Cristine Reyes ready to say goodbye to sexy image and have a baby

Cristine Reyes says she’s ready to leave showbiz for a while if she has her own family. She explains, "Self-made naman na ako, e. If ever man na hindi ako magtrabaho for a while, mayroon naman akong konting ipon naman."


Handang-handa na raw iwan ni Cristine Reyes ang image niya bilang isang sexy actress.

Sa ginanap na press conference para sa pelikulang Trophy Wife kagabi, July 23, muling napag-usapan ang pahayag ni Cristine na nais niyang mag-iba ng image sa show business.

Paliwanag ng 24-year-old actress, “Parang for me, it’s time to move to the new chapter of my life and career.

“Nag-FHM ako, 18 years ako, and magtu-25 na ako ngayon... parang eight years ko na itong ginagawa.

“Parang ano lang, yung iba nabu-bore lang sa office, gusto nila ng ibang trabaho o nagre-retire.”

Sa nakalipas na mga taon, hindi nawawalan ng sexy projects si Cristine—mapa-pelikula man o telebisyon.

Kabilang na rito ang mga pelikulang No Other Woman (2012) at When the Love is Gone (2013).

Subalit katulad ng ibang artista, alam daw ni Cristine na hindi panghabambuhay ang pagiging sexy actress niya, kung saan itinuturing siya ng ilan bilang reyna sa ngayon.

Sabi niya, “Well, hindi naman forever akong magiging reyna.

“Kung may ibang gusto na mapunta sa ganitong posisyon, okay lang.

“Hindi naman forever itong show business.”

Bagamat desidido na ang nakababatang kapatid ni Ara Mina na mag-iba ng imahe sa showbiz, ipinakiusap naman niya na, “Huwag muna natin masyadong gawing big deal.”

READY TO HAVE A FAMILY. Parte kaya ng pag-iiba ng imahe niya ang intensiyon ni Cristine na magkaroon na ng sariling anak at pamilya?

Sa panayam kay Cristine matapos ang press conference, inamin niyang naiinggit siya sa mga ka-batch niya sa StarStruck na may mga anak at pamilya na.

Sabi pa niya, “Naiinggit na rin ako. Very vocal naman ako sa kanila, e.

“Meron kaming group sa Viber, sinasabi ko talaga sa kanila, ‘Naiinggit na ako! Huwag kayong mag-send ng pictures ng mga baby niyo dito!’”

Nang tanungin kung handa na siyang maging ina, sagot ni Cristine, “Mahilig naman ako sa bata talaga, e. Mga pamangkin ko, lahat sila suwerte naman sa akin, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung sakali, sabi ni Cristine, handa siyang iwan muna ang showbiz para pagtuunan ng pansin ang pamilya.

“If ever dumating sa point na ‘yon, kailangan kong tutukan ang family. After a while, puwede kang bumalik.”

Dagdag pa niya, handa na rin siya financially.

“Self-made naman na ako, e. If ever man na hindi ako magtrabaho for a while, mayroon naman akong konting ipon naman.”

Ano ang mauuna—ang magka-baby o magpakasal.

Sagot ni Cristine, “Ako, hindi naman na importante, ‘yon, e.

“Ang importante, nagmamahalan kayo, nandiyan forever ang family.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN