Mikael Daez on Miss World Megan Young: "Okey pa rin kami... happy naman kaming dalawa."

Mikael Daez is being paired for the third time with Andrea Torres in a new teleserye proving the success of their loveteam—even as the actor is linked perennially to Megan Young and his leading lady to Sef Cadayona.


Unang nakapareha ni Mikael Daez si Andrea Torres sa morning series ng GMA Network na With A Smile, kung saan naka-love triangle nila si Christian Bautista.

Ngayon ay balik-tambalan na naman sila sa bagong fantasy series na Ang Lihim Ni Anasandra.

Kailangan pa ba ng preparation sa muling pagtatambal nila ni Andrea kahit na gamay na nila ang pakikipagtrabaho sa isa’t isa?

Sagot ni Mikael, “Well, kung tutuusin may preparation pa rin kami, kasi bagong serye.

“At yun nga ang gusto ko kay Andrea, dalawa kaming seryosong-seryoso sa ginagawa namin.

“Na kahit matagal na kaming magkasama, paghahandaan pa rin talaga namin.”

Noong unang maging magkapareha sila ni Andrea ay medyo tinutukso na sila sa isa’t isa. Nagsisimula na nga silang ma-link na parang papunta na sa espesyal na pagtitinginan, kaya lang ay parang naudlot ito.

Sabi ng Kapuso hunk tungkol dito, “Hindi, okey lang naman.

“Kumbaga, sa akin, kung ano ang nangyari sa career namin, dalawa kaming happy.

"Dalawa kaming naggu-grow at nadi-develop sa aming kanya-kanyang career.

“Ngayon na may proyekto kami ulit, nakakatuwa lang naman.”

Dahil nga na may na-establish silang kilig sa viewers, hindi kaya mahirapan siya ngayon dahil in real life ay si Miss World Megan Young ang "special someone" niya, at si Andrea naman ay nali-link ngayon kay Sef Cadayona?

Saad ni Mikael, “Well, kung tutuusin, dati pa naman yung mga ganung balita. Wala namang naging problema.

“O, ’di ba? Wala naman.

“Sa akin, work is work. Go lang nang go, bigay todo lang lagi.

"Yung mga issues, yung mga intriga, yung mga tsismis, nandiyan talaga ‘yan.

“Dati ko pang sinasabi, tatanggapin lang natin ‘yan.

"Kasi kasama talaga ‘yan sa pakete ng trabaho namin, ’di ba?”

Nakakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mikael kahapon, Linggo, July 20, sa annex building ng GMA Network Center.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



MEGAN YOUNG. Maikling sagot ni Mikael nang kumustahin namin ang tungkol sa kanila ni Megan, “Okey pa rin kami.”

Nasa Pilipinas pa rin ba si Megan at hindi pa bumabalik sa London, kung saan siya nakabase bilang reigning Miss World?

“I am not at liberty to say,” pag-iwas ni Mikael.

Ilang buwan na lang at matatapos na ang reign ni Megan bilang Miss World. Ito ba ang hinihintay niya dahil magkakaroon na ulit ng sapat na panahon at atensiyon ang actress-beauty queen sa kanya?

Aniya, “Hindi, wala namang nag-iba kahit naging busy siya.

“Reigning or not reigning, wala namang nag-iba, pareho lang.”

So, ang hihintayin na lang ng publiko ay ang kanilang pormal na pag-amin hinggil sa matagal na hinihinalang realsyon nila?

“Malay mo!” tawa ni Mikael.

“Maintain-maintain lang tayo, maintain-maintain lang.

“Happy naman kaming dalawa, e.”

Kung saan-saang panig ng mundo ngayon umiikot si Megan. Nakakaramdam ba siya ng insecurity na iba’t ibang nationality at profession ang mga lalaking nakakadaupang-palad nito?

Natatawang sagot ng actor-TV host, “Hindi, ako rin naman, kung saan-saan ako nakakarating, e!"

Pero dagdag ni Mikael, “Hindi talaga ako ganun, e.

“Hindi ako seloso, hindi ako marunong ma-insecure, hindi talaga.

“And kita niyo naman na napakasaya ko sa ginagawa ko.”

Maganda nga marahil na may natitirang privacy pa siya?

“I guess so!” nangiting pagsang-ayon ni Mikael.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN