Heart Evangelista says search for "the one" is over: "Siya na talaga."

Heart Evangelista on accepting projects based on quality, not on quantity: "Siguro because I’ve done so much already in the past, how many years na sobrang pukpok ako sa trabaho. So, really now, it’s all about choosing the right roles, I feel comfortable doing. Hindi ko na priority yung kailangang laging may appearance. No."


Sa puntong ito ng career ni Heart Evangelista ay gusto niya, hangga’t maaari, ay maging mabusi na sa pagpili ng roles.

Hindi na kagaya noon na kung ano ang dumating ay tanggap lang siya nang tanggap.

Read: Heart Evangelista admits she got "upset" with her latest movie

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Heart sa studio ng Sunday All Stars, noong July 20, ay tinanong namin siya kung paghahanda na ba ito sa plano niyang lumagay sa tahimik.

Matamang nag-isip muna ang Kapuso actress at saka nagsalita.

Saad niya, “Actually, siguro because I’ve done so much already in the past, how many years na sobrang pukpok ako sa trabaho.

“So, really now, it’s all about choosing the right roles, I feel comfortable doing.

“Hindi ko na priority yung kailangang laging may appearance. No.

“I mean, okay na. Basta maganda yung role.

“Pinipili ko na ngayon.”

WEDDING. Ikakasal na nga ba sila ng kasintahan niyang si Senator Chiz Escudero sa 2015?

Sagot ni Heart, “Definitely, ‘pag dumating ako sa point na settle down, ganyan, hindi naman na mag-i-stop ako [sa acting].

“Hindi naman ganyan si Chiz, e.

“Definitely I’ll be more on hosting. Maybe I could do soaps once in a while.”

Napag-uusapan na ba nila ang kasal for next year?

“We do talk about settling down.

“Wala pa lang kami exact date, kasi siyempre gusto rin niya ako ma-surprise.

"Pero it’s within that span of time."

Gaano siya nai-excite sa thought na anytime ay puwedeng mag-propose ng kasal sa kanya si Senator Chiz?

Saad ng 29-year-old actress, “Actually, excited din, pero hindi ko siya masyadong iniisip, kasi ayoko din na umiikot ang mundo ko dun.

“There’s so many things I’ve been doing.

“So, dumating siya bukas, dumating siya in three years, okay lang ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi ‘eto na yung lalaking makakatuluyan ko, e.

“Kasal in three years? Five years? It doesn’t matter, kasi I’m done with the game, I’m done with the searching.

“Game over na ako. Siya na talaga.

“So, hindi ko siya masyadong iniisip, ironically.”

THE PHILANTHROPIST. Hindi na raw kailangan pang palabasin sa publiko ang pagiging philanthropist ni Heart kapag naikasal na sila ni Senator Chiz.

Paliwanag niya, “Kasi, ever since before, very active ako sa mga advocacies na mga ganyan.

“I’m just not really the type na pinu-post ko sa Instagram ko.

“’Ika nga, do not let the left hand know what the right is doing, ‘di ba?

“So, sensitive ako. For me, hindi ako yung tipong ‘pag may birthday, may kasamang kamera.

“Ayoko ng ganun. Gusto ko yung points ko nasa taas, ‘di ba?

“So, I don’t really think that you have to be a politician’s wife, spouse, or a politician for you to help.

“I will help, I will always help. Just not the type to boast about it.

“Unless you’re creating a certain awareness about an illness? Then, go.”

Kung sakaling misis na siya ni Senator Chiz ay magkakaroon pa rin daw siya ng sarili niyang identity.

"Definitely, separate naman yung career, e. Ever since, ‘eto na ako. At siya, yun na rin siya," sabi ni Heart.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN