Kristoffer Martin clarifies Kylie Padilla’s visit to his condo

Kristoffer Martin on his decision to stay single for now: "Pass muna ako pagdating sa lovelife. Mas magandang single lang muna para mas makapag-focus sa trabaho at pag-aaral. Alam ko naman na darating din yung time na magkakaroon ako ng lovelife, pero for now, huwag muna."


Nagulat ang Kapuso young actor na si Kristoffer Martin sa kumakalat na balitang napapadalas diumano ang pagpunta ni Kylie Padilla sa condo unit niya sa Sta. Mesa, Manila.

Nilinaw naman ito ni Kristoffer nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Saad niya, “Totoo naman na pumunta si Kylie sa condo ko, pero hindi siya nag-iisa, kasama niya mga kaibigan namin.

“At hindi rin totoo na pumasok siya sa unit ko dahil sa lobby lang nila ako hinintay dahil nagmamadali kami dahil may lakad din kami that day.

“At isa pa, hindi naman parati, dahil isang beses pa lang naman nakapunta doon si Kylie.

“Kaya mali yung lumalabas na balita na laging napagkikita si Kylie sa condo ko.”

Dagdag ni Kristoffer, “Pero if ever naman na gusto nilang pumasok sa condo unit ko, okey lang naman kasi grupo naman kami at magkakaibigan.

“And lagi namang nandun ang mommy ko at hindi ako nag-iisa sa condo.”



THIRD PARTY. Mariin namang pinabulaanan ni Kristoffer ang pagkakadawit niya sa breakup nina Kylie at Aljur.

“Ang labo naman nun!” bulalas ng 19-year-old actor.

“Hindi puwedeng maging third party ako, kahit sabihin pa natin na single din ako.

“Kaibigan ko silang pareho at ayaw ko pumasok sa isang relasyon na parehong kaibigan ko ang involved.

“Kumbaga, ayoko na magkakaibigan kayo, ‘tapos nagtataluhan.”

Dahil sa kumakalat na isyu ay nahihiya na raw si Kristoffer kay Kylie.

“Nakakahiya kay Kylie kasi hindi maganda yung lumalabas na issue na kesyo siya pa yung pumupunta sa condo unit ng lalaki.

“Natural, ‘pag lumabas kasi yung ganung issue, iba na kaagad ang iisipin ng ibang tao.

“Marami na ang maglalaro sa isipan ng mga taong makakaalam.”

Iginiit din ni Kristoffer na hindi muna niya pagtutuunan ng pansin ngayon ang kanyang lovelife.

“Pass muna ako pagdating sa lovelife.

“Mas magandang single lang muna para mas makapag-focus sa trabaho at pag-aaral.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam ko naman na darating din yung time na magkakaroon ako ng lovelife, pero for now, huwag muna.

“Masaya naman ako kahit walang girlfriend.”

Ang huling naging girlfriend ni Kristoffer ay ang kapwa niya Kapuso talent na si Joyce Ching.

Sa ngayon ay naghihintay lang daw ng bagong trabaho si Kristoffer mula sa GMA.

Huli niyang regular soap ay ang Paraiso Ko’y Ikaw kung saan nagkatambal sila ni Kim Rodriguez.

Sabi niya, “Almost magpu-four months na nga since natapos ang show namin ni Kim, pero wala pa akong nababalitang next project ko.

“Sana nga mabigyan na ako ng bagong trabaho kasi nami-miss ko na rin ang pagti-taping at puyatan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN