Keanna Reeves irked by gay director’s interest in her 20-year-old boyfriend

Love triangle? May kutob si Keanna Reeves na may gusto ang direktor ng pelikula niyang si Joric Raquiza (kanan) sa boyfriend niyang si Kevin Mercado (kaliwa) dahil sa espesyal na atensiyon na ibinibigay ng direktor kay Kevin.


Aminado ang sexy comedienne na si Keanna Reeves na naiinis siya sa baguhang direktor na si Joric Raquiza dahil sa selos.

Si Joric ang direktor ng pinakabagong pelikula ni Keanna, ang Magtiwala Ka, A Super Typhoon Yolanda Story

Pakiramdam daw kasi ni Keanna ay nagkakagusto ang direktor sa kanyang 20-year-old boyfriend na si Kevin Mercado, na kasama rin sa cast ng pelikula.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang miyembro ng press ang dating Pinoy Big Brother Celebrity Edition winner sa presscon ng Magtiwala Ka, sa Annabel’s restaurant, Tomas Morato, Quezon City, noong July 10.

Sabi ni Keanna, na halatang iritable, “Baka nga may balak siya [Joric]. Meron akong napansin.

“’Buti nga, sumipot pa ako [sa presscon].

“Ewan ko ba kung bakit habulin siya [Kevin].

“Heto kasing si Direk, tumatawag siya dito, nagte-text.

“Nagpu-post sa Facebook na, ‘Please support Kevin Mercado.’ Saan ang pangalan ko?

“’Tapos, ba’t sa kanya siya nagte-text, tumatawag? Ba’t sa akin hindi na siya tumatawag?

“Magkatabi kami [ni Kevin], may tumatawag, ‘Joric…’ Ni ha, ni ho, hindi nag-aano sa akin.

“So, inaaway ko ’to [Kevin]…”

Patuloy pa niya, “’Tapos, tingnan niyo ang poster, halos kasinlaki ko lang yung mukha ni Kevin.

“E, ako ang bida dito, ‘di ba?

“Ten years na ako sa showbiz, ‘tapos siya, first time lang, tinapatan na ang mukha ko diyan sa poster.

“Kung ‘di ko lang siya mahal… puwede ba akong magreklamo?


“Siguro pinangakuan niya ng lead role, kaya ganun.”



MAGKARIBAL? Hindi pa raw sila nagkakausap ni Joric dahil kararating lang ni Keanna mula sa Canada, kung saan nagkaroon siya ng series of shows sa loob ng isang buwan.

Handa naman daw siyang makipagbati sa kanyang direktor at ayusin ang gusot sa pagitan nila.

Sabi ni Keanna, “Pag-uusapan nga namin mamaya.

“Siyempre, nasasaktan ako, kasi ba’t may ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung wala siyang gusto, ba’t puro ang atensiyon niya ay napupunta kay Kevin, ‘di ba?

“Siguro, kung babae lang ang karibal ko, hindi ako gaano masasaktan, e, ano siya [gay], ‘di ba?

“Parang ano naman sa akin yun.

“At saka, matagal ko na siyang kaibigan.

“Nakilala lang niya yung dyowa ako, sa kanya na siya tumatawag, nagte-text, balewala ako.

“Iba talaga ‘pag lalaki... totoo yun.”



KEANNA’S BOYFRIEND. Halos mahigit isang taon na raw ang relasyon nila ni Kevin, isang baguhang aktor na mula sa Pampanga.

Nakangiting sabi ni Keanna, “Sinuwerte ako dito. Kasi, tingnan mo, nagtatagal kami.

“Lahat naman ng naging dyowa ko, bagets, ‘di ba? Bago pa ba yun?

“Pero dito kay Babe [tawag niya kay Kevin], suwerte ko talaga.

“Kaya nga lang, may nangingialam,” patutsada na naman niya kay Joric.

Ano naman ang reaksiyon ng kanyang mga anak sa bagong boyfriend niya?

Sagot ni Keanna, “Wala, parang nasanay na rin sila.


“Ang ano nila sa akin ay kung saan ako masaya.

“Oo, naipakilala ko na si Kevin sa kanila, lalo na sa panganay ko…

“Ayun, nagkahiyaan sila, pero ganun lang yun.”



WANTS TO BE AN “ACTRESS.” Samantala, bilang isang artista ay gusto na rin daw ni Keanna na matawag na isang aktres kaya tinanggap niya ang Magtiwala Ka, na ipalalabas simula sa July 16.

Saad ni Keanna, “Actually, heto nga ang hinihintay ko na mabigyan ng break, na nabigyan ako ng isang seryosong acting at pelikula.

“Kasi, puro na lang ako pa-comedy, wala namang challenge sa akin, parang natural lang sa akin yung mga ganyang banat.

“Kaya nang dumating ang offer na ito, sabi ko, ‘Hay, salamat, nagkaroon din ako ganito!’”

Kaya kahit sobrang hirap ang dinanas niya habang nasa location shooting sila ay tiniis daw niya ang lahat.

“Sobra talaga ang hirap namin sa shooting.

“Wala kaming hotel sa Tacloban na tinuluyan kasi naano nga ng bagyo, walang tubig, maraming wala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero lahat yun tiniis ko. Sabi ko,’ sige na nga, para maging makatotohanan.

“Kung aarte-arte pa kasi ako, wala namang mangyayari, ‘di ba? At saka, sanay naman ako sa hirap.”

Nakangiting dagdag niya, “Masaya naman ako kasi kasama ko si Babe.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN