Andrea Torres firmly denies she had a boob job: "Tingnan na lang nila ang aking mommy and ate... lahat naman kami ganito."

Andrea Torres is flattered to be on FHM’s List of 100 Sexiest Women, and just how sexy she has grown to be is in full display in her new teleserye, Ang Lihim Ni Annasandra.


Hindi rumampa si Andrea Torres sa nakaraang victory party ng 100 Sexiest Women ng FHM magazine.

“Hindi pa po ako handa,” paliwanag ni Andrea, na No. 48 sa naturang listahan ng mga seksing Pinay.

In-offer-an naman daw siyang rumampa pero tumanggi siya.

Saad niya, “Hindi ko pa po feel na kaya ko yung ganun.

"Parang feeling ko, dapat talaga na nasa puso mo at talagang yung hindi ka mahihiya.

"’Tsaka sabi ko nga, gusto ko kung mag-e-FHM ako, e, yung talagang all-out.

"Yung talagang magpapakita talaga ako... hindi naman yung sobra, pero ipapakita ko.”

Hindi pa rin nagpa-pictorial si Andrea para sa FHM, pero ano ang pakiramdam na kahit hindi pa siya naging cover girl ng magazine ay napasama na siya sa listahan nito?

Sagot ng Kapuso actress, “Very happy siyempre, nakaka-flatter po at first time ko po na makapasok sa list.

"’Sabi ko nga sa FHM, kahit na hindi pa po ako nag-oo, sabi ko nga sa manager ko, lagi niyang sasabihin na nagte-thank you ako.

"Minsan lang naman po na offer-an ka ng cover and sino ba namang may ayaw ng cover?

“Kaso, yun nga po, parang feeling ko may tamang timing talaga kung kailan siya gagawin.

“Actually, looking forward rin po ako sa time na yun. Pero sabi ko, dahan-dahan lang.

"Kasi yung soap itself, parang medyo finast-forward ko na yung mga plano ko, bigla akong nagpa-sexy na, e.

"So, sabi ko, huwag naman nating iano lahat, itodo lahat.

“Medyo pakonti-konti lang.”

Nakapanayam ng PEP.ph si Andrea noong Biyernes, July 11, sa GMA Network Center tungkol sa nabanggit niyang soap, ang upcoming afternoon series na Ang Lihim Ni Annasandra.

SEXING UP. Gaano kaseksi ang gagawin ni Andrea para sa bago niyang teleserye?

“Talagang sexy na soap po siya talaga,” tugon ng dalaga.

Dahil may pagka-fantasy ang kanilang soap ay naiiba ang papel niya dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagse-shape shift po ako dito. Kapag nagta-transform po ako, ang shot, para akong nakahubad.

"’Tapos may mga times po na naglalakad ako na mukha akong nakahubad.”

Hindi namamatay ang isyu na nagpalaki raw siya ng dibdib.

Pero ani Andrea, “Siguro depende sa damit.

“Lagi ko namang sinasabi, tingnan na lang nila ang aking mommy and ate, mga tita, lahat naman kami ganito, e.

"Kaya nga minsan, sinasabi ko na huwag na tayong magdamit na parang naka-push up, kasi nga nagmumukhang lalong malaki, yung ganun.”

MATURE PROJECT. Pangatlong pagtatambal na nina Andrea at Mikael Daez ang Ang Lihim Ni Annasandra na malapit ng iere ng GMA.

Wholesome ang pinagtambalan nila ni Mikael na Sana Ay Ikaw Na Nga at With A Smile noon, pero sa bago nilang teleserye, ayon kay Andrea, “Yes, first time na mature.”

Handa naman daw siyang magpa-sexy.

“Kung ano po yung kakailanganin sa show.

“Hindi ko po in-expect, pero nung nalaman ko yung concept tsaka yung story, parang sayang naman yung pagkakataon ’pag hinindian.

"Kaya i-ready na lang.”

May pinagpaalaman ba siya na magpapa-sexy na siya?

Sabi ni Andrea, “Daddy siyempre, parents talaga.

"Kasi may pagka-conservative yung daddy ko, pero okay naman sa kanya.

“Na-excite naman po sila.

"Nung una, siyempre yung initial reaction, parang medyo kabado, tinatanong ako kung gaano po kaseksi.

“Pero sinabi ko naman maganda yung story. Nung nalaman na nila lahat, excited naman sila.

"’Tsaka alam naman po nila na aalagaan naman, kasi pagka afternoon, hindi rin naman pupuwedeng yung sobrang sexy.”

THE MEN. Unang beses namang makakatrabaho ni Andrea si Pancho Magno.

Sabi ni Andrea tungkol sa isa pa niyang leading man, “Okay naman po, nung workshop okay naman.

"Nagkaroon ng time na parang umiiyak ako sa shoulder niya, yung ganun, ang bilis."

Hindi raw niya kinailangang magpaalam kay Sef Cadayona dahil magkaibigan lang sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinapansin ba siya ni Yassi Pressman na ex-girlfriend ni Sef?

“Hindi ko po siya masyadong nakikita ngayon, e. Hindi ko po siya masyadong nakikita sa SAS.”

Magkasama sila nina Yassi at Sef sa Sunday All Stars.

Hindi sila magkagalit nito?

“Ako, hindi naman po ako galit sa kanya.”

Si Yassi ba ay galit sa kanya?

“Hindi ko po alam! Hindi ko po alam!” natawang sagot ni Andrea.

SAS. Hindi ba siya nainip na medyo matagal bago nasundan ang With A Smile.

“Hinihintay ko na po talaga yung next,” pag-amin ni Andrea.

Halos limang buwan daw siyang nabakante sa paggawa ng drama series.

Regular si Andrea sa Sunday All Stars at hindi siya napasama sa mga naging semi-regular na performers.

“Thank you Lord!” sabi ni Andrea.

“Medyo kinabahan din po ako nung narinig ko yung ganun.

“Pero I’m sure may reason naman kung bakit ganun [na naging semi-regular ang iba].

"’Tsaka nakikita ko naman po na mine-make sure naman ng SAS na lagi silang nandun pa rin.

“Kumbaga, visible pa rin every month yata, o twice a month.”

Okay raw sa kanya yung inalis ang competition ng bawat group sa production numbers.

Hindi na nga lang siya nagiging Best Performer katulad dati.

“Okay lang. Siguro ano, para lang maiba, ganun.

"Pero minsan nami-miss din namin, pero minsan naman, okay lang din.

"Ako naman, kung ano yung gusto nila, adjust lang.

“And very grateful ako matagal ko ng wini-wish na maging regular sa isang variety show.

"So, sobrang grateful ako sa SAS na kinuha nila ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN