Stars experience the effects of typhoon Glenda

Some of the local celebrities—(L-R) Lea Salonga, Anne Curtis, Judy Ann Santos, and Richard Gomez—expressed their concerns and showed the aftermath of typhoon Glenda via social media.


Naging active ang mga artista sa social media ngayong araw ng Miyerkules, July 16, upang mag-­update at himukin ang marami na magdasal para sa kaligtasan ng mga tao sa pananalanta ng bagyong Glenda sa bansa.

Ilan din sa kanila ang nakaranas ng lupit ng malakas na bagyo, at nag­post sa kanilang Twitter at Instagram accounts.

Una na rito si Anne Curtis na bumiyahe pauwi ng kanyang bahay noong kasagsagan ng malakas na hangin at ulan.

Ani Anne (@annecurtissmith) sa post niya sa Instagram: “Finally home from work and it was a scary drive home. There’s a lot of debris on the road. From fallen trees, signs, andfences. The wind is howling and is extremelystrong. I hope the rain and wind settles down soon. For now, stay indoors unless you are asked to evacuate your area or if it is absolutely necessary for you to leave your house. Be safe everyone!”


Sunud-­sunod naman ang pag-post ng mga larawan ni Kuya Kim Atienza sa kanyang Instagram account (@kuyakim_atienza) ng mga lugar at kalsada na naapektuhan ng malakas na bagyo.

Kabilang na rito ang nasira at nagkalat na mga halaman sa garden ng kanilang tahanan sa Malate, Maynila.

Sa lakas din ng ulan, yumuko ang mga halaman sa hardin ng bahay nina Judy Ann Santos.

Aniya: “Hala..Nag-bow na mga halaman ko kay glenda..Ingat po tayong lahat..Stay safe.."



Sa larawang ipinost naman ni Regine Velasquez-­Alcasid sa Instagram (@reginevalcasid), ipinakitang napasukan ng tubig ang loob ng kanilang bahay dahil sa lakas ng hangin at ulan.

Ani Regine: “Pinasok na rin tubig bahay namin..."

Mga nasirang halaman sa paso sa labas ng kanyang condo unit ang ipinost ni Ces Drilon sa kanyang Instagram (@cesdrilon).

Ayon sa caption niya: "Damageondeckby#glendaPH"

Ipinost naman ni Richard Gomez ang makalat na swimming pool area ng kanilang bahay, kasama ang caption na "sa mga kababayan po natin, ingat po.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya (@richardgomezinstagram): “Bagsak ang puno sa bahay namin this morning. #glenda.”

Nabuwal na puno sa kalsada ang larawang ipinost ni Rochelle Pangilinan sa Instagram (@rochellepangilinan), dahilan para maharangan ang kanyang daanan pauwi.

Aniya: “Isang malaking puno ang natumba sa street namin...Walang madaanan pauwi...alternateroute? May poste naman na bumagsak sa kabila #glendaph”

Samantala, sa Twitter naman nag-post si Iza Calzado ng kanyang takot sa tunog ng malakas na hangin, pati na rin ng pagkawala ng kuryente.

Maging ang The Voice of the Philippines coach na si Lea Salonga, nag-update din sa kanyang Twitter account.

Gayundin ang ginawa ng ABS-CBN anchor na si Karen Davila.

Sinabi nito sa Twitter na nawalan ng kuryente at nagtumbahan ang mga puno sa kanilang lugar sa Makati.

Sa ngayon ay humupa na ang bagyo, ngunit makikita pa rin ang malakas na epekto nito sa maraming lugar sa Metro Manila at mga karatig na lalawigan. Wala pa ring kuryente sa maraming lugar.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN