Jake Vargas reveals Bea Binene’s mom tags along on their dates

Jake Vargas on stronger relationship with girlfriend Bea Binene: “Ako, ayoko na rin kasi na nagpapaapekto o nagpapadala sa mga intriga. Gusto ko yung tahimik na lang. Mas maganda kasi yung ganun para walang negative. Wala kaming iniisip na iba. Sa ngayon, masaya naman kami.”


Nagdiwang ng kanyang 22nd birthday si Jake Vargas noong July 9.

Masaya na raw ang Kapuso young actor na nagkaroon siya ng isang simpleng selebrasyon kasama ang kanyang pamilya.

Saad niya, “Sa bahay lang kami. Nandun lahat ng mga kamag-anak ko.

“Masaya na kami kahit ganung simpleng celebration lang, na may konting kainan na nandun din yung mga pamangkin ko.

“Okey na ako sa ganun. Masaya na ako.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jake sa studio ng Sunday All Stars noong Linggo, July 13.



BEA’S SURPRISE. Nandun din ba ang girlfriend niyang si Bea Binene?

Sabi ni Jake, “Si Bea kasi, sinurprise niya ako, e. Iba yung ginawa niya sa akin.

“Binigyan niya ako ng cake. ‘Tapos yung surprise na sobrang ano… nakaka-touch sa damdamin.

“Kasi first time ko ring maka-experience ng ganun na, girlfriend ko siya, ‘tapos isu-surprise niya ako.

“Na pagdating ko, inaway niya pa ako, e!” tawa niya.

“Hindi ko alam yung… ginudtime niya ako sa isang lugar na… ayun, sinurprise niya ako.

“Nangyari iyon bago ang mismong araw ng birthday ko, sa isang lugar sa Morato [Quezon City]. Kumain kami.

“At masaya na ako dun sa ginawa niya. Sobrang malaking gift na iyon para sa akin.”



BIRTHDAY WISH. Mayroon ba siyang naging wish kaugnay ng katatapos na birthday niya?

Sagot ni Jake, “More blessings, at saka sa family ko, yung blessings din.

“At saka gusto ko, tuluy-tuloy pa itong career ko. Huwag sanang bumaba.

“Pero okey naman sa akin yung ganitong dahan-dahan lang.

“Basta ang mahalaga ay hindi ako nawawalan ng project at nasusuportahan ko pa rin ang family ko.

“Masaya naman ako ngayon na meron akong shows sa GMA.”

Regular na napapanood si Jake sa musical-variety show na Sunday All Stars at sa comedy series na Pepito Manaloto.

Kasama rin si Jake sa Cinemalaya 2014 Directors’ Showcase entry na Asintado, kung saan ginagampanan niya ang role bilang anak ni Aiko Melendez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tungkol ito sa parang panata sa isang lugar sa Nueva Ecija na every year ay ginagawa nila, yung parang taong putik na may putik ka sa buong katawan.

“Challenging yung role ko na may isang drug pusher na nagpapabenta sa akin ng ipinagbabawal na gamot.

“Pero hindi naman ako bad boy sa pelikula. Mabait po ang character ko dito.

“Ang bad boy po sa istorya ay si Gabby Eigenmann. Siya yung reason kung bakit masisira ang buhay ko.

“Mabigat yung role. Pero tinulungan naman ako ng direktor naming si Louie Ignacio.

“Okey si Direk Louie. Kapag may hindi ka naiintindihan, tuturuan ka niya, at saka sobrang supportive siya.”

Si Rita de Guzman ang gumaganap na love interest niya rito.

Okey naman daw ang naging working relationship nila since magkakilala na sila at magkasama sa Sunday All Stars.

Hindi kaya ipagselos ito ng fans ng JaBea o loveteam nila ni Bea?

“Wala po tayong mgagawa. Trabaho, e,” nangiting reaksiyon ni Jake.



PRIORITY. Naging shaky dati ang relasyon nila ni Bea.

Pero ngayon ay tila matatag na ito at walang intriga o problemang hindi nila kakayaning lagpasan.

Saad ni Jake, “Ako, ayoko na rin kasi na nagpapaapekto o nagpapadala sa mga intriga. Gusto ko yung tahimik na lang.

“Mas maganda kasi yung ganun para walang negative. Wala kaming iniisip na iba.

“Sa ngayon, masaya naman kami.”

Pero aminado si Jake na mas prayoridad pa rin niya ang kanyang pamilya kesa sa relasyon nila ni Bea.

“Tanggap naman niya ‘yon.

“Kasi ang family, nandiyan talaga at hindi mo puwedeng pabayaan, e.

“Dati, medyo hindi niya naiintindihan. Pero ngayon, okey na.”

Wala na ba silang nagiging problema ng mommy ni Bea?

“Hindi naman po maiiwasan ‘yon, e. Kasi nanay siya, ’di ba?” sagot ni Jake.

Naiilang ba siya sa mga pagkakataong nakabantay pa rin kay Bea ang ina nito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman. Mas maganda nga yung ganun na nakabantay lagi si Tita para hindi isipin ng tao na, ‘Ay, magkasama sila ni Bea na silang dalawa lang!’

“Mas maganda yung nandiyan lagi si Tita. At saka malaki po ang respeto ko sa kanya.”

Nakalabas ba sila o nakakapag-date ni Bea minsan nang silang dalawa lang?

Sagot ni Jake, “Hindi. Ayoko rin na walang kasama si Bea kapag lumalabas kami.

“Para walang intriga, walang problema.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN