maganda yung kutob ko sa show.”

Dahil hunk si Pancho, tiyak na isa sa ipanlalaban nito kay Mikael ay ang mga “pandesal” nito sa tiyan o ang abs.

“Oo, oo,” at tumawa si Mikael. “Go lang, go lang!”

Pero ayon pa rin kay Pancho, bilib ito kay Mikael dahil kahit raw kain nang kain si Mikael ay napapanatili ni Mikael ang magandang pangangatawan.

“Well, I mean when it comes to the body, hindi ko talaga iniisip masyado. I think you really need to focus on your craft, yung acting mismo. I think at the end of the day, iyon yung nakikita ng tao, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung katawan kasama lang yun, paminsan-minsan lang yun, hindi ka naman hubad lagi,” lahad ni Mikael.

AFTERNOON VS PRIME? Dahil sa Afternoon Prime ieere ang Ang Lihim ni Annasandra, napag-usapan naman ang opinyon ni Mikael na sa hapon siya mapapanood at hindi sa primetime o sa gabi.

Ayos lang daw iyon sa kanya.

“Yeah,” bulalas ni Mikael.

“Maganda, I mean, case in point—Gabby Eigenmann. Ang ganda ng nagawa ng Dading. It’s doing very, very well, ang ganda ng reviews.

“So happy ako, very, very happy.”

Walang kaso sa kanya kahit sa hapon ipapalabas Ang Lihim ni Annasandra at hindi primetime.

Paglinaw naman niya, “I don’t think it matters. Sana Ikaw Na Nga, our launching teleserye, ang ganda ng nagawa niya para sa amin, and nasa hapon kami.

“So para sa akin, go lang nang go. I think you do your best and makikita rin ng tao eventually and magkakaroon ka ng reward in the end.”

Dagdag pa ni Mikael, “At least natahak ko na lahat; nag-early morning na ako [Unang Hirit], morning [With A Smile], afternoon [Sana Ikaw Na Nga], and primetime [Amaya at Adarna].”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN