LJ Reyes wants to be friends again with Paulo Avelino for the sake of their son

It does not matter to LJ Reyes if her next relationship is with someone in showbiz or not. She says, "Gusto kong makita yung talagang partner in life, yung talagang mamahalin yung anak ko, yung talagang seryosong bonggang seryosong bigay ni Lord."


Loveless si LJ Reyes ngayon pero nakikipag-date naman daw siya.

Sabi ng Kapuso actress sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Merong showbiz, merong hindi.

“Lumalabas naman ako with friends, sumasama naman ako, kunwari friend ko na yung tao.

"Kasi gusto ko kinakaibigan ako. Ayoko yung basta parang nililigawan ka lang, gusto ko kinakaibigan ako.

"’Pag medyo kumportable na ako sa kanya, sumasama naman ako na kahit kaming dalawa.

“Pero wala pa talaga akong nakikita.

"Mahirap, mahirap makahanap."



CLOSE FRIENDS. Para hulihin kung sino ang taga-showbiz na idine-date niya, tinanong namin si LJ kung sino ang mga close niyang male stars.

“Si Kuya Gabby, mga taga-PPL,” natawang sabi ni LJ, na ang tinutukoy ay si Gabby Eigenmann na ’tulad niya ay nasa poder din ng talent management agency na PPL Entertainment Inc.

Pero parang kapatid lang daw ang turing niya sa artists ng PPL na kinabibilangan din nina Geoff Eigenmann, Janno Gibbs, Car Guevara, Arthur Solinap, Carlo Gonzales, at Dingdong Dantes.

Bukod sa mga ito, sino pang taga-showbiz ang very close sa kanya?

“Wala akong maisip, wala namang close-close.

"Marami naman akong friends, very friendly ako.”

Katulad nino?

Natatawang sagot ni LJ, “Teka lang! Puwedeng ’pag meron na akong naisip, text ko na lang sa iyo!”

Patuloy niya, “Wala naman yung super close-close, kasi ’pag sinabi kong close friend, parang yung mga barkada, mga childhood friends ko na yun naman talaga.

"Yung madalas kong makasama talaga tsaka yung pamilya ko.”

CIVIL. Naka-focus daw si LJ sa career niya ngayon.

“’Tsaka sa bata, kay Aki,” pagtukoy ni LJ sa four-year-old son niya sa dating boyfriend na si Paulo Avelino.

Speaking of Paulo, tinanong namin kung tuloy pa rin ba ang sustento ng aktor sa kanilang anak.

“Oo naman!” mabilis na sagot ni LJ.

Pero hindi pa rin daw sila bumabalik sa level ng friendship na inaasam ni LJ.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi mas madaling magpalaki ng bata kung friends kayo, ’di ba?"

Pero nag-uusap ba sila?

“Hindi pa kami yung katulad nung dati na… ’di ba, nag-start kami ni Pau na friends talaga?

"So, gusto ko bumalik sa ganun para talagang kumportable kami sa communication namin sa pagpapalaki dun sa bata."

Kung nag-uuusap man daw sila ay tungkol kay Aki at very civil ang dating.

"As in, ‘Kailan mo susunduin?’

“Well, yun nga, e, hindi pa niya ako yung ma-text-text na, ‘O, kumusta si Aki?’

“Hindi pa, wala pang ganun, hindi naman sila close ni yayey [Aki’s yaya].

"Baka textmates pala sila ni yayey, hindi ko alam!” at tumawa si LJ.

Ang huling dinner daw nila ni Paulo, kasama ang anak, ay noong birthday ni Aki, July 24, last year.



KC CONCEPCION. Hindi rin daw kailanman tinanong ni LJ si Paulo kung karelasyon nga nito si KC Concepcion.

“For me, baka dapat siya yung mag-open kesa ako magtanong, ’di ba?” sabi ng Kapuso actress.

Mapa-flatter ba siya kung sakaling si KC Concepcion ang kapalit niya sa puso ni Paulo?

“Ayokong mag-compare, nahihiya ako, e!” tawa na naman niya.

Pero parang sinagot na niya na flattered siya na si KC ang kapalit niya.

“Oo naman! Ibig sabihin, maganda pala talaga ang taste niya sa babae.

"Kasama ako dun... joke lang!”



GOOD WISHES. Dahil natatawa na si LJ kahit sina Paulo at KC ang topic, ibig bang sabihin ay naka-move on na siya talaga?

“Oo,” mabilis niyang sagot.

“Actually, ang wish ko talaga for him is to be happy.

"Para maganda yung disposisyon niya sa buhay, ganyan."

Hindi lang sa pinansiyal nagpapaka-tatay si Paulo kay Aki. Kahit sa pagdalaw at pangungumusta ng regular sa bata ay ginagawa raw nito.

Ang paghiram ni Paulo kay Aki, regular ba, once a week ba?

“Walang regular schedule but, as much as possible, I think naman kapag libre siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Medyo busy lang siya ngayon dahil sa show niya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN