JC de Vera hospitalized due to fatigue: “Napapagod din naman pala ako..."

Sa dami ng ginagawa ngayon ni JC de Vera, wala raw siyang sapat na panahon upang makahanap ng bagong prinsesa ng buhay niya. Saad niya, “Sabi ko nga, sumama kayo araw-araw sa akin at makikita niyo kung sinu-sino ang mga kasama ko every day. Ano ako ngayon... batang taping ako ngayon... Tini-take ko lang ang magagandang opportunity ngayon at marami akong ginagawang magagandang projects, nakaka-save ako ng malaki."


Sa unang pagkakataon ay nakatrabaho ni JC de Vera ang kapwa Kapamilya na si Erich Gonzales.

Ito ay sa pelikulang Once A Princess, ng SkyLight at Regal Entertainment, mula sa direksiyon ni Laurice Guillen.

Pagkatapos ng grand presscon ng Once A Princess kagabi, July 23, sa Dolphy Theater sa ABS-CBN, nagpaunlak ng panayam si JC sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng entertainment media.

Kinumusta namin ang naging working relationship nila ni Erich habang tinatapos ang pelikulang ipapalabas na simula sa August 6.

Nangingiting pahayag ni JC, “Lahat sila mababait, lahat sila gave me a warm welcome.

“They all made me comfortable na para bang hindi ako baguhan sa ABS-CBN.

“Kaming dalawa [ni Erich], kahit first time naming magkatrabaho, naging very smooth ang lahat.

“Well, I was really surprised kasi she’s very accommodating, she’s very hospitable.

“I remember na nung first time ko na pumasok sa tent, lumapit ako sa kanya to say ‘Hi,’ then nag-alok siya ng food sa akin.

“Sabi niya, ‘Kain tayo.’ So, sabay kaming kumain.

“We talked and nagpakilala kami sa isa’t isa na ganito ako, ganyan siya

“And, ang sarap lang ng feeling na meron kang ganyan na katrabaho at pinapagaan ang mundo mo sa set, at hindi ka nakakaramdam ng pressure.

“So, very lucky ako na si Erich ang kasama ko. Walang bola yun, a!”



GRAY CHARACTER. Isang gray character daw ang ginagampanan ni JC, na sa unang pagkakataon din ay kanyang binigyang-buhay sa pelikula.

Pag-amin ni JC, “Oo, kasi dati puro horror, rom-com.

“So, first time na gumawa ng ganitong drama, lalo na with Direk Laurice.

“Very, very gray and deep nga yung character at challenge nga yun sa akin.

“Hindi siya kontrabida, pero there’s good, there’s evil. Hindi mo alam kung saan siya pupunta.

“So, ang ganda ng mix ng character at kung paano ko pinurtray [portrayed] yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama rin sa cast ng Once A Princess si Enchong Dee.



BUSY KAPAMILYA. Isa ngayon si JC sa pinakaabala sa liga ng Kapamilya actors, kung kaya’t marami ang nais malaman kung mayroon pa ba siyang panahon para sa kanyang sarili.

Bago pa man natapos ang primetime drama na The Legal Wife ay napapanood na rin si JC sa afternoon soap na Moon of Desire.

Isiningit pa niya ang paggawa nitong Once A Princess.

Napabuntung-hininga muna ang dating Kapuso at Kapatid actor at sinabing, “Hindi ko rin alam, e.

“Ongoing yung isa, ‘tapos nakagawa nga ako ng movie.

“’Tapos right now, may ginagawa kami ulit ni Erich na isa pang movie.

“Wala pa rin actually na pahinga… hindi pa rin naman ako nakakabawi.

“Lalo na, palagi kong sinasabi na every time I wake up na… pasalamat ako kay Lord.

“Siya talaga ang nagbibigay sa akin ng strength every day at hindi ko rin alam kung paano ako nakaka-survive.”

OVERFATIGUE. Sa sobrang pagka-busy niya, minsan na raw pala siyang isinugod sa ospital dahil sa fatigue.

Pagbabalik-tanaw niya, “Yes, there’s one incident na na-hospitalize na ako… about two weeks ago.

“Napapagod din naman pala ako. There’s nothing to complain naman.

“Yung pagpunta ko doon sa ospital, talagang kailangan lang na ipahinga na for a while.

“After kong maospital, ganun ulit. Sunud-sunod uli ang trabaho."

Dahil sa dami ng proyektong nakalinya sa kanya, masasabi ba niyang kung hindi pa siya lumipat sa Kapamilya network ay hindi niya mararanasan ang ganitong sagarang pagtatrabaho?

Bago lumipat sa ABS-CBN ang 28-year-old actor ay naging contract artist muna siya ng GMA at TV5.

Saad ni JC, “In fairness naman, lahat naman ng networks na pinanggalingan ko ay naging very generous naman sa akin in giving wonderful projects.

“Siguro, nagkataon lang ngayon na napakaganda ng timing ng pag-transfer ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nasagot yung prayer ko na sana ay magkaroon ako ng magandang project.

“Yung isinama nila ako sa The Legal Wife, na naging number one teleserye of all time, ‘di ba?

“Very grateful ako dun at maganda talaga ang timing ni Lord sa akin.”



LOOKING FOR A PRINCESS. Dahil nga raw sobrang busy siya, kaya maging ang makapaghanap ng bagong prinsesa ng kanyang buhay ay hindi niya magawa.

Aniya, “Wala, e.

“Sabi ko nga, sumama kayo araw-araw sa akin at makikita niyo kung sinu-sino ang mga kasama ko every day.

“Ano ako ngayon... batang taping ako ngayon.

“Kasi, para akong bago sa industriya at na-realize ko na marami pa pala akong dapat matutunan as an actor, as a celebrity.

“Tini-take ko lang ang magagandang opportunity ngayon at marami akong ginagawang magagandang projects, nakaka-save ako ng malaki.

“I’m doing out-of-town and out-of-the-country shows, which I didn’t do before, ‘di ba?

“So, hindi ko na muna dini-deal yung maghanap ng isang prinsesa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN