Enzo Pineda says failed relationship with Louise delos Reyes is now a thing of the past

Enzo Pineda on breakup with Louise delos Reyes and rumors linking his ex-girlfriend to Aljur Abrenica: "Para sa akin, tapos na yun, e. It happened so fast and, for me, parang... things in life really happen na hindi mo talaga ini-expect. Pero I just learn a lot of things from that. And I just have to move on, I don’t have to dwell on it."


Hindi naiwasan ni Enzo Pineda na mausisa ng press tungkol sa malungkot na kinahantungan ng relasyon nila ni Louise delos Reyes sa presscon ng Sundalong Kanin kaninang tanghali, July 22, sa La Fiesta Buffet Restaurant, Mall of Asia (MOA).

Ang Sundalong Kanin ay official entry sa New Breed category ng Cinemalaya Independent Film Festival 2014, na magsisimula sa August 1.

Ito’y sa direksiyon ni Janice O’Hara.

Sa presscon proper ay tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Enzo kung nakatulong ba sa pagdadala ng kanyang character ang pinagdaanan niyang problema sa lovelife habang nagsu-shooting siya ng nasabing indie war film.

Sagot ng Kapuso young actor, “Yung pinagdaanan ko [sa lovelife], makikita sa movie. Kung ano yung character ko.”

Bilang isang kabataang sundalong lumaban sa giyera noong panahon ng Hapon, matinding emosyon ang hinihingi ng papel ni Enzo, at ito ang nais niyang tukuyin.

“I see myself... as an actor. This is one way by which we can grow as an actor.

"Yung pagsali ko sa Cinemalaya, sa indie, that’s why I’m here, para ma-improve ko ang sarili ko as an actor.”



CLOSURE. Matapos ang presscon proper ay nagpaunlak pa rin ng interview si Enzo sa PEP, para sa mas detalyadong impormasyon hinggil sa estado ng kanyang personal life.

Aminado naman si Enzo na yung pinagdaanan niya ng mga panahong iyon—buwan ng Abril at Mayo—ang panahon ng kaabalahan niya sa pagsu-shooting ng Sundalong Kanin.

“Yeah, I think, at that time, I was having problems, and... ayun lang.

“I’m just happy na... tagal na yun, e. Nakapag-move on na ako, yeah!”

Pero sa isang interview, sinabi ni Louise na she felt sorry dahil hindi nito naibigay kay Enzo ang nararapat na closure sa kanilang breakup.

Read: Louise delos Reyes claims she tried reaching out to Kylie Padilla and ex-boyfriend Enzo Pineda

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

O nagkaroon na nga ba sila ng closure ni Lousie?

Nakangiting sabi ni Enzo, “I think, for me, everything is okay na.

“Naka-move on na ako, so there’s no need for questions like that na rin also.”



LOUISE AND ALJUR. Ang nababanggit na "third party" sa breakup nina Enzo at Louise ay ang kapwa nila Kapuso talent na si Aljur Abrenica.

At this point, may mensahe ba si Enzo para kay Aljur; o kina Aljur at Louise?

"Wala akong message sa kanila," sabi niya.

Okay lang ba na makita niya si Aljur, o sina Louise at Aljur na magkasama?

"Well, lagi ko naman silang nakikita sa work, e," sagot ni Enzo.

Magkakasama ang tatlo sa Sunday All Stars ng GMA, kung saan nakikita raw niya, though not necessarily magkasama, sina Aljur at ang kanyang ex-girlfriend.

"It’s actually... let’s just say na I go there because of work and not for something personal," sabi pa niya.

Kung makaiiwas ba sa dalawa ay gagawin din niya?

Nangiti uli si Enzo, sabay birong, "Oy, advice mo ‘yan, ha!"



PAST IS PAST. Maging ang tungkol sa mga pangyayari na naging dahilan ng breakup nila ni Louise ay hindi na gustong pag-usapan, in detail, ni Enzo.

Matatandaang nagsimulang tila magulo ang Enzo-Louise relationship nang magkasama sa natapos nang seryeng Kambal Sirena sina Louise at Aljur.

Incidentally, ang relasyon din ni Aljur sa isa pang Kapuso young actress na si Kylie Padilla ay tuluyan na ring nagwakas, sa gitna ng masalimuot na usap-usapan tungkol kina Louise at Aljur.

Sabi uli ni Enzo, "Para sa akin, tapos na yun, e.

"It happened so fast and, for me, parang... things in life really happen na hindi mo talaga ini-expect.

"Pero I just learn a lot of things from that.

"And I just have to move on, I don’t have to dwell on it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa totoo lang, happy na po ako, e.

"So, parang, yes, it’s really something in the past for me na."



HAPPY MEMORIES. Sa sinabi, walang anumang pasubali ng kimkim na galit si Enzo kay Louise o kay Aljur.

"Para sa akin, wala na ‘yon," pag-ulit niya.

"Things happen and everything.

"I’m just more worried about myself and yung career ko, and everything.

"Kasi, hindi mo na kailangang balikan yung mga bagay na ganun, kasi wala na, e.

"It’s really not good to dwell in the past.

"Kasi, paano ka maggu-grow as a person?

“So, you just have to realize the things that you’ve learned.

"And, for me, eversince naman, wala naman akong pinagsisihan, lalo na sa relationship ko with Louise.

"And we had a lot of memories, happy times...

"I guess, this is one of the moments in our lives na kailangang iba yung paths namin."



MOVING ON. Ano pa ang mga bagong kaabalahan ni Enzo bukod sa pagpu-promote ng Sundalong Kanin?

Sabi niya, "Right now, isa ito sa mga bago kong pinagkakaabalahan.

"I do have a lot of things going on.

"We have a Bench Fashion Show this September.

"Ito yung every other year fashion show na inaabangan."

Magtotodo pa-sexy na rin ba si Enzo sa bagong Bench underwear fashion show?

"Macho na lang. Macho!" tawa niya.

"I’m part of Bench Body, e, so I just have to surprise everybody.

"Secret na lang.”

Dagdag niya, "I’m into marathon, running.

"Wala lang. I’m just really happy... really great going on right now!

“Am looking forward to a lot of things.”



FALLING IN LOVE AGAIN. Hirit pa ng PEP sa huling bahagi ng interview: Handa na ba muling umibig si Enzo?

"Umibig? Siguro, ganito na lang… let’s just say na nasa dating stage ako right now, pero... hindi exclusive.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, nobody exclusive [date] yet!" bulalas niya.

At 23, Enzo admitted he’s had many other girlfriends, aside from Louise.

"She was my first girlfriend from showbiz."

Tinapos ni Enzo ang interview on a lighter, happy note, as he realizes bata pa rin siya at marami pang pagkakataon para maging masaya ang lovelife.

"Bata pa... marami pang [maliligawan]…

"Sino ba puwede? Joke lang!" sabi niyang nangingiti.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN