KC Concepcion on winning her first FAMAS Best Actress award: "Sobrang worth it lahat ng ni-risk ko, lahat ng kinatakutan ko."

KC Concepcion on doing daring roles: “Siguro mas nai-excite ‘pag maraming kulay yung character at marami kang lalaruin sa character. Masarap pong gampanan yung ganun. Parang nakakakain ka ng masarap na pagkain kapag nagagampanan mo nang tama yung role.”


Hindi halos makapaniwala si KC Concepcion sa pagwawagi niya bilang Best Actress sa 62nd FAMAS Awards, na ginanap noong Linggo, July 13, sa Grand Ballroom ng Solaire Resort and Casino.

Nanalo si KC para sa pelikulang Boy Golden.

Ang mga nakalaban niya sa kategoryang ito ay sina Angel Locsin, Toni Gonzaga, Bea Alonzo (Four Sisters and A Wedding); Kathryn Bernardo (Pagpag); Kim Chiu (Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo?); Sarah Geronimo (It Takes A Man and A Woman); Julia Montes (A Moment in Time); Marian Rivera (Kung Fu Divas); at Lorna Tolentino (Burgos).

Pahayag ni KC tungkol sa kanyang pagkapanalo, “Ay, nagulat po talaga ako!

“Nandito lang po ako para mag-host.

"Yung ma-nominate kaming lahat, parang winners na kaming lahat.

“Maraming salamat, grabe!

“Sobrang worth it lahat ng ni-risk ko, lahat ng kinatakutan ko, na parang worth it pala.

“May mga challenges pala na talagang blessing pala.”

Binabasa pa lang daw ang nominees ni Gerald Anderson, na siyang presenter ng Best Actress category, hindi na mapakali si KC.

At nang tawagin na ni Gerald ang kanyang pangalan, hindi agad nakakilos si KC.

Paliwanag niya, “Meron akong doubts siyempre. Ayoko namang mag-assume. Kaya nagpapasalamat talaga ako.”

Gaano ka-special ang pagwawagi niya ng Best Actress?

Sagot ni KC, “Yung first, nanalo ako ng isang best actress award, ang laking bagay na yun.

“Sa bahay ko lang nakikita ang ganito dahil sa nanay ko [Sharon Cuneta].

“And ngayon, I can say na it’s my own at trinabaho ko talaga.

“Hindi ako tumitigil mag-aral at talagang minahal ko itong trabahong ito.”

Napatunayan niyang epektibo siya sa daring roles, gaya ng ginampanan niya sa Boy Golden. Itutuluy-tuloy pa ba niya ang ganitong mga klaseng role?

Sagot niya, “Nagkataon nga po na ganun ang ibinibigay sa akin.

“I’m willing, more than willing, to do those roles na kakaiba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro mas nai-excite ‘pag maraming kulay yung character at marami kang lalaruin sa character.

“Masarap pong gampanan yung ganun.

“Parang nakakakain ka ng masarap na pagkain kapag nagagampanan mo nang tama yung role.”

Ano na ngayon ang plano ni KC sa kanyang career?

“Ito nga po, hindi ako tumitigil. I’m not stopping.

“I’m going to do a teleserye with Coco Martin and Kim Chiu na malapit na malapit nang ipalabas.

“Abangan po ninyo yung role ko doon.

“At nagpapasalamat ako sa Dreamscape family ko at sa ABS-CBN family ko sa pagkakataong ito.”

Ang tinutukoy ni KC ay ang pagpasok niya sa primetime series na Ikaw Lamang.

PIOLO PASCUAL. Nabanggit namin kay KC ang pagiging pareho nilang awardee ng ex-boyfriend niyang si Piolo Pascual sa nakaraang FAMAS Awards.

Tumanggap ng Fernando Poe Jr. Memorial Award ang aktor.

Nakangiting sagot ni KC, “Congratulations.”

Walang ideya ang PEP kung nagkita ang dating magkasintahan sa awards night.

Umalis agad si Piolo matapos ang kanyang talumpati. Kasama nito ang anak niyang si Iñigo na nasa audience pati na ang handler niya.

Nasa dressing room naman niya sa gilid ng stage si KC habang naghihintay ng cueing para sa muling pagsampa sa stage bilang host.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN