ER Ejercito accuses the government of practicing "selective justice"

Former Laguna Governor ER Ejercito on "black propaganda" against their family: “Sana tigilan na nila ang pamilyang Ejercito dahil maayos naman ang aming paglilingkod sa bansang Pilipinas.”


Itinuturing ni dating Laguna Governor ER Ejercito na inspirasyon ang pagkapanalo niya bilang Best Actor sa 62nd FAMAS Awards, na ginanap sa Solaire Resort and Casino Grand Ballroom, noong July 13.

Nanalo siya para sa pagganap niya sa pelikulang Boy Golden.

Ito ay pagkatapos siyang patalsikin sa puwesto ng Commission on Elections (COMELEC) dahil sa diumano’y overspending noong May 2013 elections

Read: Comelec orders Laguna Governor ER Ejercito to vacate his post

Pahayag ni ER, “Pagkatapos akong tanggalin ng Palasyo [Malacañang] at ng Comelec, mahigit isang buwan at kalahati na, isang inspirasyon sa akin ang pagkapanalo sa best actor para sa Boy Golden at sa pagkakaroon ng FAMAS grand award.

“Salamat sa FAMAS sa patuloy na paniniwala sa akin at pagbibigay ng inspirasyon sa akin para makagawa ng isang quality film sa isang taon at makapagbigay ng hanapbuhay sa ating mga Filipino movie workers.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si ER matapos ang program proper ng FAMAS Awards, kung saan binigyan din siya ng special award para sa kanyang serbisyo publiko.

Nabanggit ni ER sa kanyang speech na may gagawin siyang pelikula sa Metro Manila Film Festival ngayong taon—ang Magnum Muslim .357.

Nangangahulugan lang na hindi naapektuhan ang pagkakasibak niya sa puwesto para hindi ituloy ang paglahok niya sa taunang film festival.

“Salamat sa MMDA at sa MMFF 2014, kay Chairman Francis Tolentino at napasama siya sa Magic 8.

Ang Muslim Magnum .357 ang nag-iisang action movie ngayong MMFF 2014.”

Patuloy pa niya, “Commitment ko ang gumawa ng pelikula taun-taon, kaya diretso yun ke wala ako sa posisyon o hindi.

“Tuloy rin ang paglilingkod natin sa Laguna at sa industriya ng pelikulang Pilipino.”

Read: 2014 Metro Manila Film Fest official entries revealed



MESSAGE TO TITO ERAP. Sa kanyang acceptance speech, kabilang sa mga pinasalamatan ni ER ay ang kanyang tiyuhing si Manila Mayor Joseph Estrada na siyang nanawagang bumaba na sa puwesto ang pamangkin at irespeto ang desisyon ng Comelec.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Erap ay kapatid ng yumaong ama ni ER na si George Estregan.

Tinanong ng PEP si ER kung hindi ba siya nagtanim ng sama ng loob sa kanyang tiyuhin.

Sagot niya, “Wala naman.

“Kaya naman ako sinundo ni Pangulong Erap sa Kapitolyo dahil naramdaman niya na magkakasakitan. Para maiwasan na ang maraming mamatay o masaktan.

“Ako ay nakinig na sa kanya.

“Nakumbinsi niya ako ng 25 minutes kaya ako’y bumaba na ng Kapitolyo para maiwasan ang gulo at pagdanak ng dugo, dahil mainit na ang mga taga-Laguna sa mga nagtanggal sa akin sa puwesto.”



SELECTIVE JUSTICE? Hindi lang si ER ang nasalang sa kontroberisya. Maging ang pinsan niyang si Senator Jinggoy Estrada ay naka-detain ngayon dahil sa pagkakadawit nito sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam.

Nagkataon lang kaya na magkakasunod silang nasasalang sa kontroberisya?

Tugon ni ER, “Yun nga, kinakabahan nga kami dahil susunod daw si Pangulong Erap, susunod daw si JV [Senator JV Ejercito].

“E, talagang selective justice.

“Nakakalungkot dahil puro oposisyon ang kanilang tinitira at ang mga Liberal ay hindi ginagalaw.

“Kaya sana ay mamagitan na ang Diyos at magkaroon ng hustisya sa bansang ito.”

Ang Liberal ang kinaaanibang political party ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Patuloy ni ER, “Nasa Supreme Court naman ang kaso ko at umaasa tayo na sa pamumuno ni Chief Justice Lourde Sereno, magkaroon ng justice ang kaso ko at maibalik ako bilang governor ng Laguna.”

Gaano katagal ba tatakbo ang kaso niya sa Supreme Court?

“Alam mo naman sa Supreme Court, matagal ang deliberasyon.

“Kaya pinag-aaralan nila kung disqualification o suspension ang ipapataw nila sa akin.”

Ano naman ang reaksiyon niya na pati ang anak ni Senator Jinggoy na si Jolo ay inaakusahan ng pagkakaroon ng lavish lifestyle, gaya umano ng anak ng sinasabing pork-barrel scam mastermind na si Janet Napoles-Lim?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ni ER, “Wala, e, black propaganda na ‘yan laban sa pamilyang Ejercito.

“Sana tigilan na nila ang pamilyang Ejercito dahil maayos naman ang aming paglilingkod sa bansang Pilipinas.”



PRIVATE CITIZEN. Kumusta ang buhay niya ngayong wala na siya sa puwesto bilang gobernador ng Laguna?

“Well, ang buhay ko ngayon, nakakatulog na ako ng walong oras sa isang araw.

“Nakakakain na ako ng tatlong beses sa isang araw.

“Dati tatlong oras lang ang tulog ko sa Kapitolyo at isang beses lang ang kain ko. Ngayon, healthy lifestyle.

“Sa Kapitolyo, maraming stress, maraming pressure. Kaya diretso ang trabaho.

“Alam naman ninyo ako na ‘pag nagtrabaho, very passionate ako.

“Bilang artista, bilang governor, seryoso akong magtrabaho. I mean business.

“Siguro ngayon, pinagpapahinga lang ako ng Diyos dahil talagang sunud-sunod ang pagkaka-ospital ko dahil sa pneumonia sa sobrang trabaho sa Kapitolyo.

“Ngayon, nakakatulog na ako ng eight hours a day at nakakakain na ako three times a day.”

Nakakapanibago ba ang buhay niya ngayon?

“Ngayon, private life, kaya more time sa misis ko. Bodyguard-alalay na ako sa misis ko, si Mayor Maita Ejercito.

“At madalas ko nang nakikita ang mga anak ko—si Julia, Jericho, Jeric, Jet Ejercito.”

Ibig sabihin, mas matututukan niya ang gagawing pelikula ngayon dahil hindi na mahahati ang oras niya sa shooting at public service?

“Alam mo, ‘pag mahusay ka, ‘pag outstanding public servant leader ka, magaling ka sa life management, magaling ka sa time management.

“You can do five to ten things at a time.

“Ako, hindi naman ako gaya ng ibang pulitiko diyan na mahilig sa golf, mahilig sa casino.

“Ako, ang pasttime ko, gumawa ng pelikula. Nakakapagbigay pa ako ng hanapbuhay.

“E, yung mga kalaban ko, laging nasa casino, laging nasa golf course.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN