Miguel Tanfelix admits feeling the pressure of going up against Piolo Pascual in primetime

Migue Tanfelix on being groomed as the next Kapuso matinee idol: “Siguro naman po, lahat naman po yun ay pangarap na maging matinee idol sa GMA. Ako naman po, sana naman po mabigyan ng pagkakataon. Kasi po, ‘di ba po, ang sarap na ang pangarap mo, nabigyan ka po ng chance.”


Hindi maipagkakailang malaki ang nagawa sa career ng Kapuso teen star na si Miguel Tanfelix ang pagganap niya sa lead role ng GMA primetime series na Niño.

Bukod sa pagiging matagumpay nito sa ratings ay marami rin ang pumupuri sa kanyang pagganap bilang isang mentally-challenged teenager.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Miguel sa taping ng Niño noong July 18, sa Pagsanjan, Laguna, tinanong namin siya kung pakiramdam ba niya ay sikat na siya ngayon.

Tugon niya, “Para sa akin, hindi ko po iniisip na sikat ako, basta ginagawa ko lang po kung ano ang ipinapagawa sa akin.

“Kasi po, hindi natin alam at baka biglang lumaki ulo natin.

“Para sa akin, hindi ko po iniisip yun.”

Hindi pa nga ba lumalaki ang ulo niya?

“Ay, hindi po, hindi po,” mariin niyang tanggi.

“At saka, sabi rin po ni Direk Maryo [J. de los Reyes, Niño director], huwag rin pong lalaki ang ulo ko.”

Wala pa namang nagsasabi sa kanyang nagbago na siya?

“Ay, wala naman po, at saka hindi ko rin po sila hahayaang masabi nila sa akin yun.”

Kung noon ay “Pagaspas” ang tawag sa kanya kapag nasa labas, ngayon daw ay “Niño” na.

Pagaspas ang pangalan ng karakter na ginampanan ni Miguel, noong bata pa siya, sa fantaseryeng Mulawin (2004).

Katatapos pa lang noon ng StarStruck Kids kung saan naging runner-up siya.



RATINGS GAME. Malaki rin ang pasasalamat ni Miguel dahil may pagkakataong nagna-number one sa ratings ang Nino.

Saad niya, “Kami po, sa set po, parang mas lalo po kaming naging pursigido na pagbutihin ang trabaho namin.

“Kasi, marami na po ang nanonood sa amin kaya gusto po naming mas magustuhan pa nila ang Niño.

“Mas ma-inspire pa po sila kasi gusto po namin na may natutunan sila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May bagong katapat ang programa nila, ang Hawak Kamay ng ABS-CBN na pinagbibidahan ni Piolo Pascual at ilan sa top child stars ng Kapamilya network

Mas malaki ba ang pressure ngayon sa kanya?

Sabi ni Miguel, “Siyempre po, hindi po mawawala diyan yung pressure na si Piolo Pascual po.

“Kahit naman po si Anne Curtis, yung Dyesebel po ang katapat, may pressure po talaga.

“Kahit sino naman po, siyempre dapat po, galingan pa, pagbutihan pa po yung pagganap kay Niño.”

Pero kung sabihin, nauna na siyang nakapuwesto pagdating sa interes ng manonood dahil ilang linggo nang umeere ang kanilang programa.

Pahayag ni Miguel tungkol dito, “Sa akin po kasi, ayokong pangunahan. Siyempre po, hindi pa po natin alam ang itatakbo ng show.”

THE NEXT BIG THING? Ano ang insecurities niya?

Sagot niya, “Siguro po ako, kailangan ko pang i-improve ang lahat—pag-arte, pagsayaw, pagkanta.

“Kasi, dapat naman po continue ka lang po talagang mag-improve.”

Hindi ba siya nakakaramdam na kinainggitan na siya ng ibang teen stars ng Kapuso network?

“Wala pa naman po, hindi naman po,” sabi niya.

Nakikita na ba niya ang sarili bilang next matinee idol o "the next big thing" ng GMA?

Sabi ng 15-year-old actor, “Siguro naman po, lahat naman po yun ay pangarap na maging matinee idol sa GMA.

“Ako naman po, sana naman po mabigyan ng pagkakataon.

“Kasi po, ‘di ba po, ang sarap na ang pangarap mo, nabigyan ka po ng chance.”

Kuntento ba siya kapag napapanood niya ang sarili na umaarte sa teleserye nila?

“Napapanood ko po sa YouTube kasi madalas po may taping.

“Pero ako po, kapag napapanood ko po, natutuwa po ako na ginagampanan ko po yung isa sa mga roles na pangarap ko po.

“Yung role rin na pangarap ng iba, ginagampanan ko po.

“Very blessed po ako na ibinigay po sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero para sa akin, ayoko muna pong mag-dwell sa ganoong attitude na kuntento po.

“Kung mai-improve ko pa po, mas maganda pa po na ma-improve ko ang pagganap ko kay Niño.”



WHAT’S NEXT? Sino ang gusto niyang makasama sa isang proyekto na sa tingin niya ay mas matsa-challenge pa siya?

“Siguro po, yung mga big stars natin, like sina Ms. Jean Garcia po, Ms. Lorna Tolentino, at Ms. Maricel Soriano po.”

Pagkatapos ng Niño, anong klaseng proyekto ang gusto niyang gawin?

“Siguro po, kasi hindi ko pa po nata-try ang mag-loveteam.

“So, why not muna po yung magpakilig sa mga tao, katulad po ng Barbie [Forteza] at Derrick [Monasterio] po at Bea [Binene] and Jake [Vargas] po.”

Sino naman ang gusto niyang ka-loveteam?

“Yung loveteam ko po, si Bianca Umali po,” sagot niya.

Ayaw ba niyang humanap ng ibang ka-loveteam?

“Sa akin naman po, kahit sino naman po ang ibigay.

“Kung ibigay man po sa akin si Bianca, si Bea or si Barbie po.

“Pero sa akin po, okey naman po sa akin si Bianca.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN