Senator Jinggoy Estrada to PNoy: Expound on DAP during SONA

“We have a lot of problems to solve and let the President finish his term up to 2016,” says Senator Jinggoy Estrada when asked for his opinion about the impeachment complaint against President Benigno “PNoy” Aquino III.


Iminungkahi ni Senator Jinggoy Estrada na mas ipaliwanag pa ni President Benigno “Noynoy” Aquino III ang tungkol sa Disbursement Acceleration Program (DAP) sa kanyang State of the Nation Address (SONA).

Sa Lunes, July 28, gaganapin ang ika-limang SONA ng Pangulo.

Ayon sa ulat ni Amita Legaspi ng GMA News, na lumabas ngayong araw, July 22, sinabi ni Senator Jinggoy na hindi tama ang ginawang pagdepensa ni PNoy sa kanyang DAP, kung saan tinuligsa pa ng Pangulo ang Supreme Court sa desisyon nitong unconstitutional ang DAP.

“Sana expound niya yung problema sa DAP kasi kulang yung mga sinabi niya last week.

“He was just criticizing the SC’s decision," sabi ni Senator Jinggoy sa panayam ng ilang reporters nang magkaroon ng break ang hearing para sa bail petition niya kanina sa Sandiganbayan.

Sinabi rin ng actor-politician na dapat ilabas ni Budget Secretary Florencio Abad ang kumpletong listahan ng mga proyekto mula sa DAP.

"Dapat ilabas na si Secretary Abad yung detalyadong report ng mga disbursements sa DAP."



NOT ANOTHER IMPEACHMENT. Sa kabila nito, tutol naman ang senador sa mga panawagang i-impeach si PNoy dahil sa DAP.

Sabi ni Senator Jinggoy, "Let’s not divide the country anymore.

“We have a lot of problems to solve and let the President finish his term up to 2016.

"Tama na siguro yung divisiveness. Pagod na tayo, pagod na ang taumbayan.”

Hindi rin daw makabubuti na magkaroon muli ng isang impeachment hearing sa Senado.

Aniya, “It will entail a lot of time sa Senado.

“Wala na tayong maipapasang batas sa Senado if we will concentrate again on another impeachment case.”

Naniniwala rin siyang hindi uusad ang reklamo sa Kongreso.

Dagdag pa ni Senator Jinggoy, “This is a numbers game.

“I don’t think the House will muster enough signatures to impeach the President considering the fact that majority of its members are allies of the President.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilang anti-pork barrel groups ang naghin ng reklamo laban sa Pangulo kahapon, July 21.

Pirmado ng dalawampu’t walong indibidwal ang reklamo na inihain sa Office of the Secretary General ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Inendorso naman ito nina Bayan Muna Representatives Neri Colmenares at Carlos Zarate, at Anakpawis Representative Fernando Hicap.

Ngayong araw, July 22, ang student leaders naman ng Youth Act Now! ang naghain ng reklamong impeachment laban kay PNoy sa House of Representatives.

Read: President Noynoy Aquino faces impeachment raps over DAP

ORANGE NOT YELLOW. Samantala, naging kapansin-pansin ang orange ribbon na naka-pin sa barong ni Senator Jinggoy sa hearing kanina.

Ito ay para raw sa pagkakaisa ng dalawa sa tatlong sangay ng gobyerno, ang executive at judicial branches.

Paliwanag ni Senator Jinggoy, “The color of the President is yellow, the color of the critics is red.

“If you combine both colors, yellow and red, ang lalabas dun orange.

“Significance nun, dapat meron tayong unity in the executive and judiciary.”

Matatandaang orange din ang kulay na ginagamit sa mga simbolo ng ama ni Senator Jinggoy na si dating Pangulo at kasalukuyang Manila Mayor Joseph “Erap” Estarada.

Nang tanungin kung dadalo siya sa ika-limang SONA ng Pangulo, nakangiting sagot ni Senator Jinggoy, “Gusto ko sanang pumunta e baka hindi ako payagan ng court.”

Kasalukuyang naka-detain si Senator Jinggoy at ang kaibigang si Senator Bong Revilla sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame dahil sa pagkakadawit nila sa multi-billion pork barrel scam.

Ang isa pang senador na inakusahan, si Senator Juan Ponce Enrile, ay kasalukuyan namang naka-confine sa PNP General Hospital.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN