Elmo Magalona shakes off wholesome image by doing love scene in an indie film

Elmo Magalona is all praises to Sophie Albert, with whom the Kapuso star had a love scene in the indie film #Y. “Hanga din ako kay Sophie because hindi madali na mag-dive in ka lang [sa love scene], pero I made sure na alaga naman. Yung wala naman akong intensiyon [na mag-take advantage],” said Elmo.


Sinabi ni Elmo Magalona na isa sa mga aabangan sa Cinemalaya 2014 entry na #Y ay ang love scene nila ng co-star niyang si Sophie Albert.

“Pinaghandaan namin on set, like, kasama na namin si Direk Gino. Binrief lang niya kami kung ano ang gusto niyang mangyari sa eksena,” pagtukoy ni Elmo sa direktor ng kanilang pelikula na si Gino M. Santos.

Natuwa naman daw sila sa kinalabasan ng eksena.

“Very happy kung paano lumabas kasi artsy yung hitsura talaga ng movie.”

Pinuri rin ni Elmo si Sophie dahil ito rin ang kauna-unahang love scene ng Kapatid young actress.

“Hanga din ako kay Sophie because hindi madali na mag-dive in ka lang [sa love scene].

"Pero I made sure na alaga naman. Yung wala naman akong intensiyon [na mag-take advantage]," sabi ng Kapuso star.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Elmo sa press launch ng Greenwich Pizza Thin, nitong Huwebes, July 17.

Ang young rapper-actor ang bagong endorser ng naturang pizza brand.



CHALLENGING ROLES. Na-excite daw si Elmo sa kanyang role sa #Y dahil out of the box ito para sa kanya.

“It’s a really fun experience kasi, yun nga, ngayon pa lang ako nakakapag-break through sa iba’t ibang roles.

"And, hopefully, after this, makagawa rin ako ng iba’t ibang challenging roles pa in the future."

Ang pagpayag ba niyang tumanggap ng challenging roles ang susunod na tatahakin ng kanyang karera sa pag-arte?

Sagot ni Elmo, “Ngayon siguro, practice muna.

"Experiment lang nang experiment hanggang sa mahasa ako.

“But, yes, in the future, hopefully, I get more roles like that.”

Ano pa ang kaya niyang gawin higit sa ginawa niya sa #Y?

"Siguro kung ano yung ipinakita ko sa #Y, siyempre yun pa lang ang gusto kong ipakita."

Kasama rin sa #Y sina Coleen Garcia, Kit Thompson, Slater Young, at Chynna Ortaleza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ON SISTER SAAB. Inusisa rin ng PEP si Elmo tungkol sa engagement ng kanyang nakatatandang kapatid na si Saab Magalona.

Noong April ay nag-propose ang boyfriend ni Saab na si Jim Bacarro, isang muskero, habang nasa bakasyon sila sa Japan.

Natutuwa si Elmo sa engagement ng kanyang ate, pero wala pa raw eksaktong araw kung kailan ang kasal nito.

"Pinaplano niya pa lahat. Wala pa atang date, wala pang anything.

“Pero yun lang yung parang… minamarka na matatanda na kami, kasi meron kaming kapatid na ikakasal na.

“Super-excited because si Jim, he makes her happy like nobody else.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN