Dingdong Dantes on PNoy’s DAP issue: "Lahat naman ‘to, parte ng mga challenges ng pagiging isang pinuno."

Dingdong Dantes on Senators Bong Revilla and Jinggoy Estrada being detained for their alleged involvement in PDAF scam: “Mas maganda kasi na iwan natin sa hustisya kung ano talaga ang magiging kapalaran. Because, definitely, I do not know anything about what happened in between or during their transaction that resulted to this situation. I am in no position to really comment on that.”


Sentro ngayon ng pambabatikos mula sa iba’t ibang sektor si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III dahil sa usapin tungkol sa Disbursement Acceleration Program (DAP).

Ito ay matapos ideklara ng Supreme Court na unconstitutional ang ilang probisyon ng DAP.

Ito rin ang sinasabing dahilan kung bakit bumaba ang approval ratings ni PNoy.

Bilang isa sa pinakamasugid na tagasuporta ni Pangulong Aquino, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang aktor na si Dingdong Dantes kung ano ang saloobin niya sa mga pangyayaring ito.

Pahayag niya, “Lahat naman ‘to, parte ng mga challenges ng pagiging isang pinuno.

“Especially right now, given my position, I don’t want to comment on very delicate matters, but rather, I would like to concentrate on the other things that are mandated to me, which is to serve in the National Youth Commission.

“Para sa akin, ang focus ko at concentration ko is to do my duties and perform my job as the commissioner-at-large, by being the voice of the youth, which includes protecting the interest of my constituents.”



ANTI-HAZING LAW. Bilang commissioner-at-large ng National Youth Commission, anu-ano ang mga plano niya?

Ayon kay Dingdong, “Although I wasn’t there, nagti-taping ako, I was part of the commission who made a call…

“And since naglalabasan na ngayon, kaliwa’t kanan, ang mga fraternity-related violence, siguro it’s also about time na ma-revisit ang law.

“There is an existing anti-hazing law.

“Kailangan kasi, especially now, na mapalakas siya at magkaroon ng mga amendments to it.”

Noong nag-aaral pa si Dingdong sa Ateneo, hindi raw siya sumali sa kahit anong fraternity.

Paliwanag niya, “Artista na ako nun, so, kumbaga, yung time ko sa pag-join ng mga orgs [organizations], wala na. Na-dedicate ko na sa pagiging artista.

“Pero siguro, kung wala pa ako sa showbiz, malaki ang posibilidad [na sumali ako].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Although, hindi ko rin naman alam, baka mag-Law ako.

“Pero kung Law, maaari, ‘di ba?

“Hindi ko rin alam... hindi rin natin masabi.”

Personally, ano ang opinyon niya tungkol sa hazing?

“Well, the fact that it was made a law, meaning, dapat talaga wala siyang ganun.

“Ang intention lang naman… hazing, in any form, is illegal.

“Ibig sabihin, may physical ‘yan na implication.

“Ang gumagawa lang naman noon sa atin, yung mga militar para i-testing kung hanggang saan ang physical capabilities mo in times kapag may ganitong klaseng sitwasyon.”



DETAINEES. Tinanong din ng PEP si Dingdong kung ano ang reaksiyon niya sa pagkakadetina ng mga kasamahan niya sa industriya na sina Senator Bong Revilla at Senator Jinggoy Estrada dahil sa pagkakadawit nila sa pork barrel scam.

Saad niya, “Siyempre, kung ako ang nasa posisyon nila, e, talagang nakakalungkot na nangyari sa kanila ‘yan.

“But again, ayokong manghusga ng tao hangga’t hindi dumadaan sa due process.

“Mas maganda kasi na iwan natin sa hustisya kung ano talaga ang magiging kapalaran.

“Because, definitely, I do not know anything about what happened in between or during their transaction that resulted to this situation.

“I am in no position to really comment on that.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN