Enchong Dee says he is not lying about having a girlfriend: "Wala naman ako makukuha kung maniwala sila o hindi."

Ingat na ingat pa rin ang Kapamliya actor na si Enchong Dee na magbigay ng detalye tungkol sa bago niyang girlfriend dahil hindi naman daw ito taga-showbiz. Pero pag-amin niya, ito na ang kanyang pinakamasayang relasyon.


Marami ang nagulat at tila hindi pa rin makapaniwala sa rebelasyon ni Enchong Dee na mayroon na siyang girlfriend.

May mga tumaas ang kilay at maraming bashers ang kumukutya sa ginawa niyang biglaang pag-amin.

Unang lumabas dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang balitang may nobya na si Enchong.

Read: Enchong Dee admits having a non-showbiz girlfriend

Sabi ng Kapamilya actor tungkol dito, “Ever since naman, hindi ako nagsisinungaling.

"Natanong ako kaya sinagot ko.

"Pero hanggang dun lang yung masasabi ko ‘coz my girlfriend is not from showbiz.

"As much as possible, I protect her from all of these."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Enchong sa presscon ng pelikula nila nina Erich Gonzales at JC de Vera, ang Once A Princess, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN compound, kagabi, July 23.

HOW THEY MET. Filipina raw ang girlfriend niya at paglalarawan pa niya dito, “Maganda.”

Paano sila nagkakilala?

Sabi ni Enchong, "Nasa shooting ako ng Once A Princess, ’tapos na-pack ako ng mas maaga and I have to attend a certain event."

Matagal ba niya itong niligawan?

“Hindi,” sagot niya.

Paano niya ito napasagot?

“Well, I treat her like a princess, and siguro nakita niya na good boy din ako.”



“MY HAPPIEST RELATIONSHIP…” Ayaw raw ni Enchong na makaladkad ang girlfriend sa mga intriga sa showbiz, kaya ingat na ingat siya magbigay ng detalye tungkol sa katauhan nito.

May mga nagsabing isa itong modelo na ang pangalan ay "Sam Louise," pero ayaw kumpirmahin ng Kapamilya actor ang tungkol dito.

Pakiusap niya, “A, balato niyo na ‘to sa akin. This is by far my happiest relationship and my most private relationship.”

Alam ba ng girlfriend niyang artista siya?

Sagot ni Enchong, “Alam niya naman na artista kaya nga, as much as possible, ayaw ko magbigay ng details.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, simula nung malaman ng mga tao, may mga nagtu-tweet sa kanya, may mga gumagawa ng mga accounts na bashers.

“I feel bad kasi hindi siya sanay sa ganito, e.

"So, I just want to keep it really low-key."

Diretsang tanong ng PEP kay Enchong: Hindi naman "imaginary" lang ang girlfriend niya dahil sa dami ng nangba-bash sa kanya?

Sagot niya, “Wala naman ako makukuha kung maniwala sila o hindi, okay lang naman sa akin.

“Sa akin, hindi, kasi sanay naman na ako.

"Sabi ko nga, wala naman ako makukuha kung maniwala sila o hindi. Okay lang sa akin.

"As much as possible, I respect their opinions also.

"Okay lang sa akin, huwag lang sa kanya [his girlfriend]."

Sa huli ay inusisa ng media kay Enchong kung ano ang tawagan nila o term of endearment nila sa isa’t isa.

Bagamat tumanggi si Enchong na sabihin kung ano ang tawag sa kanya ng girlfriend, kinilig na inamin nitong ang tawag niya sa kasintahan ay: "Sweetie ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN