Gab Valenciano on ex-girlfriend Coleen Garcia’s relationship with friend Billy Crawford: "It was a little weird..."

Gab Valenciano on going to Los Angeles with future wife Patricia Centenera: “I wanted her to give the assurance na seryoso ako, hindi ako nagbibiro lang. Nakilala ko yung pamilya mo, ‘tapos wala lang? I wanted her… to make her know na, ‘Eto, mahal kita, marry me.’”


Tuloy na sa 2015 ang pagpapakasal ni Gab Valenciano sa kanyang fiancée na si Patricia Centenera.

Dito raw gagawin sa Pilipinas ang kasalan.

Sabi ni Gab sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Actually, yung pamilya niya [Patricia], lahat tiga-Australia, pero Filipino sila.

“They wanted a place na siyempre hometown, our blood, kaya dito na lang sa Pilipinas. Lahat pupunta sila dito.

“We plan the wedding sometime along March.

“Gusto naming mountains, yun ang plan namin.”

Hindi raw muna sila mag-aanak dahil sa binabalak nilang career sa States.

“We’ll give ourselves mga three years before we have a kid.

“A lot of people ask me kung bakit ko siya pakakasalan nang ganito kabilis.

“Kasi, kagagaling pa lang sa States, hindi nila alam na matagal na kaming magkakilala.

“Pero masasabi ko lang, when you, you know it.”

Hindi kaya siya mahirapang pagsabayin ang buhay-may-asawa at ang pagsisimula niya ng career o production business sa Amerika?

Sagot ni Gab, “No naman, she’s very, very supportive.

“Like ngayon, instead na sasamahan niya ako… hindi naman ako madi-distract.

“Ang sabi lang niya sa akin, ‘Do what you have to do, pagkatapos puntahan mo ako.’

“Alam niya yung pagtrabaho ko, trabaho.

“Saka she’s older than me. She knows, hindi na niya kailangang magtantiya.

“So, I’m very excited. Sobra!”

Tiniyak din ni Gab na ang magiging best man niya sa kasal ay ang kuya niyang si Paolo Valenciano.

Si Jericho Rosales naman daw ang isa sa groomsmen.

Hindi pa makumpleto ni Gab ang entourage dahil inaayos pa raw nila ito.

“Pero for sure, it’s going to be a fun wedding. Sobrang magiging fun kasi may pagkaiba siya, e.”



TOGETHER. Ipinaliwanag ni Gab kung bakit sa kanyang pag-alis next month pabalik ng Amerika ay kasama na niya si Tricia, gayong ang kasal nila ay sa susunod na taon pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi ang plano niya talaga is to go to L.A. dati pa. Doon niya talaga gustong mag-work.

“Nung nalaman niya na gusto kong mag-L.A., parang sabi niya, ‘Why don’t we just go together? Sabay na tayo pumunta para that way, nandoon na tayo.’

“So, we’ll be together sa States. Magwu-work siya doon, magwu-work din ako.

“I wanted her to give the assurance na seryoso ako, hindi ako nagbibiro lang.

“Nakilala ko yung pamilya mo, ‘tapos wala lang?

“I wanted her… to make her know na, ‘Eto, mahal kita, marry me.’”

Inamin naman ni Gab na malaki ang nabago sa kanya.

“Actually, nagbago ako in many ways. The States did a lot to me.

“Kasi doon, mag-isa ka lang, wala kang yaya, wala kang driver, wala akong work na puwede akong lumabas, puwede akong mag-shopping.

“Talagang yung buhay ko doon, school at saka bahay.

“Yung bahay ko doon, isang kuwarto lang, as in walang kitchen. Pagpasok mo, yun na yung kama.”

Nasustentuhan daw niya ang kanyang pag-aaral sa pamamagitan ng ASAP ng ABS-CBN.

Kuwento ni Gab, “Gumawa ako ng mga kanta para sa kanila. Mga five to six songs a month.

“So, okey na yun. That’s enough, pero hindi yung sobrang puwede akong bumili ng bagong sapatos. Or bumili ng bagong kung anu-ano.

“Pero it was enough to feed me, pay my bills sa States.

“So, I was very, very thankful talaga sa ASAP na they kept me.

“Kumbaga, Kapamilya pa rin ako kahit malayo.”



COLEEN & BILLY. Tinanong din ng PEP si Gab kung ano ang reaksiyon niya nang malaman ang relasyon ng ex-girlfriend niyang si Coleen Garcia sa kaibigan niyang si Billy Crawford.

Sagot ng Pinoy YouTube sensation, “Noong una, na-weirduhan ako kasi siyempre, kaibigan ko si Billy, ‘tapos nasa Showtime sila.

“’Tapos ex ko si Coleen… hindi ko akalain.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It was a little weird in the beginning, pero walang galit o bitterness.

“Pero medyo weird lang talaga.

“Sa lahat naman ng tao, medyo weird, pero masaya sila.

“So, I’m happy for them. I sincerely, undoubtedly hoping for them.

“Nakikita ko naman masaya sila, e.

“I haven’t seen Billy and Coleen since I left last year pa. So, I’m actually happy for them.”

Handa na ba siyang makita ang dalawa?

Sagot ni Gab, “Yes, I’m ready to see all of my exes.

“Actually, I’m ready to see anybody.

“Kasi, at this point in my life, I found my future wife, e.

“Kumbaga, wala na akong kailangang problemahin.

“I found someone who loves my family, loves God, and is willing to have a family with me.

“Yun talaga ang gusto kong… I wanna grow up with my kids. Parang kami ng daddy ko [Gary Valenciano].

“So, yun ang gusto ko. I wanna have kids young.

“Hindi naman next year. Pero at least, before I’m 30, gusto kong magkaanak. I’m 26 now.

“Pero it all depends kung next year ma-reach ko na yung success na gusto ko, at kaya ko nang mag-provide para sa pamilya ko, why not?”



ISABEL OLI. Noong nakaraang FAMAS Awards Night, hindi nagawang batiin ni Gab ang isa pang ex-girlfriend niyang si Isabel Oli.

Parehong invited sa okasyon ang dalawa; si Gab ay nagkaroon ng dance number habang si Isabel naman ay nag-present ng award.

Kuwento ni Gab, “I heard her name.

“Pero ang nakakatawa pa, I was walking, nakatingin lang sa akin yung mga dancers ko. Sabi, ‘Hindi mo siya binati?’

“Reaksiyon ko, ‘Ha? Anong hindi ko siya binati?’

“E, kalalabas ko lang ng stage, sobrang nahingal ako. Nakaluhod lang ako.

“And then I saw Christian Bautista, nag-usap kami. Dinaanan ko lang [si Isabel], doon kasi siya nakatingin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, sabi ng mga kaibigan ko, ‘Bakit hindi mo binati?’

“’Huh? Hindi ko alam.’

“Paglingon ko, paakyat na siya ng stage. Hindi ko na siya nabati.”

First time daw sana niyang makikita at makakausap si Isabel pagkatapos ng nangyari sa kanila.

“But it’s okay, I’m sure I’ll bump into them when I’m still here in Manila.

“If I see her with John [Prats, Isabel’s boyfriend], I will wish her the best.

“And John talked to me before. Sabi niya, ‘Bro, sobrang seryoso na ako, I really love her.’

“Kitang-kita naman natin na sobrang in love silang dalawa.

“If I see her or him or magkasama sila… Again, going back to my life, sobrang okey na ako.

“Parang kumbaga, lahat ng cards ko, nasa table na. Okey na ako.

“Tama si Tricia, e. Kasi pareho kami ng number na dineyt na girlfriend and boyfriend.

“Sabi niya, ’I think we’ve gotten to a point na we’ve dated enough people to know what we want and what we don’t want.’

“Hindi naman sa hindi sila okey na tao, na they’re bad people. Hindi lang sila for us.

“For example, Isabel or Coleen, these are good people.

“But, at the end of the day, kung hindi talaga para sa iyo, hindi para sa iyo.

“With Tricia, we may not be perfect people, but I believe our partnership is perfect.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN