Raymart Santiago posts intriguing quotes on Instagram; says, "Wala akong pinapatamaan, assuming ka lang talaga."

Hindi man tinukoy ni Raymart Santiago kung sino ang pinatatamaan niya sa kanyang Instagram posts nitong nagdaang dalawang araw, ang followers ng aktor ay nagsasabing posibleng patungkol ito sa estranged wife niyang si Claudine Barretto.


Muli na namang umiinit ang alitan sa pagitan ng estranged couple na sina Claudine Barretto at Raymart Santiago dahil sa paglalabas nila ng mga larawan kaugnay ng alegasyon ng aktres na isa siyang "battered wife."

Noong nakaraang linggo ay nagpa-pictorial si Claudine upang ipakita ang kanyang kanang hita na tadtad ng sugat, peklat, at paso ng sigarilyo.

Bagamat hindi pinangalanan ng aktres kung sino ang may kagagawan nito, ginamit niya ang terminong "battered wife" upang ilarawan ang kanyang sitwasyon.

Dagdag pa rito ang tweets ng kanyang legal counsel na si Atty. Ferdinand Topacio, kung saan ipinaliwanag nito kung paano raw tinakpan ni Claudine ang mga peklat at pasa niya sa pamamagitan ng make-up at concealer.

Ginamit ng abugado ang larawan ni Claudine na may pasa sa mukha, at natakpan ng malaking makeup.

Read: Claudine Barretto shows deep wounds, scars in photo shoot; ready to resume court battle against Raymart Santiago

Pero mariing kinontra ng kampo ni Raymart ang mga alegasyong ito ni Claudine at ng kanyang abugado.

Naglabas din sila ng mga larawan na nagpapatunay na ang mga sugat ni Claudine ay hindi dahil sa pambubugbog, kundi dahil sa surgical procedure na isinagawa sa aktres noong 2010.

Read: Raymart Santiago camp slams Claudine Barretto camp for "battered wife" allegation; shows Claudine’s "post-surgical procedure" photos

NOT STUPID TO TRUST AGAIN. Kahapon, July 22, dalawang magkasunod na posts sa Instagram ang ibinahagi ni Raymart sa kanyang followers.

Una na rito ang isang quotation na: “I am a good enough person to FORGIVE you. But not stupid enough to TRUST you again!”

Ang tanging caption ng aktor dito ay: “Mismo.”

Kasunod nito ang isa pang post ng actor na nagsasabing: “WALA AKONG PINAPATAMAAN, ASSUMING KA LANG TALAGA.”

Walang nakasulat na caption dito.

Ngayong araw, July 23, nag-post muli si Raymart ng isang quotation: “You can’t fix yourself by breaking someone else.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Good morning" naman ang inilagay niyang caption dito.

Samantala, noong Linggo, July 20, ay nagdiwang ng kani-kanilang kaarawan ang estranged couple.

Si Raymart ay nag-celebrate ng kanyang ika-41 na kaarawan, samantalang si Claudine naman ay ng kanyang ika-35 birthday.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN