Kris Aquino to shoulder Italy honeymoon of future inaanaks Angel Locsin and Luis Manzano

In an episode of Kris TV this July 15, Tuesday, Kris Aquino declares on national TV that she will shoulder Angel Locsin and Luis Manzano their honeymoon on Italy as a wedding gift.


Honeymoon in Italy ang ireregalo ni Kris Aquino sa kanyang mga magiging inaanak sa kasal na sina Angel Locsin at Luis Manzano.

Sa July 15 episode ng Kris TV, guest host ni Kris si Angel Locsin, kung saan binisita nila ang isang Italian-inspired restaurant.

Sinabi ni Angel sa isang punto ng interview na hindi pa siya nakakapunta ng Italy.

Ibinahagi ni Kris na masaya sa Italy, at kinuha ang pagkakataong iyon para banggitin on national TV na isang Italy honeymoon ang ireregalo niya kapag ikinasal na sina Angel at Luis.

“Ang saya-saya talaga dun,” simula ni Kris, sabay harap sa camera at sinabing, “Ayan na, ayan na… on cam, a, ‘yan na ang regalo ko—the Italy honeymoon.”

Tinanong ni Angel si Kris kung seryoso ito sa kanyang sinabi.

Sagot ni Kris, “Seryoso, oo.

“Pero airfare, ’tapos isang ano... siguro dun na lang [kayo mag-stay] sa Milan.”

Iminungkahi ni Angel na gusto niyang magpunta sa Venice, pero kinontra ito ni Kris.

Sabi niya, “Ang mahal sa Venice, EU3,000 (P178,000) a night yung hotel. Huwag dun… Milan ka na lang.

“Milan, masaya [ang] shopping, or Florence na lang, maganda ang shopping.

“Yung four nights [sa] hotel, yun lang [ang sasagutin ko], ha. The rest of hotel [stay], kayo na.

Sasagutin din daw ni Kris ang airfare nila.

“Mahal na nun, ha!” sambit ni Kris.

“Super-mahal yung Venice, kayo na ’yon.

"One night na lang kayo dun, masabi lang na na-experience niyo."

Paniniyak ni Kris, “’Yan na ang regalo ko.”

Sa isang episode ng Kris TV noong January, ibinahagi ni Kris na nag-text sa kanya si Angel at tinawag niya itong “future ninang.”

Sa isa namang episode ng Aquino & Abunda Tonight, nang minsang mag-guest si Angel, sinabi ni Kris na gumawa siya ng separate account para sa iniipong regalo kapag nagpakasal na sina Angel at Luis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN