Daniel Padilla and Kathryn Bernardo ask fans to stop attacking other stars paired with them

Daniel Padilla advises Kathryn Bernardo on how to respond to interviews. She says, “Tatay ‘yan, e, masungit.” He says, “Sinasabi ko lang, ’Ano ‘yan, parang hindi masyadong okey ang nasabi mo.’”


Nang mag-guest sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa The Buzz 15, kahapon, July 13, parehong may hawak na placard ang dalawa na ituturo ng isa sa kanila kung sino ang tinutukoy ng tanong ni Toni Gonzaga.

Ang unang tanong: Sino sa kanila ng dalawaang mas antukin sa set?

Si Daniel ang nagtaas ng placard na may nakalagay na, “Ikaw yan, ‘Bal!!”

“Kambal” ang tawagan o term of endearment nina Daniel at Kathryn.

Paliwanag ni Daniel, “Kapag nahanginan lang ‘yan, tulog na ‘yan.”

Natatawang sagot naman ni Kathryn, “Sobrang antukin ko na tao.

"Bigyan mo ako ng ilang minutes, tulog na ako.

"So, feeling ko, talent... kasi kailangan naman natin ng power nap palagi.

"So, palagi ko yun ginagawa.”

Si Kathryn naman ang nagtaas ng placard paturo kay Daniel sa tanong na sino sa kanilang dalawa ang mahilig magbuo ng surprises.

Ayon sa young actress, nabubuking din naman agad si Daniel dahil hindi nito mapigilan na hindi sabihin sa ka-loveteam.

Sabi ni Kathryn, “Kahit yung mga simple surprises lang, like kapag may aso, hindi ko nabubuking.

"Pero siya mismo ang nagsasabi, kaya sasabihin ko, ’Hindi ka na naman nakatiis, ‘no? Sinabi mo na naman ang surprise mo.’”

Sino ang madalas na manggising at sabihing, "Bal, wake-up na."

Si Kathryn muli ang nagtaas ng placard at sinabing si Daniel daw ang mahilig mag-bear hug.

Hindi lang naman daw sa kanya kundi maging sa iba pang mga tao sa set.

Si Daniel pa rin daw ang palaging kinukonsulta ni Kathryn at tinatanong kung tama ang ginawa niya sa interviews.

“Tatay ‘yan, e, masungit!” natawang biro ni Kathryn.

Sabi naman ni Daniel, “Hindi, sinasabi ko lang, ’Ano ‘yan, parang hindi masyadong okey ang nasabi mo.’”

LEVELING UP. Sa mas seryosong usapan, binanggit ni Boy Abunda na may mga nababasa raw siyang reviews na pinupuri ang tinaguriang Teen King & Queen bilang mga aktor at aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Senyales na raw ba ito na papunta na sila sa mas seryosong materyal?

Ayon kay Kathryn, na ang tinutukoy ay ang pelikula nila ni Daniel na She’s Dating The Gangster, “Feeling ko kasi, especially sa movie na ‘to, mas seryoso.

"Sa lahat ng ginawa namin, ito ang mas seryoso.

"Hindi lang siya for teens, pang-all ages talaga, puwedeng sa mom mo and sa lahat.

“And feeling ko rin, yung ibinibigay na project sa amin, for our age muna.

"Then, ngayon, medyo one step na mas mataas na.”

BOOK VS. MOVIE. Ang She’s Dating The Gangster ay hango sa libro na isinulat noong 2005. Wala pa ang KathNiel loveteam noon.

Ang vision ng writer, kung sakali at magiging pelikula, ay ang loveteam sana nina Kim Chiu at Gerald Anderson, na umuusbong pa lang noon, ang gaganap.

Tinanong din si Daniel sa reaksiyon nito sa mga komentong hindi raw angkop ang title ng pelikula. Dapat daw ay "She’s Dating The Albularyo" dahil sa ayos ng buhok niya rito.

Sabi naman ng teen actor, “Oo nga, sinasabi nga po nila.

"May nagsabi pa sa akin na umiyak pa raw ako,’ tapos aalis daw ako ng bansa dahil doon.

“Hindi naman ako naapektuhan sa ganun.

"Nakakatawa lang din at pinipilit nilang magka-isyu talaga.”



LOVE TRIANGLE. Ka-triangle nila sa pelikula si Sofia Andres at binibigyan ito ng ibang kulay ng ilan.

Ayon naman kay Kathryn, “Hindi naman po ito ang una na binigyan kami ng ka-love triangle, pero first time po with Sofia.

"And si Sofia, nakasama ko na siya sa Princess And I, kapatid ko siya.

"Kilala ko na talaga siya, at noong alam ko na sa kanya binigay ang role, masaya ako para sa kanya.

"Kasi, alam ko na matagal din siyang naghintay.

"Yung sinasabi nilang may isyu, yung ganun, para ma-clear, wala talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Lahat kami rito sa She’s Dating The Gangster, para kaming family talaga.

“Kasi, yung the gang, sila Direk [Cathy Garcia-Molina], wala talaga.”

Yung kay Julia Barretto, ano talaga ang isyu sa kanila ni Daniel?

Sabi ng young actor, “Hindi, kasi kahit sino naman makasama ko, palagi namang may isyu.

"Pero, wala po talaga.

“Sinabihan ko rin po ang ibang supporters natin na huwag po tayong mang-away ng ganung tao.

"Hindi porke’t nakasama namin ni Kathryn, e, aawayin.

"Hindi po yun maganda.

"Yun lang naman po yun at lahat po kami ay magkakaibigan sa showbiz."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN