Newbie singer-actor Ken Alfonso admits huge crush on Sam Pinto

Ken Alfonso on handling the competition in showbiz: "Competition naman is always there kahit saan naman po tayo pumunta. So, ngayon naman po, parang in a way… iti-train ko lang din po yung sarili ko. And, hopefully, magkaroon tayo ng magandang penetration sa show business."


Isang bagong singer-actor ang bini-buildup ngayon ng GMA Network si Ken Alfonso.

Ini-launch sa Sunday All Stars noong Linggo, July 20, ang kanyang first single na "Umaasa," released by GMA Records at theme song ng bagong Koreanovela na The Secret Love.

Kuwento ni Ken sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Last week, pumirma po ako ng contract sa GMA.

“One year lang pa yung kontrata ko. Titingnan po natin yung opportunities just in case na maging maganda po.

“Before, focused lang po ako sa mga TV commercials.

"And then, right now, aside from my first single, kasama rin po ako sa cast ng Dading. I’m playing the role as best friend of Benjamin Alves.

“And okey naman po kahit first teleserye ko pa lang ito.

“Sobrang masaya po ako kasi warm po yung pag-welcome ng lahat, especially yung mga co-actors ko sa Dading at saka yung production staff.

“Kaya sobrang saya ko po, parang it’s like a family na rin po kapag nandun ako sa set.”

Sa unang pagsalang niya sa acting, may ginawa pa ba siyang paghahanda?

Sagot niya, “Nag-undergo po ako ng workshop and, hopefully, maituluy-tuloy ko rin lang po yung acting workshop.”

SAM PINTO. Nangiti naman si Ken nang matanong kung sino sa mga Kapuso actress ang crush niya.

Sabi niya, “Si Sam Pinto po.

"And nung nakita ko nga siya sa Sunday All Stars, nagpa-picture ako sa kanya.

“Hindi lang siya maganda at sexy, mabait pa.

“Crush ko rin po si Solenn Heussaff. Ang lakas din ng dating niya sa akin.”

Sino namang aktres ang gusto niyang makatrabaho?

“Si Sam Pinto po. I find her interesting to work with.

“Hindi ko lang siya crush, dream leading lady ko rin siya.

"At saka si Janine Gutierrez din."

Kung mabibigyan daw ng pagkakataon ay gusto rin ni Ken na ligawan si Sam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero hindi ba niya alam na may boyfriend na si Sam?

“Ganun po ba, maghihintay na lang po ako na maging single siya!” natawang biro ni Ken.

Bakit ba si Sam ang pinaka-crush niya sa lahat ng local actresses?

“Maganda po ang mukha niya... angelic face at saka po sexy.

“She’s simple also and smart.”



SEXY ROLES. Guwapo at maganda ang katawan ni Ken. Okey lang ba kung medyo maging sexy ang image niya at masabak sa roles na medyo sexy rin?

Sagot niya, "Siguro, depende po sa tindi ng sexy.

"Kaya ko naman po siguro yung topless o naka-boxers.

“Pero beyond that, malabo na po siguro!”

Paano yung pagrampa nang sexy sa Cosmo Bachelor Bash?

“Kaya naman po, konting workout pa... kapag nagka-abs na.

“Nag-pictorial na po ako sa Cosmo Magazine last year, pero topless din lang.

“Para sa Cosmo 69 po iyon, so kapag nakapasok ka na dun, this year, hindi ka muna puwede mag-pose ulit sa magazine nila.”

BACKGROUND. Positibo naman daw si Ken na magiging maganda ang takbo ng career na sinisimulan niya ngayon bilang pinakabagong Kapuso contract star.

Sabi niya, “Base po sa sinabi ng GMA, ibi-build up nila ako bilang singer- actor.

"Ako naman, I’ll try to do my best sa bawat opportunity na ibibigay nila.”

Ken is 24 years old and stands 5’ 10”. Graduate siya ng kursong Business Administration major in Marketing sa University of Sto. Tomas.

“I started sa commercial and sinabi sa akin ni Mr. Jonas [Gaffud of Mercator] na, why don’t we try showbiz since meron namang mga opportunities.”

Marami na rin daw siyang nagawang TV commercials. Kabilang na rito ang isang brand ng paracetamol na kasama niya si John Lloyd Cruz.

“May ginawa rin po akong commercial para sa Solaire.

“’Tapos, singing nga po and dancing na rin. Medyo konting pahapyaw sa dancing, ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I want to be known as a singer-actor.

"Sa ngayon, ipu-promote ko muna itong first single ko ngang ’Umaasa.’

“And, hopefully, in the future, kapag naging maganda ang resulta ng single ko, then nagpaplano rin po na gumawa ako ng album.”

Very stiff ang competition ngayon sa showbiz. Bilang baguhan, hindi ba siya kinakabahan o napi-pressure?

Sagot ni Ken, “Competition naman is always there kahit saan naman po tayo pumunta.

“So, ngayon naman po, parang in a way… iti-train ko lang din po yung sarili ko.

"And, hopefully, magkaroon tayo ng magandang penetration sa show business."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN