Ynna Asistio no more ill-feelings toward ex-boyfriend Mark Herras: "Napatawad ko na yung tao."

Ynna Asistio’s thoughts on love: "Na-realize ko na ‘wag magmadali at ‘wag magseryoso agad. Mararamdaman natin minsan na forever na pero hindi pa pala,” says the 22-year-old actress in an interview with PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at She’s Dating The Gangster premiere night.


Tuluyan nang napatawad ni Ynna Asistio ang ex-boyfriend na si Mark Herras dahil sa pangangaliwa at pagsisinungaling ng ginawa ng aktor noon sa kanya.

Ngunit sa ngayon ay wala na raw komunikasyon sa pagitan nilang dalawa.

“No more na,” sabi ni Ynna nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung nagkakausap pa sila ni Mark.

Nabanggit kasi noon ni Mark na paminsan-minsan ay nagkakamustahan pa sila ng dating girlfriend.

Read: Mark Herras on ex-girlfriend Ynna Asistio: "We’re still texting each other. Ok kami. Hindi kami nagkahiwalay na magkaaway."

Bagamat hindi pa ulit nagkukrus ang kanilang landas, nilinaw ni Ynna na hindi niya dededmahin o tatratuhing parang hindi kakilala si Mark kung sakaling makita niya ulit ang Kapuso actor.

“I’m not like that. Actually, I’m not mad at him naman.

"Napatawad ko na yung tao.

"Magiging normal lang ako [kapag nakita ko siya ulit],” saad ni Ynna.

Nauwi sa hiwalayan ang limang-taong relasyon nina Ynna at Mark noong July 2013.

February 2014 nang ibinunyag ni Mark na mayroon siyang tatlong-buwang anak sa kanyang handler.

Read: Ynna Asistio super hurt by ex-boyfriend Mark Herras’s infidelity

Kumusta na ang puso at state of mind niya ngayon?

Sagot ni Ynna, “Ok naman. I’m better now.

"Malaking tulong yung school, church, and my family."

Nasaktan man daw siya nang husto sa kinahantungan ng relasyon nila ni Mark, naniniwala si Ynna na nakatulong ang mga pinagdaanan niya upang mas maging matatag siya.

Sabi niya, “I don’t consider it as a mistake.

"Parang challenge sa life ko na napagdaanan ko.

"And happy ako na nagawa ko yun."

Nakausap ng PEP si Ynna sa premiere night ng She’s Dating The Gangster sa SM Megamall noong July 15.

NOT YET READY FOR LOVE. Inamin ni Ynna na mayroon siyang non-showbiz suitors, ngunit mas gusto raw niyang manatiling single muna ngayon

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yes, of course, non-showbiz. Pero ayoko muna.

"I think it will take a long time [before I get into a relationship again]," sabi ng Kapamilya actress.

Wala umanong dahilan para magmadali siyang magka-boyfriend, lalo pa’t 22 taong gulang pa lang siya.

Sabi niya, “Na-realize ko na ‘wag magmadali at ‘wag magseryoso agad.

"Mararamdaman natin minsan na forever na, pero hindi pa pala."

Nais din ni Ynna na magsilbing inspirasyon sa mga kaedad niya na naranasang masaktan dahil sa pag-ibig.

Aniya, “To everyone na ka-age ko, masarap magmahal and alam natin na part yung masaktan.

“Pero ‘wag tayo maging bitter sa buhay. Take it as a challenge na malalampasan mo, and eventually you’ll be ok.”

Kung sakaling magmahal siya muli, ano’ng mga katangian ang hinahanap niya para sa susunod niyang karelasyon?

Sagot ni Ynna, “Someone like my dad. Someone who would love me, take care of me, and won’t give up on me.”

Si Ynna ang panganay na anak ng dating aktres na si Nadia Montenegro sa dating mayor ng Caloocan City na si Boy Asistio.

WAITING FOR THE RIGHT PROJECT. Wala pang pinagkakaabalahang proyekto si Ynna mula nang lumipat siya sa Kapamilya network noong August 2013.

Pero naniniwala ang aktres na dadating din ang panahon na mabibigyan siya ng magandang break sa showbiz.

Sabi ni Ynna, “Kasi lahat ng training ibinibigay nila sa amin and naa-appreciate namin lahat yun.

"Ayoko madaliin kung ano man ang plano sa akin ng ABS-CBN."

Kung mabibigyan daw siya ng pagkakataon, nais makatrabaho ni Ynna ang celebrity crush niyang si Sam Milby at iniidolong si John Lloyd Cruz.

Sa ngayon, masaya si Ynna dahil marami na siyang naging kaibigan na Kapamilya stars, bukod sa “childhood friend” na si Daniel Padilla.

Saad niya, "Si Mommy and Tita Karla [Estrada] used to be best friends.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Until now, they’re good friends. Kaya si Daniel, matagal na naming kakilala.

“Actually, yung grupo ng She’s Dating [The Gangster], naging close ko na.

"Dahil magkasama sila ni Daniel, pati si Kathryn [Bernardo] nakilala na namin. And nakakatuwa dahil napakabait na bata.”

Ang nakababatang kapatid ni Ynna na si Yana Asistio ay bahagi ng cast ng naturang pelikula.

Sa kasalukuyan, abala si Ynna sa pag-aaral ng kursong Broadcasting sa Centro Escolar University.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN