Kapuso teen star Bianca Umali not in rush to have a boyfriend

Bianca Umali on the last time she cried because of her dead parents: “I don’t remember when, but there are times po na I long for them so much na naiiyak na po akong mag-isa. Hindi ko lang po maalala when was the last time. I think, I didn’t stop po. There are times na naiisip ko pa rin sila, but not all the time.”


Hindi raw nahihirapang mag-adjust ang Kapuso teen star na si Bianca Umali sa magkaiba at malayung-malayong karakter na ginagampanan ng ka-loveteam niyang si Miguel Tanfelix sa dalawang programa nila ngayon sa GMA Network.

Sa sitcom kasing Ismol Family ay gumaganap na normal na teenager si Miguel, ngunit sa primetime series na Niño ay ginagampanan ng SarStruck Kids runner-up ang papel ng isang mentally-challenged kid.

Sabi ni Bianca, “Wala po talagang adjustment, parang pareho lang din po.

“Ang ano lang po, yung character, depende rin po sa script, pero hindi naman po mahirap.”

Hindi rin daw sila nahirapang mag-adjust sa isa’t isa.

Ayon kay Bianca, “Very comfortable na po with each other and, actually, trusted na alam namin ang isa’t isa. Very good co-worker po.”

Unang nagkasama sina Bianca at Miguel sa primetime series na Paroa noong 2012.



FOLLOWERS. Nangiti naman si Bianca nang sabihing dumarami na ang followers at kinikilig sa tambalan nila ni Miguel.

“Ang ganda nga po ng feedback ng fans via social network po sa team-up namin ni Miguel, and ang sarap pong tingnan.

“It pushes us to work harder and to work harder as a team,” sabi niya.

May bashers na rin ba siya na gusto si Miguel, pero ayaw sa kanya?

Sagot ni Bianca, “Hindi ko po sure, kasi lately po hindi rin po ako masyadong active sa social networking sites.

“Kasi, yun nga po, medyo concentrated din po sa work at may school pa po.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bianca sa taping ng Niño sa Pagsanjan, Laguna, noong July 18.



STILL YOUNG. Sa isang eksena nila sa Nino, marami ang kinilig nang parang mag-propose sa kanya si Miguel (as Niño) na “forever” o pang-habambuhay na sila.

Paano kung sa totoong buhay ay sabihin din sa kanya yun ni Miguel?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi pa po, hindi pa po puwede, mga bata pa po!” natawang sagot ni Bianca.

Kailan siya magbu-boyfriend?

Sabi ng 14-year-old actress, “Ay, hindi pa po, matagal pa po!

“Bawal pa po, hindi pa puwede, sabi ng lola ko.

“At saka, alam ko naman po na it can wait.

“At saka, marami pa po akong magagawa sa age ko.

“Hindi pa po talaga ako nag-e-entertain [ng suitors].”



SELF-SUPPORTING. Marami pa rin ang nagugulat kapag nalalaman nilang ulila na sa magulang si Bianca.

Limang taon pa lang si Bianca nang mamatay ang mommy niya noong 2005 dahil sa breast cancer. Pagkalipas ng limang taon, ang daddy naman niya ang pumanaw dahil sa cardiac arrest.

Paano siya nagku-cope sa kabila ng wala na siyang mga magulang?

Sabi ni Bianca, “Actually, hard po, knowing that your parents are not alive as compared to the others na kasama mo.

“But the people around me naman po help me to move on po, actually.”

Nakakaramdam ba siya ng lungkot kapag nakakakita siya ng ibang kabataan na kasama ang kanilang mga magulang?

Pag-amin ni Bianca, “Meron din po. Hindi na po maiaalis sa akin.

“Pero, iniisip ko na lang na there’s a reason kaya ako nawalan agad ng parents.

“At saka, siguro gusto ni Lord na maging independent ako.”

Kailan siya huling umiyak dahil sa pagiging ulila niya?

“I don’t remember when, but there are times po na I long for them so much na naiiyak na po akong mag-isa.

“Hindi ko lang po maalala when was the last time. I think, I didn’t stop po.

“There are times na naiisip ko pa rin sila, but not all the time.”

Ano ang mga sitwasyon na naiisip niya na sana ay kapiling pa niya ang kanyang mga magulang?

Sagot ni Bianca, “Before sleeping and when I wake up.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun po siguro yung nasanay ako before na sila ang katabi ko bago matulog.

“Pagkagising ko ng umaga, sila ang una kong nakikita.”



HOME-SCHOLED. Grade 8 na ngayon si Bianca pero nasa home-study program daw siya simula pa noong Grade 6.

Mas kumportable daw kasi sa kanya ito ngayong abala na siya sa pag-aartista.

Saad niya, “Mas convenient po sa time, although hindi lang po siya ganoon kasaya katulad ng regular schooling.

“Wala po akong classmates. Hiwalay po ako sa kanila kasi one-on-one po ako with the teachers.”

Gusto niya bang may kaklase rin siya?

“Opo, nakaka-miss din po kasi yung bonding time with classmates and schoolmates.”

Marami pa raw siyang gustong gawin sa buhay niya bukod sa pag-aartista.

Sabi ni Bianca, “Gusto ko pa pong i-pursue ang talent ko sa arts po. Gusto ko pong mag-Fine Arts at saka photography po.”

Sa showbiz career naman niya, ano pa ang gusto niyang magawa o pangarap niyang gawin?

“Sa career ko po, dream ko po na magkaroon ng luka-lukang role. Gusto ko pong ma-try.

“Pero, willing naman po ako sa kahit na ano.”

Yung mga pa-tweetums na karakter, nag-e-enjoy ba siya?

Sagot niya, “Opo naman.

“At saka, yun nga po, yung mga roles na nakukuha ko naman po, eksakto naman po sa age ko. So, okey naman po.”

Sino sa female teen stars ng Kapuso network ang gusto niyang tularan o sundan ang yapak?

“Wala po,” sagot ni Bianca.

Paliwanag niya, “For me po siguro, gusto ko pong magkaroon ng sariling peg o sariling name, not following anyone’s steps.”

Makakaya kaya niyang higitan kung anuman ang na-achieve ng mga ito?

Ani Bianca, “Hindi ko po alam kung kaya ko po. Basta po, I’ll do my best to show the people na kaya ko po ang ibinibigay nila sa aking work.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN