Senator Grace Poe on running for President in 2016: “Hindi pa ako handa.”

“Ayaw ko at marami pa akong kailangang patunayan,” says Senator Grace Poe when asked about the rumor that she will be running alongside Senator Chiz Escudero for the top posts in 2016.


Nilinaw ni Senator Grace Poe ang balitang sila raw ni Senator Francis “Chiz” Escudero ang magiging running mates sa presidential election sa 2016.

Bagamat hindi malinaw kung sino sa kanilang dalawa ang tatakbong Presidente at Bise-Presidente, lumabas ang balitang magiging magka-tandem sina Grace at Chiz para sa dalawang pinakamataas na posisyon sa gobyerno.

“Naku naman, hindi naman talaga totoo ‘yon, at wala talaga akong balak,” nakangiting sabi ni Senator Grace nang sandaling makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ABS-CBN News sa birthday party ng Regal Entertainment producer na si Roselle Monteverde, kagabi, July 14.

Dagdag niya, “Kaibigan ko si Senator Chiz.

"Kaya sabi ko, kung anu’t anuman, dapat talaga siguro susuportahan namin ang isa’t isa. ‘Yon lang naman ‘yon."

Wala pa rin naman daw nag-aalok sa kanyang tumakbo para sa susunod na eleksiyon.

Sabi ni Senator Grace, “Sa ngayon, wala namang offer.

"Kung meron mang mag-offer, sasabihin ko na hindi pa ako handa.

“Ayaw ko at marami pa akong kailangang patunayan.

“Importante talaga yung kailangan buo ang loob mo dahil napakahirap na laban niyan.”

Nasa kanyang unang termino pa lang si Grace bilang senador pagkatapos niyang manguna sa senatorial race noong 2013.

Bilang isa sa mga bagong senador, sa tingin ni Senator Grace ay marami pa siyang dapat pag-aralan bago sumabak sa mas mataas na posisyon.

Aniya, “Ako, ayaw ko talaga kasi napakahirap na trabaho ‘yan.

“Wala pa ako halos isang taon na senador.

“Ang dami ko pang bigas na aanihin at kanin na sasaingin para ako matuto.”



ON DAP ISSUE. Samantala, hiningi rin ng PEP ang opinyon ni Senator Grace tungkol sa naging pahayag ni President Benigno “PNoy” Aquino III tungkol sa isyu ng Disbursement Acceleration Program (DAP).

Kamakailan ay idineklara ng Supreme Court na “unconstitutional” ang ilang probisyon ng DAP, o sinasabing pork barrel ni PNoy.

Subalit sa talumpati ni PNoy kahapon, July 14, umapila siya sa naging desisyon ng Supreme Court at sinabing sang-ayon sa batas ang pagbibigay niya ng DAP sa ibang departmento o government branch.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para naman kay Senator Grace, bagamat naiintindihan niya ang Pangulo, kailangan pa rin daw sundin ang desisyon ng Korte Suprema.

“I can share his frustration. Alam ko, siguro maraming natutulungan.

“Pero ang puno’t dulo nito, kung anuman yung sinabi ng Korte Suprema, ‘yon ang mananaig, kasi lahat naman tayo ay sa ilalim lamang ng batas.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN