Enzo Pineda keeps quiet about Louise delos Reyes’s claim that there was no third party in their breakup

Enzo Pineda on moving on after breakup with Louise delos Reyes: "Wala akong regrets sa naging relationship namin ni Louise. Maraming happy memories, and marami rin akong natutunan na mga lessons. So, para sa akin, it’s just another phase in my life. And now, nasa bagong phase na ako sa buhay ko. And I’m looking forward to it."


Maingat si Enzo Pineda sa pagbibigay ng pahayag kaugnay ng pagtanggi ng ex-girlfriend niyang si Louise delos Reyes na may third party sa breakup nila.

Ang itinuturong third party diumano sa hiwalayan nina Enzo at Louise ay si Aljur Abrenica, na naging leading man ng young actress sa GMA primetime series na Kambal Sirena.

Read: Louise delos Reyes denies causing Aljur Abrenica-Kylie Padilla breakup; speaks up about rumored pregnancy

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Enzo sa studio ng Sunday All Stars kahapon, July 13.

Kinuha namin ang reaksiyon niya sa naging pahayag ni Louise.

Sabi ni Enzo, “Honestly, hindi po kami nagkakausap sa ngayon.

“I think, siguro in time, we’re gonna patch things up. Magkakaayos din.

“And… siguro ngayon, it’s better off na ganito, na iba yung paths namin.

“Para at least, mag-focus kami sa mga importanteng bagay.”



ENZO HAS MOVED ON. Pero sakaling magkaroon sila ng pagkakataong makapag-usap, uungkatin pa ba nila ang mga bagay na hindi nila naiintindihan na kailangang mabigyang-linaw?

Saad ng StarStruck alumnus, “Actually, para sa akin, hindi na.

“Kasi nakapag-move on na ako, e.

“So, for me, I’m focusing more on other things na importante sa akin. Kung ano yung mga gusto kong gawin ngayon.

“For me, past is past. And wala na akong magagawa about it but only to move on.

“And siguro, ang masasabi ko lang… wala akong regrets sa naging relationship namin ni Louise.

“Maraming happy memories, and marami rin akong natutunan na mga lessons.

“So, para sa akin, it’s just another phase in my life.

“And now, nasa bagong phase na ako sa buhay ko. And I’m looking forward to it.”

Sasang-ayunan ba niya ang nasabi ni Louise na walang third party sa breakup nila?

“Siguro, tanungin niyo na lang po siya about it pa!” bahagyang natawang sagot ni Enzo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, “Para sa akin, alam ko naman yung totoo, e.

“Pero siguro, kung iyon ang sinabi niya… hanggang dun na lang talaga.

“And for me, I just want to keep quiet about it.

“I don’t wanna talk about it anymore kasi parang… past is past na ‘yan, e.

“Nakapag-move on na ako.

“And mas mabuti kung sila na lang po ang natungin niyo about it,” pagtukoy niya kina Louise Aljur.



IN THE MIDDLE. Kaibigan nina Enzo at Aljur ang kapwa nila StarStruck alumni na Rocco Nacino.

Kamakailan ay may nasabi si Rocco na naiipit siya dahil sa sitwasyon ngayon nina Enzo at Aljur.

Ano ang reaksiyon dito ni Enzo?

Sagot niya, “Actually, para sa akin, I don’t think… wala naman silang issue about it.

“I mean, between Aljur, Rocco, and me.

“And para sa akin, hindi naman kasama si Rocco dito. Hindi naman siya nakikisama.

“Siguro it’s between me and Aljur. So, wala si Rocco dito sa issue na ‘to.”

Hindi pa rin sila nagkakausap ni Aljur hanggang ngayon?

Ayon kay Enzo, “No, hindi kami nag-uusap.

“And para sa akin siguro, hanggang dun muna talaga.

“And I think siguro time is the best way to heal.

“And para sa akin, ang dapat ko na lang isipin at bigyan ng pansin ay ang trabaho.

“At yung mga bagay na personal, siguro sa ibang araw na lang po ‘yon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN