Janno Gibbs recalls "aborted" network transfer ten years ago

Janno Gibbs recalls his "aborted" network transfter a decade ago: “Nagtampo ako, lumapit ako sa 2, nakipag-meeting na ako, parang okay na. Kausap ko yung mga medyo boss doon. Tapos hindi ako pinaalis sa 7. Parang, kinausap ako ng masinsinan, na ‘Janno, ganito-ganito-ganyan.’ So hindi ako natuloy. Feeling ko nainis sa akin ang Dos.”


“Wala pa naman akong scene. Late na ako pag tumatawag na sila, ‘Nasaan na po kayo?’

“Wala pa namang tawag, wala pa,” ang umpisang natatawang pahayag ni Janno Gibbs nang biruin namin sa set ng My BFF kung late ba siya noong araw na yun.

Dati kasi ay nagkaroon si Janno ng “issue” tungkol sa pagiging late niya para sa kanyang mga showbiz appointments.

Bumisita ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa My BFF taping sa Marcos Highway noong Biyernes, July 18.

Napadako naman ang usapan tungkol sa isang eksena sa My BFF na dapat ay may kissing scene sina Janno at Manilyn Reynes. Pero dahil kahit noon pa mang teen star siya ay may “no kissing scene” policy si Manilyn ay hindi ito natuloy.

Sabi ni Janno, “Naintindihan ko naman. Pero tinanong ko siya, nabasa ko yung script e, may passionate pa, e. Sabi ko, ‘Mann, nabasa mo na ba yung script? Meron tayong passionate ano.’

“Sabi niya, ‘Huwag ka namang ma-o-offend, hindi naman personal, pero alam mo naman never akong nagpa-kiss onscreen.’

“Sabi ko, ‘Oo, naiintindihan ko naman.’

“Iyon.”

Hindi raw niya pinilit si Manilyn.

“Huwag na,” at tumawa si Janno.

“Okay din naman sa akin.”

STOLEN KISS. Noong araw, ayon sa kuwento ni Manilyn sa hiwalay na panayam, ay ninakawan siya ng halik ni Janno sa isang shooting nila.

“Oo! Ninakawan ko siya ng halik. TV show iyon. Hindi ko na maalala, parang mga Young Love, Sweet Love, mga ganun, or Regal Presents Manilyn, mga ganun.”

Bakit niya ninakawan ng halik si Manilyn?

“Natuwa lang ako. Kasi nga hindi siya pumapayag, nung mga time na yun medyo matagal na kaming loveteam, hindi siya pumapayag, kinasabwat ko yata yung direktor. Parang, ‘Direk ha, ki-kiss ko ito!’

“Sabi nung direktor, ‘Sige!’”

WORKING WITH MANILYN. Ilang buwan na rin silang nagte-taping ng My BFF. Kumusta naman sila ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mabilis niyang lahad, “Maganda! Happy kaming lahat, wala kaming problema, we like what we’re doing.

“Iyon ang importante e, we like what we’re doing. Naniniwala kami dun sa project.”

Nabanggit namin kay Janno na matitindi ang mga dramatic scenes nina Manilyn at Jillian Ward sa My BFF. Paano siya sumasabay sa pag-arte ng dalawa? Saan siya humuhugot ng emosyon?

“Mahirap,” pag-amin ni Janno.

“Lagi ko namang sinasabi, hindi ako dramatic actor talaga. So mas effort sa akin. Doble, kailangan doble, yung effort ko.

“Hindi naman mahirap humugot because ang kids ko parehong girls.”

Sa My BFF kasi ay anak nina Janno (bilang Christian) at Manilyn (bilang Lyn) sina Jillian (bilang Chelsea) at Mona Louise Rey (bilang Rachel).

At sa kuwento nga ay namatay si Chelsea at naging multo at naging kaibigan ni Rachel.

“Hindi mahirap humugot. Pero pagdating sa dramatic scenes, dumidepende ako kay Manilyn, sa mga bata, mas sanay sila e, di ba? Sa direktor.”

Sa kuwento rin ng My BFF ay may “third party” na ginagampanan ni Valerie Concepcion bilang Lavender na nanggugulo kina Christian at Lyn. Kaya natanong si Janno kung sa tunay na buhay ba ay nambabae rin siya noong araw? May naging “Lavender” rin ba sa buhay nila ni Bing?

“Naku, alam naman ng lahat,” at natawa si Janno.

“Maraming natsismis, ang dami, puro tsismis, tsismis lang.”

SUNDAY ALL STARS REFORMAT. At dahil isa si Janno sa mga original hosts ng Sunday All Stars na nagsimula pa noon sa SOP at Party Pilipinas, tinanong namin ang singer/actor/songwriter kung ano ang masasabi niya sa nangyari sa SAS? Na late na ito umeere (hindi na 12 noon tuwing Sunday) at umikl pa at nag-reformat.

Nakonsulta naman daw siya sa mga pagbabagong naganap bilang isa siya sa mga pioneer sa nabanggit na Sunday noontime slot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo naman, natanong naman ako, na-consult naman ako. Ah… ano ba? Paano ko ba sasabihin?

“Unang-una, now mas nagwu-work kami, I think mas nagre-rate kami ngayon dun sa, kesa nung nag-uumpisa kami, yung SAS.

“We’re doing better nung nag-late kami kasi tinanong ko yun e, sabi ko, ‘Nagwu-work ba na late tayong nilalabas?’

“Sabi nila, ‘Oo!’

“Nag-improve daw. Okay!

“Ako kasi ang pananaw ko sa SAS, wala ka namang mapipintas sa talents, magagaling naman, maganda naman yung mga production numbers.

“Sa akin, mahirap pantayan ang ASAP pagdating sa... kumbaga sa bilangan, outnumbered kami. Outnumbered kami.

“Kumbaga sa one-on-one, kaya namin silang labanan.

“Halimbawa si Regine [Velasquez], kayang tapatan kahit sino sa kanila, kayang tapatan ang tatlo dun. Si Kyla.

“Pero pag magkakasama na, kumbaga e, one thousand against five hundred, parang ganun, e. So ako, iyon lang ang pananaw ko. Outnumbered lang.”

Pabor rin ba siya sa pag-igsi ng airing ng SAS? |

Sabi ni Janno, “Okay lang, okay lang.

“Kasi pag masyadong mahaba, na ini-stretch mo na e, ’di ba, kung anu-ano na nilalagay mo para punuan yung oras? So yung shorter time, at least bawat number napapaganda talaga namin.”

IS JAY-R TRANSFERRING? Tinanong naman namin si Janno tungkol sa mga artists na natanggal umano sa SAS.

Paglinaw niya, “Actually wala namang natanggal, nakikita ko minsan nandiyan sila, minsan nandito.”

Si Jay-R ay madalas nang napapanood sa ABS-CBN.

Detalye ni Janno, “Si Jay-R ang parang wala na, parang wala na.

“Actually si Jay-R, sinabihan ko siya at saka ang network sinabihan ko rin. Sabi ko sa network, ‘Sana huwag nating pakawalan si Jay-R.’

“Sabi ko, ‘Asset natin yun.’

“Sinuggest ko lang. Noon pa yun. Sabi nila, ‘Bakit lilipat ba?’

“Sabi ko, ‘Naririnig ko lang.’

“Tapos nakausap ko rin si Jay-R, sabi ko that time nag-iisip pa lang yata siya, sabi ko, ‘Ano lilipat ka ba?’ Sabi niya, ‘Hindi ko pa alam, e.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ganun-ganun. Na, ‘We’re talking.’

“Sabi ko, ‘Sayang, sana huwag ka nang lumipat.’

“Sabi ko, ‘Una, we need you here. Kailangan ka namin.’

“Pero of course, sabi ko sa kanya, ‘Ano ’yan, career decision ’yan e, so kung ano ang makakabuti sa ’yo e, di…’

“Di ba?”

ABORTED” NETWORK TRANSFER. Si Janno ay hindi natsitsismis na lilipat.

“Hindi naman nila ako kinukuha,” at natawa si Janno.

“Hindi hindi, nagkaroon ng time before, matagal na ito, ako yung lumapit sa kanila, sa 2. Matagal na ito.”

Medyo nagtampo raw siya that time sa GMA.

Kuwento niya, “Nagtampo ako, lumapit ako sa 2, nakipag-meeting na ako, parang okay na.

“Kausap ko yung mga medyo boss doon. Tapos hindi ako pinaalis sa 7, parang, kinausap ako ng masinsinan, na ‘Janno, ganito-ganito-ganyan.’

“So hindi ako natuloy. Feeling ko nainis sa akin ang Dos.

“Siyempre, ‘Nag-ready na kami, e! Nag-usap na tayo, e! May mga plano na tayo, e!’

“Hindi ko naman sila mabe-blame.

“Matagal na yun, may mga ten years na yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN