Derek Ramsay culture-shocked by "wild" women in a club: "I felt actually kinda disrespected the way I was treated."

Wala raw kaso kay Derek Ramsay ang pagkakaroon na ng anak ng isang babaeng mamahalin niya. Saad niya, “No, it doesn’t matter for me. Ang importante for me is the intangible thing that brings people together. You know, you don’t know what it is… That’s the great thing about love—you don’t know what it is. She can be the complete opposite, but you’re attracted to her.”


Kadalasan ng mga role na ibinibigay kay Derek Ramsay sa pelikula ay pinag-aagawan siya ng dalawang babae, gaya sa No Other Woman (2011) at A Secret Affair (2012).

Ngunit sa bago niyang pelikulang The Trophy Wife ay naka-focus daw ang istorya sa “obsession and revenge.”

Sabi ni Derek, “Yung obsession dito is not about the guy. It’s her obsession of getting revenge.

“May nangyari, e. Kaya ang dami ngang twists.

“When you see the trailer, every one’s reacting—that’s the reaction that we wanted to get.”

Masarap ba sa pakiramdam na kapag karakter ng isang lalaking pinagnanasaan at pinag-aagawan ang kailangan sa isang pelikula ay siya madalas ang napipili?

Saad ng hunky actor, “Mahirap na… I don’t want to be tagged as the guy na always, yun nga, pinag-aagawan ng dalawang babae.

“I’ve never done actually a movie na it’s just me and another girl.

“Even noong One More Chance [2006], ako ang other guy.

“That’s why this project, I really, really like because it’s not really like that, e.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Derek sa grand presscon ng The Trophy Wife kagabi, July 22, sa The Library, Metrowalk.



OBJECT OF DESIRE. Natawa naman si Derek nang tanungin ng PEP kung sa totoong buhay ay marami ring obsessed na babae sa kanya.

“Nakakatakot yung word na obsessed,” sabi niya.

Ano ang ginagawa niya kapag may mga babaeng halos “nababaliw” sa kanya?

“You just smile and walk away.”

Wala pa yung natukso siya?

“No,” mabilis niyang sagot.

Patuloy ni Derek, “You have to think on the decision you make in your life.

“The mistakes you made in the past, you learned from it and, no, I use this head more than the other one.”

Hindi siya natsa-challenge sa mga ganitong klase ng babae na nagpapakita ng matinding interes sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ni Derek, “I give you an example… I went out the other night.

“I don’t go out anymore, but I went out to a club, and it’s a culture shock for me!

“Talagang I haven’t been out ages and... they [women] are all wild!

“I felt actually kinda disrespected the way I was treated.

“Hawak-hawak, they grinded me... and then I left.”



KRIS AQUINO. Sa isang banda, wala raw siyang ideya kung bakit nasabi ni Kris Aquino sa isang interview na dahil kay Derek ay napagtanto nitong tigilan nang mag-ilusyon pagdating sa lalaki o pagkakaroon ng relasyon.

Read: Kris Aquino takes a break from love: "Hayaan mo na lang muna. Parang hindi talaga doon ang suwerte."

Reaksiyon dito ni Derek, “Gusto ko ngang itanong sa inyo ‘yan, kasi sa inyo ko lang din nalaman ‘yan.”

Ano ba ang sinabi niya para masabi ito ni Kris?

“You know, we talk every other day. She’s a very busy woman…

“But when it comes to her lovelife, I’ve given her some advice na, ‘Take your time…’

“Kasi, when Kris falls in love, she falls in love, so I said, ‘Take your time.’”

Anong mayroon sa pagkakaibigan nila na parang nagising sa katotohanan si Kris?

“Parang sa akin naman nanggaling!” natawa niyang sabi.

“Siguro, she just decided to spend more time with her family, focus more with her career.

“I don’t know... I haven’t spoken to Kris about it.

“Kaya nga na-shock nga ako what you are asking me now.

“I’ll talk to her later.”



NOT A CHANCE. Nilinaw rin ni Derek na hindi talaga maaaring maging sila ni Kris katulad ng iniisip o inaakala ng iba.

“Katulad nga ng sinasabi ko, hindi talaga puwedeng maging kami, kasi kaibigan ko siya.”

Hindi ba’t marami namang pagkakaibigan na nauuwi sa relasyon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Derek, “Yun nga ang nangyari, pero ako, masyado akong nagbibigay ng respeto sa friendship namin.

“Yes, friendship is a good foundation for a relationship, but hindi kami nagkita g ganun.”

Hindi ba dahil may dalawa nang anak si Kris?

Mabilis niyang pagtanggi, “That’s not… no, why would that be an issue?

“She has wonderful kids. No, that’s not an issue.”

Wala bang kaso sa kanya kung dalaga o may anak na ang babaeng magugustuhan niya?

Sagot ni Derek, “No, it doesn’t matter for me.

“Ang importante for me is the intangible thing that brings people together.

“You know, you don’t know what it is… That’s the great thing about love—you don’t know what it is.

“She can be the complete opposite, but you’re attracted to her.”

Pero dahil sa closeness nila ni Kris ngayon, posibleng maging hadlang ito kung sakaling may matipuhan siyang ibang babae at ispin nitong may relasyon talaga sila.

Sabi naman ni Derek, “Hindi ko iniisip ‘yan.

“Kung may tamang babae na darating, darating ‘yan.

“With the amount of respect she [Kris] gives me and how nice she is with my family, I can’t feel uncomfortable around her.”

Paano naman siya magkakaroon ng girlfriend kung si Kris ang palaging kasama niya?

Paglilinaw ni Derek, “We hardly see each other, it’s like so spaced out, but we’re in constant communication…”

Hindi ba’t magkasama lang sila last week nang um-attend sila ng birthday party ng isang mayor?

“And I haven’t seen her since last week,” nakangiting sabi naman ng aktor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN