Wowie de Guzman muses on mortality: “Kapag wala na ang isang tao, doon mo malalaman kung gaano siya kahalaga.”

Wowie de Guzman, carrying baby Raffy, shares his thoughts on the death of his wife Sherryl Ann: “Hindi mo talaga masasabi ang buhay ng tao. As much as possible, huwag mong hahayaan na hindi mo sasabihing mahal mo ang isang tao, lalo na kung nanay mo, asawa mo.”


Tuloy ang buhay para kay Wowie de Guzman.

Halos dalawang buwang mahigit pa lamang mula nang sumakabilang-buhay ang misis ni Wowie na si Sherryl Anne Reyes Camangyan at naiwan kay Wowie ang isang buwang sanggol nila na si Alexandra Rafaelle o Raffy.

Kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Wowie nang dumalo ito sa 6th birthday party ng anak ng mga kaibigan niyang sina Gladys Reyes at Christopher Roxas na si Aquisha sa Active Fun, Bonifacio Global City, Taguig noong July 12.

Ayon kay Wowie, “Medyo okey-okey naman na ’ko compared noong mga past few weeks. Especially ngayon, busy.

“Malaking tulong talaga na may ginagawa ka kesa noon na nakaupo ka lang. Of course, hindi mo maiiwasan na hindi maisip.

“Thankfully naman, sa support ng mga friends, sina Gladys, Christopher, nakakapag-cope naman.”

Sa July 27, saktong tatlong buwan na raw na wala ang misis niya at ika-apat na buwan naman ng baby nila.

Pagbabalik-tanaw pa ni Wowie, “Sakto kasi one month ng baby namin. May cake, supposedly, magli-litson pa.

“Tapos, may mga inayos pa siyang damit naming tatlo na terno kaming tatlo. Kaya lang, nangyari nga yun.”

April 26 daw ng gabi nang sinugod niya ang misis niya sa ospital, at April 27 na ito dineklarang patay na nga kaya hindi na raw sila nagkaroon ng pagkakataon talaga na ipagdiwang ang unang buwan ng anak.

COPING WITH GRIEF. Mahirap daw talaga ang naging buhay niya lalo na pagkalibing ng misis niya.

Kuwento ni Wowie, “Mahirap talaga lalo na noong pagkalibing niya. Ang hirap ibalik sa normal ng buhay namin.

“Pero dahil nandiyan ang anak ko, hindi puwedeng makakalimutan mo, e. Lalo na ’ko, noong umalis siya, magbi-binyag.

“Napaka-hands-on na nanay nun, lalo na ’ko, ang trabaho ko lang, magmamaneho lang ako palagi. Siya talaga lahat dahil talagang gusto niya yun. Pangarap niyang maging nanay, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Noong ginagawa ko nang mag-isa yun, ang hirap.

“Nakikipag-usap ako sa supplier sa party, e, siya yung—noong huling makausap namin yun, nasa sasakyan lang ako.

“Siya ang nakikipag-usap. Parang ang hirap ituloy. Parang tinapos na niyang lahat, babayaran ko na lang.

“Namatay siya Saturday. Wednesday, tinapos na niyang lahat ang gagawin para sa binyag. Kahit yung kausap naming coordinator, iyak nang iyak.

“Siyempre, nalungkot sila. Kasama nila buong araw. Ang hirap noong mga first few weeks, pero malaking tulong na may ginagawa ka.

“Therapy mo rin yun kasi, kapag mag-isa ka lang, maaalala mo pa rin. Lalo na kapag matutulog ka na.”

Lahad pa niya, “Kahit ngayon, kapag matutulog ako, palagi kong dinarasal na sana—pero wala, e.

“Sabi nila magpapakita raw sa panaginip, pero sa akin, wala. Sa akin lang, feeling ko, nandoon siya sa tabi ko kapag hindi ako makatulog tapos, kinakabahan ako.

“Lalo na kapag kasama ko ang baby ko, siguro nakikita niya.”

Kahit mag-aapat na buwan pa lang si baby Raffy, nararamdaman niya ba ito na parang naghahanap ng ina?

“Kapag umiiyak,” saad naman ni Wowie.

“Nagma-’Ma’ siya… pero one week lang siya nakapag-breastfeeding din.

“Pina-pump namin galing sa kanya. Pero, in-advice kami na huwag munang mag-pump kasi, tumataas nga ang BP niya. Nag-maintenance siya, kaso biglang baba naman.

“Nag-insulin din siya bago manganak. Pero, buong eight months, wala siyang problema.

"Noong malapit na lang manganak. Sabi nga ng OB [gynecologist] niya, anong nangyari sa ‘yo? Nag-away ba kayo?

“Sabi namin, hindi po Doktora. Kaya unexpected na hindi namin alam ano ang nangyari.

“Napansin ko lang sa kanya, masakit ang mga muscles niya noong namatay siya.”

BABY GIVES HIM STRENGTH. Sa pagku-cope daw ni Wowie sa situwasyon, malaking bagay daw talaga na may baby siya.

Patuloy ni Wowie, “Malaking tulong, sobra. Kasi, parang naisantabi ko ang pagmu-mourn ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kapag narinig mo, parang hindi ka... wala kang panahon para mag-mourn. Yung anak mo kapag umiyak siya, punta na ’ko agad.

“Saka kapag tinitingnan ko ang anak ko, parang nawawala rin.

“Yun lang, nalulungkot din ako. Lumalaki na, medyo tumatawa na. Matutuwa ka, pero biglang maiisip ko, bigla na maaalala ko si Sherryl.

“Kung nandito lang siya, siya yung unang-unang matutuwa. Siyempre, yung ka-share mo ng moments. At saka, ang dami naming plinano.

“Summer, ‘di ba? So, noong nanganak siya, nakikita namin ang mga kaibigan namin nagse-selfie sa Boracay, plinano namin na tayo rin, pupunta tayo diyan kapag okey na si Raffy.

“Bibili tayo ng pool sa likod ng bahay para kay Raffy.”

THANKFUL TO IN-LAWS. Malaking bagay rin kay Wowie na kasundo at malapit siya sa mga biyenan niya. Sa compound ng mga ito sa Lubao, Pampanga sila nakatira.

Ayon kay Wowie, “Alam niyo, mabait ang mga biyenan ko.

“Kinausap nila ko, sinabi nila kung puwede huwag akong aalis.

“Sabi ko naman, hindi po ako aalis dahil ang hirap kung maghihiwa-hiwalay kami dahil kami ang magkakasama. At saka, lahat ng tulong kailangan ko especially sa anak ko.

“Lalo na ngayon, magti-taping na ako. Hindi ko naman puwedeng ipagkatiwala lang sa kahit na kanino. Sabi ko nga sa kanila, magkakasama kami.”

Habang buhay, kasama niya ang mga biyenan niya?

“Hindi natin masasabi,” lahad din niya.

“Pero for now, I think hindi makakabuti na maghihiwa-hiwalay kami. Lalo na sa akin.

“Siyempre, kung aalis ako, kasama ko ang anak ko. Kaya lang, kawawa naman ang anak ko. Sino ang hahanapin kong mag-aalaga sa kanya?

“Unang-una doon, kakilala ko na ang mga tao sa lugar nila. Para sa akin, pinaka-the best na desisyon ay mag-stay muna ro’n habang maliit na maliit pa ang baby ko.”

Kumusta naman ang mga biyenan niya sa pagpanaw ng misis niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lahad pa niya, “Masakit sa kanila, lalo na sa mother-in-law ko. Silang dalawa ang palaging magkasama. Siya ang medyo hirap. Pero ngayon, mas okey na compared noong una.”

INSIGHTS. Tinanong din namin si Wowie kung may mga liksyon para sa kanya ang mga nangyari.

Makahulugan niyang pahayag, “Hindi mo masasabi ang buhay ng tao. Sabi ko nga, kapag wala na ang isang tao, doon mo malalaman kung gaano siya kahalaga.

“Ang dami mong pagsisisi. Like ngayon kasi, palagi akong nagpupunta sa puntod niya.

“Nagbigay ako ng flowers at sabi ko, pag-uuwi ako, bakit hindi ko naisip ‘to kapag uuwi ako. Sana binibigyan ko ng flowers every week, yung ganun.

“Sana talaga maisip mo. At saka, hindi mo masasabi. Noong nagpakasal kami, secured na secured ako kasi, mas matanda ako ng 10 years.

“Sabi ko, kung mauna man ako, okey kasi, bata pa ang wife ko. Tapos biglang nangyari nga.

“Ang lakas-lakas ng wife ko, tapos biglang nangyari yun sa kanya.

“So, hindi mo talaga masasabi ang buhay ng tao. As much as possible, huwag mong hahayaan na hindi mo sasabihing mahal mo ang isang tao, lalo na kung nanay mo, asawa mo.”

TRAUMATIZED. Sabi nga namin, sigurado naman na sa maikling panahon ngayon, hindi pa niya naiisip ang mag-asawa.

Pero kung sakali, wala naman siyang trauma na mag-asawang muli?

Pag-amin niya, “Sa totoo lang, totoo yung sinabi mo, tama yung word na ginamit mo. Medyo na-trauma ko.

“Kasi, hindi madali yung pinagdaanan ko. Sabi ko nga, hindi ko akalain na malalagay ako sa ganoong situwasyon. Para akong nasa taping lang.

“Literal na naranasan ko sa taping lang. Pero para mamamatay sa harap mo ang asawa mo, hindi mo alam ang gagawin mo.

“So, nakaka-trauma talaga. Lalo na yung naramdaman ko noong mawala siya, ang hirap.”

Ang masasabing pinanggagalingan ng lakas niya ngayon ay ang anak niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, “Oo, yung anak ko talaga. Hindi ko puwedeng pabayaan dahil baka awayin ako ng asawa ko,” natatawang sabi niya.

“Sa kanya lang ako humuhugot.”

SHOWBIZ COMEBACK. Sa pagbabalik niya sa pag-arte ngayon kunsaan may malaking papel siyang ginagampanan sa bagong serye ng GMA-7, ang Yagit, masasabi ba ni Wowie na naka-plano ang pagbabalik niya o dahil na lang din sa nangyari at naisipan niyang bumalik sa showbiz?

Kuwento niya, “Actually, noong bago mangyari yun, nagsimula na ’ko, UMD [Universal Motion Dancers], ‘di ba, nauso yung throwback?

“Sinabi ko sa kambal na, ’Sige pare, sama ko sa inyo palagi.’ Kaya rin siguro naging active kami. Papunta na rin siguro ro’n.

“Tapos noong nangyari nga ang kay She, biglang dumating ‘to. At saka, noong magkaka-anak ka na, siyempre, iba na.

“Financially, noong dalawa lang kami, happy-go-lucky. Mag-taping ka ng isang beses, raket sa labas, puwede na.

“Pero noong nanganak na siya, maiiba na. So, hindi mo na maisip ang sarili mo.

“Para kang nangangarap muli pero this time, para sa anak mo na. So noong time na yun, wala akong ibang intensiyon kung hindi ang makabalik muli para nga sa anak ko.”

THANKFUL TO GMA. Sa ngayon, wala pa raw manager si Wowie kaya lahat ng negosasyon at schedule pagdating sa trabaho ay sa kanya raw dumi-diretso.

Sa Yagit, medyo may pagka-kontrabida raw siya rito.

Ani Wowie, “Iba siya sa mga roles ko from the past. Hopefully, tumagal ang soap.

“Tingin ko naman. Actually, hindi ko napanood ang Yagit noon.

“Hindi ako familiar. Pero, karamihan maganda ang feedback. Maraming nakapanood at ginawa raw movie.

“So, excited naman ako.”

Posible bang ito na ang magbubukas ng pintuan sa kanya para sa diretsong pagbabalik niya sa pag-arte?

“Hopefully,” nakangiti niyang sagot.

“Siyempre, hindi natin masabi dahil ang daming artista ngayon. Pero, thankful ako sa GMA dahil binigyan ako ng chance muli.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN