Iwa Moto takes necessary steps to secure future of daughter Mimi

Kasalukuyang nasa Japan si Iwa Moto upang asikasuhin ang mga papeles na kailangan para sa citizenship ng anak niyang si Mimi. Pagod man ay balewala raw ito kay Iwa. Aniya, “Para rin naman kasi kay Mimi itong ginagawa ko. Lagi ko na lang iniisip ang future niya. Mabuti naman at may ganitong opportunity, kaya worth it naman lahat ng pagod ko rito."


Pagkatapos ng grand finals ng Celebrity Dance Battle ng TV5 ay lumipad papuntang Japan si Iwa Moto para asikasuhin ang citizenship ng anak nila ni Pampi Lacson na si Hiromi Aiko Eve o Mimi.

May dugong Japanese si Iwa dahil ang kanyang yumaong ama ay Hapon.

Gusto kasi ni Iwa na i-take advantage ang privilege na ito ng anak nila ni Pampi para na rin sa kinabukasan nito.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Iwa, via direct massaging sa Facebook, ikinuwento nito ang mga ginagawa niya ngayon sa Japan habang hinihintay ang kanyang long-term visa na lumabas para makauwi na siya agad sa Pilipinas.

Lahad niya, “Two weeks na ako nandito. I’m living with my sister Miki.

“Puro pag-asikaso ng papers ang ginawa ko rito.

“Para rin naman kasi kay Mimi itong ginagawa ko. Lagi ko na lang iniisip ang future niya.

“Mabuti naman at may ganitong opportunity, kaya worth it naman lahat ng pagod ko rito.

“Kailangan ko rin na mag-study ng Nihongo [Japanese language]. Requirement kasi iyon.

“Sa ngayon, I am just waiting for my long-term visa na lumabas, ‘tapos uwi na ako kaagad kasi sobra ko nang nami-miss ang baby ko.”

AWAY FROM HER DAUGHTER. First time daw na mawalay ni Iwa nang ganito katagal sa kanyang anak. Kaya para raw siyang mababaliw sa kakaisip kung ano na ang nangyayari kay Mimi.

Saad niya, “Naku, it feels like hell!

“Iba talaga ang feeling na mahiwalay ka sa mga mahal mo sa buhay, lalo kay Mimi.

“Mabuti na lang at panay ang video call ko sa kanila. Nakakausap ko si Mimi.

“I do it as much as I can kasi sobra ko siyang nami-miss.

“Ito ang longest na nahiwalay ako sa kanya.

“Lahat kasi ng mga ginagawa niya ay alam ko. Ayokong may ma-miss out ako sa buhay nila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy ni Iwa, “At siyempre, miss ko na rin si Pampi.

“Mapagkakatiwalaan ko naman siya sa pag-alaga sa baby namin.

“Pinamamadali na nga niya akong umuwi. Sabi ko ay konting tiis pa kasi importante ang mga papers na inaayos ko.

“Kapag okey na lahat, fly ako agad pauwi dahil miss ko na ang mag-ama ko.”

SUPPORTIVE PARTNER. Very supportive naman daw si Pampi sa naging desisyon ni Iwa na ikuha ng citizenship ang anak nila sa Japan.

Aniya, “Wala namang naging problema kay Pampi.

“Alam din niya na sayang ang opportunity kung hindi namin ito itutuloy.

“Maraming magiging benefits si Mimi dito sa Japan kapag ready na siyang mag-aral.

“Full support naman si Pampi all the way, basta sa magandang future ng anak namin.”

Kung kinakailangang tumira si Iwa sa Japan para masamahan ang kanyang anak balang-araw ay wala raw magiging problema sa kanya.

Papayag din kaya si Pampi na tumira sa Japan para samahan silang mag-ina?

Sagot ni Iwa, “Mukhang malabo iyon, e.

“Hindi ko alam kasi matagal pa naman iyon mangyayari.

“Pero dahil nandiyan na ang buhay nila ni Thirdy, siyempre mas dapat nasa Pilipinas lang sila.”

Si Thirdy ang anak ni Pampi sa dati nitong asawa na si Jodi Sta. Maria.

Ayon pa kay Iwa, “Like what I said, matagal pa naman iyon.

“Magwa-one year old pa lang si Mimi sa September 23. Iyon muna ang paghandaan namin.”

Wala pa naman daw naghihintay na trabaho para kay Iwa kapag nakauwi na siya from Japan. Mas gusto raw niyang makipag-bonding agad sa kanyang pamilya.

Sabi ni Iwa, “Okey lang na wala munang work.

“Important sa akin ang makipag-bonding ako with my family, lalo na kay Mimi.

“Ang hirap talaga para sa isang ina to be separated sa baby niya.

“Kaya si Mimi agad ang asikasuhin ko kapag nakauwi na ako ng Pilipinas.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN