Tim Yap says he is not the pakialamero-usisero-tsismoso-type of a friend

Tim Yap downplays the much-publicized quarrel between Gutierrez matriarch Annabelle Rama and the mother of Sarah Lahbati. He says, "It’s a small family problem lang naman na so easy to resolve, ’di ba? Meeting-meeting lang ’yan within themselves."


Bilang kaibigan ng pamilya Gutierrez, ayaw raw makisawsaw ng TV host-eventologist na si Tim Yap sa naganap na alitan sa pagitan ni Annabelle Rama at Esther Lahbati noong nakaraang buwan.

Si Esther ang ina ni Sarah Lahbati, na girlfriend naman ng anak ni Annabelle na si Richard Gutierrez.

Matatandaan na naglabas ng sama ng loob ang ina ni Sarah sa diumano’y unfair treatment sa kanya sa baptismal at birthday party ng anak nina Richard at Sarah na si Zion noong June 16.

Read: Sarah Lahbati’s mom cries foul over unfair treatment at Baby Zion’s party

Kinontra naman ito ni Annabelle at hinimok na lang ang ina ni Sarah na aalagaan na lang nila ng maayos ang kanilang apo.

Read: Annabelle Rama tells Esther Lahbati to shut up

Sa ngayon ay tahimik na ang magkabilang kampo, at ganun din daw ang gustong gawin ni Tim.

Sabi niya, "Hindi ko... hindi naman kasi ako yung pakialamerong kaibigan, hindi ako yung ususerong kaibigan.

"I wait for them to tell me... I’m not tsismoso.

"Lahat ng tao na yung pinagdadaanan nila, ’di ko masabi kung... I’m not here to say anything.

"I give them the right and full respect of a comfortable distance.

"They know if they need me, I’m here for anything."

Dugtong pa niya, "Yung tungkol sa mom ni Ruffa at ni Sarah, ’di ko talaga alam.

"Alam ko, sa mga kaibigan ko talaga, if they’re going through the worst crisis, I always send them a message na I’m here for them.

"But I never make pakialam until they ask for my help.

"And, I’m sure by now, okay na silang lahat.

"It’s a small family problem lang naman na, so easy to resolve, ’di ba?

"Meeting-meeting lang ’yan within themselves, ayos na ’yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yeah, I think kalmado na lahat. So be it."

Nakausap ng PEP si Tim sa pictorial ng ini-endorse niyang Novuhair, Nature’s Answer To Hairloss, sa Makati City.

SURPRISE PARTY. Pagdating sa pamilya Gutierrez, time-tested na raw ang kanilang friendship, lalo na kay Ruffa na matagal nang kaibigan ni Tim.

Sa katunayan, sa bisperas ng 40th birthday ni Ruffa noong June 24, isang "salubong" surprise party ang inihanda ni Tim sa isang hotel para sa kaibigan.

Natatawang kuwento niya, "Yung party na in-organize ko for Ruffa, first time yun na wala siyang hand sa planning.

"Ilang days na ’ata siyang nag-celebrate ng kanyang incoming birthday kaya yung mga in-invite ko doon, parang meron na ring attendance fatigue, alam mo yun?

"Talagang pinilit ko silang pumunta, kasi if you want to have a surprise party, gusto mo na lahat ng loved ones nandun, ’di ba?

"Ang ginawa ko, I set up a party na parang I’m setting up an endorsement for her.

"Kasi, alam mo naman si Ruffa, she’s a control freak sa sarili niya, lahat ay naplano na niya sa buhay niya. Lahat sa kanya ay planado.

"So, nung dumating siya sa venue, na-shock talaga siya!

"Basta I told our friends na everyone should come as a version ni Ruffa.

"May beauty queen na Ruffa, merong parang magwu-workout na Ruffa, student Ruffa... kanya-kanyang version of Ruffa.

"Tuwang-tuwa talaga siya at naluha pa nga siya sa message ng kanyang Daddy Eddie [Gutierrez] at ni Tita Annabelle, ’di ba?

"Marami ang nagsabi na yun nga raw ang party na sobrang in-enjoy ni Ruffa kasi yun daw ang pinaka-sincere sa lahat."

Ano naman ang naging birthday wish niya para sa kaibigan?

Sabi ni Tim, "Last year, sinabi niya na ’this is gonna be a year for love,’ and it came true.

"This year, I told her before she blew her cake, na kung ano man ang wish niya for herself, keep it to herself, and she did naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako, my wish is... she has everything naman.

"I want her to gain all that and even more, a different level of stability, a higher level of love and have more and more.

"Yun lang talaga siguro."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN