Gladys Reyes on Aljur Abrenica and Louise delos Reyes: "Nakita ko ang kakaibang sweetness nila during taping... Baka naman ngayon, nabago na."

Gladys Reyes notes the increasing number of young stars today compared to the heyday of Mara Clara, a five-year running teleserye that launched her and Judy Ann Santos to fame. "Iniisip ko, meron na bang nilagpasan-lagpasan ako... wala naman, okay naman silang lahat,” she observes.


Katatapos lang ng primetime series ng character actress na si Gladys Reyes sa GMA, ang Kambal Sirena.

Pero okey lang daw siya dahil may daily morning show siyang Basta Everyday Happy sa GMA, bukod pa sa Moments niya sa Net 25.

Sabi ni Gladys, “Kapag Monday ko, nagre-review ako ng movie and television materials.

"Kailan lang, I was the one who called Juday [Judy Ann Santos] for our project in MTRCB [Movie and Television Review and Classification Board].

"Yung Friday ko naman, I usually edit and write my script for episode of Moments.

“At saka, ‘di ba, sabi ko, nami-miss ko ang sitcom, gusto kong mag-host ng game show?

"Ngayon, live show kami, so nararanasan ko rin na kumanta, variety, nae-enjoy ko.

"Pero type ko sanang masubukan na mag-host ng game show kahit na medyo pambata."

Dagdag niya, "Malapit na rin mag-end ang contract ko sa GMA this November.

"Okey naman ako with GMA, parang sobrang ikli lang naman ang pagitan ng mga shows na ibinigay nila."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gladys sa 6th birthday party ng anak niyang si Aquisha noong Sabado, July 12, sa Active Fun, sa Global City, The Fort.



ALJUR-LOUISE RUMOR. Nakasama ni Gladys sa Kambal Sirena sina Aljur Abrenica at Louise delos Reyes.

Tinanong ng PEP ang aktres kung ano ang napansin niya sa dalawa noong nagte-taping sila noon, dahil sa mga lumalabas na balitang diumano’y may namuong relasyon sa dalawa.

Saad ni Gladys, “Hindi ko nakitang naging sila, hindi ko rin naman na-confirm sa kanila.

"Pero medyo nakita ko ang kakaibang sweetness din nila during taping.

"Hindi pare-pareho, minsan naman, yung natural na turing lang sa mga kasama.

“Ewan ko lang ngayon na after ng mga tapings, e, ganun pa rin.

"E, kadalasan naman sa mga ganyan, magkakasama, magkaka-partner, nagkaka-debelopan during tapings.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero after na ng taping, dedma na sa isa’t isa.”

Nakita niyang nagka-debelopan sina Aljur at Louise?

Maingat na sabi ni Gladys, “Walang verbal ano, ha, walang verbal confirmation from both of them, pero malapit sila sa isa’t isa.

"Pero kailan na rin ba yung huli ko silang nakasama. Baka naman ngayon, nabago na.”

YOUNG STARS. Dahil ilang taon nang nasa showbiz si Gladys, maituturing na siyang “senior” pagdating sa mga kabataang artista ngayon.

Kapag nakakasama niya ang mga ito, ano ang nabubuong impression sa kanya?

“Ang masasabi ko lang, ang dami nila kumpara noong nagsisimula kami... manood ka lang ng ASAP, Sunday All Stars.

"Pero sa dami nga nila, hindi naman lahat mabibigyan ng malaking papel para mapansin agad.

“Noong panahon namin [nina] Juday, Angelu de Leon, Claudine Barretto, kung mapapansin mo, parang may tatak agad.

"Mas marami ngayon.”

Patuloy ni Gladys, “Sa ugali naman, hindi naman pare-pareho pero, so far, wala naman akong nae-experience na lagpas-lagpasan lang ako.

"Siyempre, kahit paano, yung iba rin sa kanila, puwedeng hindi naman ako kilala.

“Si Rhian Ramos nga, noong ginagawa namin ang LaLola, hindi niya alam ang Mara Clara, hindi na niya naabutan.

"So, you see, hindi mo na rin mae-expect ang generation ngayon na maaano nila kung gaano kabigat ang mga nagawa namin before.

“Pero grateful ako na ang mga bata ngayon... minsan nga, iniisip ko, meron na bang nilagpasan-lagpasan ako?

"Siyempre, nakikiramdam din naman ako.

"Like, si Louise, first time kong nakasama. So, tinitingnan ko rin kung may attitude ba, kasi nagbida na.

“Pero wala naman, okay naman silang lahat.”

INC MOVIE. Kinumusta rin ng PEP kay Gladys ang pelikulang Sugo, na dapat sana at para sa centennial celebration ng Iglesia Ni Cristo.

Ngayong July ang ika-100 anibersaryo ng INC, ngunit mukhang wala nang nababalita sa Sugo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Gladys, “Honestly, I can’t speak for them, kasi hindi ko alam.”

Paliwanag pa niya, "Walang nakunan sa akin, baka hindi ako kasali.

"Hindi ko rin naman alam kung natuloy ba, kung nagsu-shooting or what. Wala rin naman kasing tumatawag or nag-a-update.

“Tinawagan ako for Philippine Arena na stage play, ako yung narrator.

"Meron kaming program, e, sa anniversary namin.

"Pero yung movie, hindi ako makakapagsalita. Hindi ko alam kung gumagana sila or ano.

"I can only speak for myself, wala akong na-shooting ni isang araw.

"Kami ni Christopher [Roxas, her husband] wala.

“Hindi ko rin naman kasi alam kung sino ang tamang taong tatanungin kasi baka out of the country.

"Kasi may nakapagsabi rin sa akin na may nakakita raw sa Las Casas, Bataan, may nagsu-shoot.

"Movie pa ba yun or part ng stage play, hindi ko alam.”

Isa siya sa orihinal na cast ng Sugo, bakit hindi siya nagtatanong?

Paglilinaw ni Gladys, “Nagtanong din naman ako, pero bilang marami rin naman akong ginagawa, hindi naman ako puwedeng magtanong nang magtanong.

"Yung huling tanong ko, inaayos pa nila ang script, so marami pang pagbabago, even sa main characters and all."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN