JC de Vera feels like a newbie under Kapamilya network: "Lahat ng mga nae-experience ko ngayon, lahat bago rin."

JC de Vera on being a Kapamilya: “Always, every scene and every guesting na ginagawa ko ngayon sa ABS CBN, bago. Lahat ng mga nakakatrabaho ko, bago. Lahat ng mga nae-experience ko ngayon, lahat bago rin. And masayang-masaya ako sa part na yun, kasi mas marami kang natututunan sa buhay as a student. Mas marami akong natutunan as an actor. Ano pa… long journey pa.”


Hindi makapaniwala si JC de Vera sa napanalunang Emerging Star of the Year award sa nakaraang Yahoo! Celebrity Awards, na ginanap sa MOA Arena, noong July 18.

Pakiramdam kasi ni JC ay baguhan pa lang siya sa industriya kahit labing-isang taon na ring tumatakbo ang kanyang acting career.

Parang nagsisimula pa lang daw kasi ang career niya ngayong nasa bakuran na siya ng ABS-CBN.

Sabi niya, “Oo naman, nandun pa rin yung kilig, yung feeling na first-timer ako.

“Parang bago ako sa industriya… masaya-masaya.

“Always, every scene and every guesting na ginagawa ko ngayon sa ABS CBN, bago.

“Lahat ng mga nakakatrabaho ko, bago.

“Lahat ng mga nae-experience ko ngayon, lahat bago rin.

“And masayang-masaya ako sa part na yun, kasi mas marami kang natututunan sa buhay as a student. Mas marami akong natutunan as an actor.

“Ano pa… long journey pa.”

Paano binago ni JC ang kanyang sarili, bilang tao at bilang aktor, nang mapunta siya sa Kapamilya network?

Tugon ng 28-year-old actor, “Paano ba? Hinayaan ko lang tanggapin nila ako kung sino ako.

“Walang pretension. Walang anumang big chance.

“Ipinakita ko lang kung ano ako kaya siguro ako ganito ngayon.

“Yung chance, wala naman talaga.”



THREE NETWORKS. Unang ipinakilala sa showbiz si JC sa pamamagitan ng dating youth-oriented program ng GMA na Click.

Hindi nagtagal ay isinabak siya sa mga Kapuso drama series gaya ng Pati Ba Pintig ng Puso?, Pasan Ko Ang Daigdig, Babangon Ako’t Dudurugin Kita, at La Lola.

Taong 2010 nang lumipat si JC sa TV5. Ginawa niya rito ang maraming programa gaya ng My Driver Sweet Lover, Utol Kong Hoodlum, 5 Star Specials Presents: JC de Vera, Valiente, at Enchanted Garden.

Nong 2013 ay nagdesisyon si JC na lumipat muli ng network nang pumirma siya ng kontrata sa ABS-CBN.

Napabilang siya sa mga programang Toda Max at The Legal Wife.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kasalukuyan ay napapanood siya sa afternoon soap na Moon of Desire. Siya ang leading man ng kasamahan niya noon TV5 na si Meg Imperial at ang dating Kapuso talent na si Ellen Adarna.

Pahayag ni JC sa magandang kaganapan ngayon sa kanyang career, “Sobrang bait po ni Lord sa akin.

“Yun lang po ang masasabi ko, God is great. Siya yung nagbibigay ng lahat ng ito.

“Yun lang naman at puro prayers lang.”

Ano sa palagay ni JC ang ginawa niyang tama at parang napakabait sa kanya ng mga pagkakataon?

“Wala, magpakabait lang siguro. Huwag gumawa ng kasalanan.”



MOON OF DESIRE. Malaking katuwaan daw kay JC ang pagbibigay ng extension ng Moon of Desire. Hindi raw niya ito inaasahan.

Sabi niya, “Nasa book two na kami.

“So far, hindi pa namin alam kung hanggang saan siya.

“Kung mas matagal, mas okey.”

Usap-usapan din ang diumano’y rivalry at kumpetisyon sa pagitan nina Meg at Ellen. Masasabi ba ni JC may tunggalian ngang nagaganap sa kanyang leading ladies?

Sagot niya, “Sa kanila, wala. Meron sila, pero healthy competition.

“Kasi pareho namang magkaiba yung characters nila.

“Nasa kanila na rin naman din kung paano yung portrayals nila.

“And maganda yung balance nilang dalawa.

“Kasi si Meg, mabait. ‘Tapos si Ellen naman, medyo naughty and not nice.

“So, magandang balance yung tandem nila.”

Pagdating naman sa kanyang personal na buhay, tila hindi na nasundan ang pinakahuli niyang girlfriend na si Danita Paner.

Itinatago na ba niya ngayon ang kanyang personal life?

Tanggi ni JC, “Hindi naman.

“Nakatambay ako kay Meg at Ellen. Sila yung nakakausap ko ngayon.

“Kahit katabi kong matulog, sila pa rin. So, sila muna.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN