Derek Ramsay still on the lookout for long-term relationship: "I’m not giving up, I’ll find somebody who’s gonna match me."

Although loveless at the moment and still one of the most eligible bachelors in showbiz, Derek Ramsay is thinking of settling down that even his priorities have changed. He says, "Mas gusto ko pa nga ngayon some kitchen stuff or furniture at ako rin ang nagugulat."


Pagkatapos ng anim na taong relasyon ni Derek Ramsay sa ex-girlfriend niyang si Angelica Panganiban, naging short-lived na ang mga sumunod niyang relasyon.

May mga na-link sa kanya, katulad nina Nadine Samonte at Cristine Reyes, pero parang hangin lang ang mga ito na dumaan.

Si Nadine ay engaged to be married na sa kanyang boyfriend na si Richard Chua, samantalang si Cristine ay mayroong manliligaw ngayon na isang Persian.

Si Derek naman ay nanatiling single at isa sa most eligible bachelors sa showbiz.

Tuloy, ang sabi ng iba ay baka raw hindi pa siya totally nakaka-move on sa damdamin niya para kay Angelica.

Paliwanag ni Derek sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Six years is hard, you know, six years is my longest relationship.

"I tried to date, I tried to be a little bit more private and was dating a non-showbiz girl—a very, very nice girl—about a year.

"That didn’t work out.

"Then, Cristine, who’s very close to me, we both went into breakups.

"’Kala namin, yung friendship namin was a good foundation for a relationship, but it takes more than that.

"Friendship is a good foundation for a relationship, pero ’di naman pala lahat."

Nakapanayam ng PEP at iba pang miyembro ng entertainment media ang hunk actor sa final presscon ng pelikulang Trophy Wife, sa The Library, Metrowalk, sa Ortigas, noong June 22.



ANGELICA. Baka raw kasi hinahanap niya ang qualities ni Angelica sa ibang babae kung kaya hirap siyang makahanap ng lifetime partner?

Ayon sa 37-year-old actor, "Ayaw kong mag-compare, e.

"Angelica is a brilliant actress, a brilliant girl. It just didn’t work out for the both of us.

"But I’m not giving up, I’ll find somebody who’s gonna match me."

Masaya naman daw siya para sa magandang takbo ng relasyon ni Angelica sa kasalukuyan nitong boyfriend na si John Lloyd Cruz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakangiting saad ni Derek, "You know, she’s very vocal about how she feels.

"She said, she’s very happy.

"Yeah, I think they are a perfect couple.

"Yeah, I hope that it would really work for the two of them."



KRIS. Sa ngayon, ang pilit na inuugnay kay Derek ng publiko ay ang Queen of All Media na si Kris Aquino.

Kahit pareho na nilang pinabulaanan ito at sinabi nilang dalawa na close friends lang talaga sila, pero marami pa rin ang hindi naniniwala.

Sa panayam kay Derek ay hindi maiwasang maitaong kung sa tingin ba niya ay isang "trophy wife" si Kris.

Sagot niya, "Kris is really close to me and the family.

"I’ve given a lot to her especially when it comes to her lovelife.

"Is she a trophy wife? She has a lot of great characteristics of being a very, very good wife.

"You can see it how she is to her family and kids, but I think what makes a trophy wife and a trophy husband... there’s no perfect match.

"Yeah, maybe there’s a perfect match, but there’s no perfect wife or perfect husband.

"You have to work for it and it’s a hard job."

Patuloy niya, "You know, she had been through relationships and she hadn’t found yet the one for her.

"But she really has good qualities and characteristics."

FATHERHOOD. Sa parte naman ni Derek, nararamdaman niyang gusto na niyang mag-settle down at magkaroon ng anak kung kaya’t maraming pagbabago sa buhay niya ngayon.

Pag-amin ni Derek, "[My] fave is Rambo, so I wanna see little Rambos running around my place.

"I love kids and I always borrow my nephews and nieces.

"I love kids, so I wanna have my own kids, and my parents to be proud of.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nag-iiba na talaga ang priorities ko ngayon.

"Like, I promised myself na I won’t do sports na masyado nang physical for me.

"Mas gusto ko pa nga ngayon some kitchen stuff or furniture at ako rin ang nagugulat."

Dugtong pa niya, "Yeah, dumating na rin ako sa point ng buhay ko na napag-iisip ako.

"Like, I wanna have my wife and kids na.

"And, I think, that’s the greatest fulfillment ng isang lalaki.

"Lalo na’t ako, I have been through a lot of good and bad times sa buhay ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN