Ruru Madrid takes part in INC centennial celebration; turns down title role in Niño because of religion

Ruru Madrid on playing the role of young Felix Manalo: “To be Ka Felix, sobrang malaking karangalan po para sa akin na gumanap sa papel niya.Natuwa nga po sa akin ang anak ni Ka Eduardo [Manalo, the late Felix’s grandson] at pati si Ka Eduardo po.Masaya naman po ako, kasi napansin po nila.”


Bahagi ang Kapuso young actor na si Ruru Madrid ng centennial anniversary celebration ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa July 27, Linggo.

Bilang isang kaanib ng INC na mayroon na ring sariling hukbo ng mga tagahanga, si Ruru ang napiling gumanap bilang young Felix Y. Manalo, ang founder ng Iglesia Ni Cristo sa Pilipinas, sa ipalalabas na short film.

Sa July 31 nakatakdang ipalabas ang maikling pelikula, na magiging pambungad sa dulang Ang Sugo, na mapapanood sa bagong istrukturang Philippine Arena, na mayroong 55,000 seating capacity, sa Bulacan.

Opisyal na naitala ang sektang relihiyong Kristiyanong ito sa Pilipinas noong July 27, 1914.

Sa Linggo, July 27, gugunitain ang ika-100 taon ng Iglesia Ni Cristo sa pamamagitan ng isang tanging Pagsamba, na pamamahalaan ni Eduardo V. Manalo, kasalukuyang executive minister ng INC.

“Dadalo po ako sa Pagsamba sa July 27 sa Philippine Arena,” sabi ni Ruru nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Martes ng umaga, July 22, sa taping ng My Destiny, sa Diliman, Quezon City.

Pagbabahagi pa ng young actor tungkol sa INC anniversary celebration, “July 28 hanggang 31, entertainment shows naman po yun.

“At sa July 31, yun naman pong play na Ang Sugo ang ipapalabas.

“Yung sa akin po, short film, na ipapalabas bago po yung play.”

Sa nasabing INC short film, ang veteran actress na si Snooky Serna ang nakatrabaho ni Ruru.

“Siya po yung mom ko dun sa short film.

“Sina Ate Gladys [Reyes] po yung sa stage play.”

“Then, sa August 2, kakanta naman po ako sa Philippine Arena.

“Yun po yung Kabayan Ko, Kapatid Ko. Inaasahan po ang maraming kapatid na dadalo para mapuno po yung Arena doon.

“Gusto ko po talaga kumanta doon kasi na-experience ko din, like sa Araneta [Coliseum], kumakanta ako… grabe! Ang daming tao!”

Na-appreciate ni Ruru ang ganoong karanasan matapos siyang hiranging runner-up sa reality show na Protégé: The Battle For The Big Artista Break noong 2012.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CHALLENGING. Naging malaking hamon daw kay Ruru ang gampanan ang papel ng INC founder na si Ka Felix.

Sabi niya, “To be Ka Felix, sobrang malaking karangalan po para sa akin na gumanap sa papel niya.

“Natuwa nga po sa akin ang anak ni Ka Eduardo [Manalo, the late Felix’s grandson] at pati si Ka Eduardo po.

“Masaya naman po ako, kasi napansin po nila.”

Bilang young Felix Manalo, ano ang mga tagpo sa buhay ng INC founder na natalakay sa maikling kuwento ng pelikula?

Saad ni Ruru, “Nagpi-preach na po siya hindi pa po siya Iglesia noon, Methodist po siya.

“Lahat po kasi ng relihiyon, napasukan niya.

“Una po, Catholic siya, and then may hawak akong rosary [bilang young Felix], sisirain ko.

“And then, Adventist. Na nagbabasa ako ng Bible, then may mababasa akong [verses], ’A, parang iba ito...”

At doon daw magsisimula ang masusing pagsasaliksik ng sugong lider ukol sa katotohanan ng mga banal na salita ng Diyos, na magiging pundasyon ng naitatag na relihiyong tinawag na Iglesia Ni Cristo o Church of Christ.

NIÑO. Samantala, nabatid namin mula kay Ruru na siya ang unang inalok na magbida sa teleseryeng Niño ng GMA.

Pero tinanggihan ito ng young actor dahil sa kinabibilangang relihiyon.

Ang pumalit sa kanya ay si Miguel Tanfelix.

Sabi ni Ruru tungkol dito, “Natutuwa din po ako.

“Hindi man po ako ang tumanggap ng project na ‘yon, si Miguel naman po ang tumanggap… masaya po ako.

“Kasi si Miguel, magaling na aktor at kaibigan ko rin po talaga yun.

“Pareho kami ng manager [Maryo J. de los Reyes] at close po kami.

“Hindi po ako nanghihinayang, okay lang po sa akin na nagkaroon din po si Miguel ng project.”

LIMITATIONS. Aware din si Ruru na nalilimitahan ang maaari niyang gampanang papel, sa TV o pelikula, dahil sa kinaaanibang relihiyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yes, sinabi naman po sa akin ’yon ng GMA na malilimitahan

“Actually, hindi po sila sa akin nagalit. Parang natuwa pa sila sa akin... kasi it’s because of my faith.

“Parang tsina-challenge lang din po nila ako,” saad niya.

May paggabay naman daw kay Ruru ang kanyang mga magulang na sina Bong at Jackie Madrid, na pareho ring INC members, ‘tulad ng dalawa pang nakababatang kapatid ni Ruru na sina Rara at Rere.

“Kasi, kami po, okay lang naman po na tanggapin namin itong project na ’to [Nino].

“Pero naging fair lang naman po kami sa GMA.

“Kasi ang Iglesia... ano po ‘yan, e, ‘pag sinabing suportahan ito, susuportahan po.

“Pero ‘pag sinabing huwag suportahan, hindi susuportahan.

“What if sabihin, ‘Kapatid si Ruru, bakit siya gumanap na Niño?’ What if bumagsak yung show?

“So, for me, yun na sana ang magiging break ko, yun pa yung ikakabagsak ko? Yun po ang inisip ko.”

SEXY ROLES. Sakaling maging mas mature na siya’t alukin ng sexy roles, papayag ba si Ruru?

Sagot ng 16-year-old actor, “Opo, as long as hindi naman po makakaapekto sa religion ko at sa pagkatao ko, okay lang naman po.”

Kung ibang roles naman, ‘tulad ng isang alcoholic o drug addict?

“Okay lang po, ano naman po ‘yan, e, acting lang,” sabi niya.

As long as may redeeming value daw ang mga nasabing roles.

“Yes. Medyo mahirap lang po yun, kasi kailangan pong ipagpaalam.”

Katulad din daw kung gaganap siya sa papel ng isang Catholic priest, o Buddhist monk, o Protestant Pastor, at iba pang alagad ng simbahan liban sa INC.

“Feeling ko, kailangan ng mahabang paalam, e. Kailangan, ipaalam po talaga.

“Feeling ko naman po, lahat mapapayagan, basta ipaalam. Depende rin sa konteksto ng kuwento,” sabi ni Ruru.

Bukod sa My Destiny, featured artist din si Ruru sa apat na episodes ng Maynila sa GMA Network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Iba’t ibang young actresses ang naipareha kay Ruru sa bawat episodes—sina Lexi Fernandez, Kim Rodriguez, Barbie Forteza, at Thea Tolentino na mapapanood ang episode nila, sa Sabado ng umaga, July 26.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN