Direk Maryo J. delos Reyes says Niño lead star Miguel Tanfelix is a revelation

Direk Maryo J. delos Reyes (in photo) is all praise for Niño lead star Miguel Tanfelix: “I never expected na ganoon siya ka-passionate at ka-seamless. Kasi, kung ano ang discovery sa kanya, hindi siya heavy. Hindi siya umaarte na kinakarir ang pagiging sintu-sinto or mentally challenged individual.”


Masaya ang direktor na si Maryo J. delos Reyes dahil sa magagandang feedback tungkol sa primetime series na Niño.

Nagna-number one rin sa Kapuso network ang serye nila na umpisa pa lang ay sinabi na ni Direk Maryo na malapit sa puso niya.

Nakausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal)sa taping ng Niño sa Pagsanjan, Laguna noong Biyernes, July 18.

Sabi niya, “Nag-number one rin siya sa Mega Manila, nakita ko, over-all. Nakakatuwa lang.”

Forte na niya talaga ang mga seryeng inspirational.

“Oo,” pagsang-ayon naman niya.

“But I guess, there are really times when people search for values formation and for inspiration.

“When people get to be so problematic, discouraged, or disillusioned. You know, after a crisis, after the Yolanda calamities and political turmoil, people look for something na masasandalan.

“The good has to be reinforced,” dagdag pa niya.

Hanggang September daw ang alam ni Direk Maryo na itatakbo ng Niño. Wala pa siyang ideya kung posible itong ma-extend.

“Puwede siyang ma-extend kasi, ang dami naman niyang kuwento. It talks about the whole community. Paabutin na ng Pasko, pati Valentine’s Day,” biro niya.

Pero simula bukas, may bagong primetime series na silang katapat sa kabilang network na kung titingnan ay tila may pagkakahawig sa Niño ang tema.

Sabi naman ni Direk Maryo, “Nakapag-set-up naman na ito. So, that’s their problem, not ours. Totoo naman, kasi, sila ang papasok, hindi naman kami. So, they are the challenger.”

Wala siyang nararamdamang pressure?

“Wala, kasi, nakadama ka na rin naman.”

Anong mangyayari pa sa mga susunod ng episodes ng Niño?

“Itong week na ‘to, papasok yung kung sino ang nakasagasa sa parents ni Leny, si Angelu de Leon, so there will be another suspect that will come in, yung father ni Mat-Mat.

“Tapos, ano kaya mangyayari kay Niño diyan?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CHALLENGES AS DIRECTOR. Kung ang pag-uusapan naman ay yung hirap sa paggawa ng ganitong serye, bilang director, anu-ano ang mga yun?

Salaysay niya, “Yung hardship is composing a large cast. You orchestrate it with correct sound from each and everyone.

“The weather, because it’s harder here in the province. Managing the kid, teen, adult and senior stars.”

Sa apat na lebel, ano ang pinaka-mahirap i-handle?

Ayon kay Direk Maryo, “Senior stars kasi, meron ng mga limitations ‘yan, may cut-off sila. Marami nang nararamdaman... mga kasu-kasuan.

“Maraming bawal. Pero siyempre, hindi mo naman maiaalis yun, force majeure.”

POSITIVE FEEDBACK. Pero sulit naman daw lahat ng pagod o hirap sa pagte-taping nila lalo na sa malayong lugar dahil sa magagandang feedback nga na natatanggap nila.

Lahad ni Direk Maryo, “Si Father Eric Santos, tine-text niya ko.

“Sabi niya, ’Gustung-gusto ko itong si Miguel Tanfelix, yung Niño niyo na sinto-sinto, aliw na aliw ako sa kanya.’

“Tapos, ang ganda-ganda ng sinasabi niya tungkol sa kabutihan.

“Sabi niya, ’I will talk about it in my Masses.’

“Tapos, tinext ako ni Ana Capri, ’I’m here now in the Mass of Pure Love, Father Eric is talking about Niño.’

“Tapos, itong isa namang promoter, nagpunta kahapon, ’I want to get Miguel Tanfelix in five mall shows, ang lakas-lakas niya sa bata.’

“Tapos sabi niya, ’Pati Nanay ko, fan na fan niya.’

“Tapos, si Miguel nga raw, effortless. Kaya sabi nga namin sa kanya, ’Ano ba ang natural talaga?’” natatawang sabi niya.

REVELATION. Para kay Direk Maryo, isang rebelasyon daw ang bida ng Niño na si Miguel Tanfelix.

Sabi nga niya, “Miguel is a revelation. I never expected na ganoon siya ka-passionate at ka-seamless.

“Kasi, kung ano ang discovery sa kanya, hindi siya heavy. Hindi siya umaarte na kinakarir ang pagiging sintu-sinto or mentally challenged individual.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Para sa kanya, he plays with it, at the same time he looks cute. Parang funny na hindi siya nakakaasar.

“At saka, marami kasing gumaganun na nakakaumay, nakakaawa. Pero sa kanya, naaaliw ka and at the same time, he looks so good, he looks so cute.

“Huggable siya. Para siyang cute na dog na gusto mong i-hug kesa sa chaka doll na nakakatakot.

“Kasi minsan, yung may sakit na ganun, nakakaawa masyado.”

Masaya siya para kay Miguel?

“Ay oo, kasi, we have created a new actor and he’s really an actor,” pagpuri pa niya kay Miguel.

REMAKE. May naka-plano naman na pelikula si Direk Maryo na gusto niyang gawin—ang remake ng 1979 pelikula na Gabun na dinirek din niya noon na pinagbidahan nina Charito Solis, Eddie Rodriguez, at Lloyd Samartino.

Ngayon, sina Miguel at Ruru Madrid naman ang gaganap.

Sina Richard Gomez, Dawn Zulueta o Lorna Tolentino ang naiisip naman niyang gaganap na mga magulang.

Detalye niyang kuwento, “Hindi ko lang alam kung sino—pero, puwedeng Bianca Umali rin ang girlfriend. Tapos, si Ashley Ortega, gusto ko rin.

“Sinabi ko na kay Joey Abacan at okey kay Joey. So, GMA Films. I will talk to Richard about it. Siya talaga ang gusto kong gumanap.”

KATRINA REINVENTED. Bukod kay Miguel, natutuwa rin daw si Direk Maryo sa transpormasyon na ipinapakita ni Katrina Halili sa Niño.

Ngayon lang din kasi nakagawa si Katrina ng mabait na karakter pagkatapos ng mga kontrabida roles niya.

Unang pinagsamahan nina Direk Maryo at Katrina ay ang Magdusa Ka na bida si Katrina, pero pagkatapos noon ay naging kontrabida na ito sa Marimar.

“Naging effective siyang kontrabida so, palagi na siyang kontrabida.

“Tapos, nagkaroon siya ng crisis, ‘di ba, yung kanyang video scandal and then, she felt very, very depressed about it.

“But, in fairness to her, lahat naman tayo nagkakamali and yung pagkakamali niya na yun, she was a victim.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I guess, she was the one who stood up for her conviction na pinaglalaban ko yung sa akin, na ako’y biktima rito.

“Hindi ko alam na kinukunan ako. Kung alam ko naman, bakit naman ako magpapaka-plastic. Yung iba naman, nanahimik lang.

“At least siya, nilaban niya it just so happened na dinismiss ng korte. Kaya sabi ko, for a change, naisip namin ni Redgie Magno na bigyan naman siya ng iba.

“Paano matatanggap? Sabi ko, bigyan natin siya ng [role na] ex-nun. To the point na madre na. To the extreme na hindi mo paniniwalaan pero hanggang ngayon, natatanggap na,” masaya niyang pahayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN