Ryan Bang offended by Alex Gonzaga’s jokes; calls her “echosera”

Ryan Bang apparently has moved on after being busted by Alex Gonzaga on air, but he says that they are still friends. Ryan also proudly revealed that he now has a girlfriend, a Korean student at the Far Eastern University. "Mabait po siya, very simple, happy ako kapag kasama ko siya.”


Agad na umalma si Ryan Bang nang tanungin siya ng press sa diumano’y pambabasted sa kanya ni Alex Gonzaga.

Sa press conference ng teleseryeng kinabibilangan niya, ang Hawak Kamay, kaninang tanghali, July 18, itinanggi ng Koreanong komedyante nabasted siya ng nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga.

“Hindi naman ako… Sabi niya, basted ako?

"Nagbiro lang ako sa TV, totoo pala ‘yon?” nakatawang tanong ni Ryan sa miyembro ng entertainment press.

Dagdag pa niya, “Hindi yata ako basted kasi hindi naman ako todong [nanligaw].”

Pagkatapos ay sinabi ni Ryan na napakiramdaman niyang may nararamdaman sin para sa kanya si Alex.

“Pero echosera siya!” biro ng It’s Showtime host.

“Hindi naman ako talagang tanga, e.

“Kung hindi niya ako pinaasa, hindi naman [ako] aasa.

“Siyempre, ako rin, may naramdaman ako na may feelings siya sa akin.

“Ako rin, tao ako. Hindi ba lahat naman tayo may feelings?

“Hindi ba lahat naman kayo may dyowa?

“Kapag naramdaman niyong, ‘Ay, may kembot siya sa akin,’ kaya hinayaan mo.

“E, kung alam ko lang na sobrang ayaw niya sa akin, e, hindi ko na siya papansinin.

“May naramdaman ako na may pagtingin sa akin kaya ko siya gusto.

“Pero ’yon pala, hindi niya gusto. ‘Tapos sabi niya, ’The door is closed’?”

NEW GIRL. Sa kabila nito, tila madali namang naka-move on si Ryan dahil mayroong isang Korean na nag-aaral sa Far Eastern University ang nagpapatibok ng puso niya ngayon.

“Aminin ko po, ayaw ko naman po talagang magsinungaling, mayroon po akong girlfriend.

“First time po simula nang mag-artista ako.

"Mabait po siya, very simple, happy ako kapag kasama ko siya," proud na sabi ni Ryan.



OFFENDED BY ALEX’S JOKE. Inamin din ni Ryan na napikon siya kay Alex nang sabihan siyang "pangit" sa isang episode ng It’s Showtime.

Pabirong kuwento ni Ryan, na tinawanan ng mga tao sa press conference, “Kasi yung biro niya, ayaw ko ng biro niya, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi pangit ako, sabi niya, ’Ryan, pangit ka.’

“Nasaktan ako kasi totoo, e, hindi ba? Saka ang ganda niya.

“Kung pangit siya at nagsabi sa akin, okay lang.

"Pero maganda siya na nagsabi sa akin, e, alam ko naman, kaya nasasaktan ako.”

Sa hiwalay na panayam kay Ryan matapos ang press conference, sinabi niya ang tunay na dahilan kung bakit siya nasaktan sa sinabi ni Alex.

Aniya, “Nagtampo ako sa kanya sa Showtime. ’Di ba, sinabi niya, ‘Change your parents?’

“Ayaw ko ng ganung biro kasi nasasaktan ako. Nasasaktan ako kasi…

“Komedyante ako, hindi ako sensitive sa lahat, pero minsan yung mga biro niya, nasasaktan din [ako].”

Gayunman, ani Ryan, maayos pa rin ang relasyon nila ni Alex bilang magkaibigan.

“Tampuhan lang ‘yon, konti-konti,” nakangiting sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN