Gerald Anderson admits work is still top priority for him and girlfriend Maja Salvador

Gerald Anderson on handling controversies: “Habang nagtatrabaho ka sa showbiz, hindi matatapos ‘yang mga ‘yan. Darating at darating ‘yan sa buhay mo. ’Pag malaki ang problema, malaki rin ang intriga. Ano lang, bawat problema, bawat sitwasyon, ‘pag dumating, doon mo na lang haharapin, ‘pag nandiyan na.”


Ang pagkakaroon ng sapat na oras para sa pahinga at masayang environment ang ilan sa mga rason ni Gerald Anderson kung bakit daw napapanatili niya ang kanyang kaguwapuhan at palaging masaya.

Saad ng Kapamilya heartthrob, “Dapat tulog lang, sleep, saka laging dapat masaya.

“Kung anuman ang problema, kung masaya ka man o may problema, dapat lagi kang positive.”

Malaking bagay rin daw ang mga taong nakapaligid sa kanya para palaging positibo ang tingin niya sa buhay.

Sabi ni Gerald sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Oo, malaking bagay. Napakalaking tulong.

“Siyempre, kung hindi dahil sa kanila, ano’ng dahilan pa ng lahat ng ginagawa ko, natin, o doon sa mga taong minamahal natin?”

MAJA SALVADOR. Malaking bagay ba na nasa paligid niya ang kasintahang si Maja Salvador?

Tugon ni Gerald, “Oo, kasama rin siya siyempre, yung mga taong nasa palgid ko, yung mga taong mahal natin sa buhay.

“Kumbaga… ayun!”

Ano ba mayroon sa relasyon nila at parang napakagaan nito? Kahit si Maja mismo ay nagsasabing wala na siyang mahihiling pa sa kanilang dalawa.

Saad ng 25-year-old Star Magic artist, “Wala namang sikreto.

“Ano lang, stay strong lang and be there for each other.

“Kung anuman ang ginagawa sa isang normal na relasyon… siyempre kami, artista, pero normal lang siya, normal lang.”

Pareho silang abala ni Maja sa kani-kanilang trabaho, paano nila nagagawang pagtibayin ang kanilang relasyon?

Pahayag ni Gerald, “Yun nga lang, yun ang sacrifice doon.

“Pero sobrang mahal namin ang trabaho namin, e.

“Kumbaga, ang una pa rin sa amin, yung trabaho, yung career namin.

“Basta, gumagawa naman kami ng paraan para sa isa’t isa.”



WEATHERING THE STORM. Kung babalikan ang mga panahong inuulan siya ng kaliwa’t kanang isyu, madalas siyang malungkot at nababanaag sa mukha ang epekto ng mga kontrobersiyang ipinupukol sa kanya.

Pero ngayon ay mas maaliwalas na ang aura ni Gerald.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya ang tanong ng PEP ay kung ano ba ang pagkakaiba ng mga taong nakapaligid sa kanya noon kumpara ngayon?

Sagot niya, “A, ewan ko... siguro yung tunay na masaya.

“Yung masaya lang talaga. Hindi mo mapi-fake yun, e.

“’Pag nasa isang mahirap na sitwasyon ka, ako yung tipo ng taong nahahalata sa mukha ko, e.

“’Pag masaya, makikita mo talaga yun sa mukha ko.”

Ibig sabihin, tapos na ang matitinding isyu sa kanya?

Sabi ni Gerald, “Siyempre, hindi.

“Habang nagtatrabaho ka sa showbiz, hindi matatapos ‘yang mga ‘yan.

“Darating at darating ‘yan sa buhay mo.

“’Pag malaki ang problema, malaki rin ang intriga.

“Ano lang, bawat problema, bawat sitwasyon, ‘pag dumating, doon mo na lang haharapin, ‘pag nandiyan na.”

Paano niya haharapin ang problema kung sakaling nandito na ito sa harapan niya?

Aniya, “’Tulad ng sinabi ko kanina, malaking bagay yung mga taong nasa paligid natin.”

VACATION. Ngayong tapos na ang taping niya para sa Dyesebel, maghihintay na lang daw si Gerald ng susunod niyang proyekto sa TV at pelikula.

Habang naghihintay ay plano niyang magbakasyon muna, pero aniya, “Hindi ko pa alam kung saan.”

Makakasama niya ba si Maja sa bakasyon?

“Hindi ko pa alam, hindi ko pa napagpaplanuhan.

“Siguro ‘pag medyo nakahinga ng kaunti, saka ako magpaplano,” sabi ni Gerald.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN