Rocco Nacino no restrictions in relationship with girlfriend Lovi Poe

Kung ang mga mata ang pinakagusto ni Rocco Nacino na bahagi ng katawan ng kasintahang si Lovi Poe, ang pinakagusto naman daw ng aktres na bahagi ng katawan ng aktor ay: "Yung puwet ko! Kasi lagi niya akong inaasar sa puwet ko, na malaki."


Ngayong inamin na nila sa publiko ang kanilang relasyon, mayroon bang pagbabawal si Rocco Nacino sa girlfriend na si Lovi Poe pagdating sa career nito, ‘tulad ng pagpapaseksi nito on-cam?

Sagot ni Rocco, “No, wala.

“It’s how GMA is grooming her na rin, na ano, iyon din yung image niya ngayon, e.

“Not too sexy na rin… tapos na siya sa sexy, e. Medyo iba na yung image niya.

“So, alam na niya yung mga kailangang gawin.

“Mas matagal siya sa business kesa sa akin, so she understands this more than me.

“Kaya hindi ko na siya kailangang pagsabihan sa ano…

“And very understanding kami parehas, very supportive sa isa’t isa.”

Kahit daw si Lovi ay walang anumang pagbabawal kay Rocco.

Pahayag ng 27-year-old Kapuso actor, “Alam niya, when it comes to this, trabaho talaga.

“What’s important is the relationship na may tiwala sa isa’t isa.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rocco sa GMA Network Center noong Martes, July 22.



LOVI AS GIRLFRIEND. Kumusta naman bilang girlfriend si Lovi? Maasikaso ba ito sa kanya?

“Yes, maasikaso siya,” sagot ni Rocco.

Ano ang pinaka nagustuhan niya kay Lovi?

“Pinakagusto ko sa kanya yung humor niya. Her humor.”

May sense of humor pala si Lovi?

“Yes!” bulalas ng aktor.

Sa kanya lang yata nailalabas ni Lovi ang pagiging mapagpatawa nito?

“That’s one thing na I like about her nung nagkakilala kami!” tawa ni Rocco.

“So, whenever we were together noon, ayun, wala kaming ginawa kundi tumawa.

“And then, ano, be happy lagi kaya siguro nag-bloom lalo yung relationship namin.

“So that’s one thing that we treasure and always play with—yung humor ng isa’t isa.

“And being understanding and supportive of each other. Yung pagiging supportive niya.”



PHYSICAL ASSETS. Physically, ang mga mata raw ni Lovi ang pinakagusto ni Rocco sa kasintahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mata, ‘tsaka yung smile niya, and of course her body!” at muling tumawa si Rocco.

Kasama rin tiyak ang katawan ni Rocco sa mga nagustuhan ni Lovi sa kanya?

Sabi niya, “Alam ko ang sasabihin niya sa akin, yung puwet ko! Kasi lagi niya akong inaasar sa puwet ko, na malaki.”

Kinukurot ba ni Lovi ang puwet niya?

“Sinisipa niya! Pinapalo niya lagi, pinapalo niya.

“Sabi niya, ma-puwet daw akong lalaki. JLo daw ako, JLo!” at muling tumawa si Rocco.

Ayaw i-reveal ni Rocco kung ano ang tawagan o term of endearment nila ni Lovi.

“Secret na yun! Amin na lang yun.”



GIFTS. Ano naman ang pinaka-espesyal o pinakamahal na materyal na bagay na naibigay niya kay Lovi?

Sabi ni Rocco, “Well, siguro yung pinaka in-effort-an ko siguro, yung La-Z-Boy na upuan na pinakabit ko sa kotse niya. Pang-taping niya.

“Para siyang La-Z-Boy na nagiging kama.

“So, nagpatulong ako kay Atoy [ng Body Kits], siya yung sikat na nagko-customize ng mga sasakyan.

“’Tapos kinuntsaba ko yung mom niya ‘tsaka driver niya habang nasa Poland sila nung February.

“Pinaalam ko sa mom niya kung okay lang, ‘tapos sabi naman niya, ‘Oo, I’m sure na magugustuhan ni Lovi ‘yan!’ Kasi pang-taping niya.

"So, mga five days before, habang nandun sila, pinasok ko na kila Atoy.

“’Tapos pagsundo kila Lovi, pag-open ko ng door, sabi ko, ‘Happy Birthday!’

“Masaya naman siya. Happy naman.

“Kinabahan nga ako baka magalit siya, e! Kasi pinakialaman ko yung kotse niya!” tawa na naman niya.

Patuloy ni Rocco, “Pero para kasi sa kanya, pang-taping niya yun.

“And, ever since, lagi niyang sinasabi na nahihirapan daw siya sa kotse niya, sana mapaayos niya nang ganun.

“So, iyon ang ginawa kong birthday gift para sa kanya.”

Ano naman ang pinaka-espesyal na naibigay sa kanya ni Lovi?

“Yung ‘yes’ niya!” bulalas ni Rocco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Materyal na bagay?

“Materyal, she gave me a really, really nice watch—TW Steel.

“It’s an automatic watch, ang sarap gamitin.

“The watch she gave me for Christmas, and she gave me this for my birthday,” sabay pakita ni Rocco sa amin ng suot niyang Ferragamo belt.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN