Julian Trono happy about Mark Herras’s return to Sunday All Stars; will focus on acting more than dancing

Julian Trono feels he’s past the awkward age and is now ready to explore the world of showbiz. "Since tumatanda na rin, nag-iiba ng perspective sa mga bagay... Hindi na lang ito puro sa first love mo na dancing. Kailangan kong kumanta, kailangan kong umarte."


Natutuwa si Julian Trono dahil nakabalik na si Mark Herras sa Sunday All Stars, ang weekly musical-variety show ng GMA.

Matatandaang dahil sa pagdepensa ni Mark sa pagkakatanggal ni Julian sa show, kaya pansamantalang nasuspinde ang StarStruck alumnus.

Read: Mark Herras a no-show on Sunday All Stars: Suspended or sacked?

Nakangiting sabi ni Julian tungkol dito, “Kailan lang nag-usap kami, kamustahan lang, casual, nagkita kami sa GMA.

"Sinabi ko nga sa kanya, babalik-balik din tayo diyan, pero yun, wala na.

"Nakikita ko rin na okey na siya with the staff, artists... at least, ‘di ba?”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Julian sa taping ng GMA primetime series na Niño, sa Pagsanjan, Laguna, last week.

FROM DANCING TO ACTING. Samantala, mag-iiba muna raw ng focus ngayon si Julian, na unang nakilala bilang mahusay na dancer.

Gusto muna raw niyang mag-lie low sa pagsasayaw at mag-focus naman sa pag-arte.

Saad niya, “Gusto kong mag-explore, mag-iba ang ginagalawan kong mundo.

"Gusto kong mas iba pa, mas malalim pa dun sa craft, sa acting talaga.

"Ayoko rin ma-typecast na nakakaarte lang na, ’Sige, kaya mo ‘yan.’”

Aminado si Julian na dati ay wala siyang goal na pagbutihin ang pag-arte niya.

“Wala, kasi focus ako sa first love ko, which is dancing talaga.”

Naisip ba niyang dahil nauna siyang nakilala na dancer ay tila hindi siya sineseryoso ng mga manonood bilang isang aktor?

Sagot ni Julian, “Yun, actually, hindi naman big deal for me, isang side lang ang dancing, ‘di ba?

"Pero ang laki-laki ng mundo ng showbiz kung mag-i-stick lang ako forever dun, hindi ako maggu-grow.

“Hindi ko pa napu-prove ang sarili ko when it comes to dancing, I must say.

"Kumbaga, ginagawa ko lang kung ano ang gusto ko, marami pa akong kayang gawin when it comes to dancing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto ko lang, this time around, since tumatanda na rin, nag-iiba ng perspective sa mga bagay.

"Hindi na lang ito puro sa first love mo na dancing talaga.

“Yun talaga ang ticket ko sa showbiz, e, yun ang nagdala sa akin. So, hindi ko siya basta-basta bibitawan.

"At the same time, yun ang ticket mo [para] mag-explore.

"Kailangan kong kumanta, kailangan kong umarte. Kailangan kong i-explore ang path na yun.

"Mas tine-take ko na siya as more serious than before."

AWKWARD AGE. Kung noong una ay "pa-cute-pa-cute" lang si Julian, ngayon daw ay gusto niyang sumubok ng kakaiba.

Saad niya, "Katulad ng sa amin ni Ms. Ai-Ai [delas Alas], something na yung Ronda na pang-Cinemalaya po.

“At this age, pa-tweetums-tweetums muna, 16, 17, okay, kung ito ang kailangang daanan.

"Gusto kong dumaan dito, pero in a different way.

"At saka, yun nga, sobrang answered prayer rin yung kay Ms. Ai-Ai na nabigyan ako ng chance.”

Pakiramdam ba ni Julian ay nasa awkward stage pa rin siya ngayon?

“Well, awkward siya, pero hindi ko naman siya ite-take as barricade sa gusto kong gawin.

"Wala akong pakialam kung awkward age, kasi lahat kami dumaan sa awkward age.”



ON AI-AI. Kumusta ang pakikipagtrabaho niya kay Ai-Ai sa indie film na Ronda?

Sagot niya, “Sobrang fan na fan din talaga ako, as in yung first scene ko sa kanya, ipinakilala ako ni Direk Nick [Olanka], sobrang bait niya.

"As in, hindi ko naramdaman na we come from different networks.

"Walang ganun, at saka sobrang professional ni Ms. Ai-Ai.

"And yung vibes niya as a real actor, ‘di ba, more on comedy siya, pero dito sa Ronda, totally different.”

Anak daw ni Ai-Ai ang karakter ni Julian sa pelikula.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN