Erich Gonzales says it will take some time before she posts another photo of non-showbiz boyfriend

Erich Gonzales on wedding plans with non-showbiz boyfriend: “Napag-uusapan namin. At lagi kong sinasabi na mga ten years pa. Kasi, marami pa po akong gustong gawin. Twenty-three lang po ako ngayon. And he’s ten years older than me.”


Hanggang sa pelikula lang daw ang pagpapa-sexy ni Erich Gonzales, partikular na ang pagsusuot niya ng two-piece bathing suit sa pelikulang Once A Princess.

Wala raw siyang balak dalhin ang kaseksihan niya sa kahit na anong men’s magazines, gaya ng FHM.

Sabi ng Kapamilya actress, “Naku, grabe siya!

“Hindi po talaga, para lang po ito sa pelikula, sa Once A Princess, yung ginawa ko.”

Ang nasabing eksena ay kinunan sa isang beach, kung saan kasama niya si Enchong Dee.

Sa eksenang ito nalantad ang magandang hubog ng katawan ni Erich.



SUPPORTIVE BOYFRIEND. Maliban dito, may love scenes at kissing scenes pa siya sa pelikula na puwedeng dahilan para mag-react ang kanyang non-showbiz boyfriend.

Pero tiniyak ni Erich na hindi maiilang ang kanyang kasintahan sa mga eksena niya rito.

Saad pa niya, “Kaya suwerte ko po kasi mature siya, sobrang understanding, secure, at supportive po talaga siya.”

Napanood na raw ng boyfriend ni Erich ang trailer ng Once A Princess at wala raw siyang napansin o nakitang violent reaction mula rito.

Sabi pa niya, “Excited nga po siyang magpa-block screening kasama yung mga friends namin.”

Supportive daw talaga ang boyfriend ni Erich. Magkasabay nga raw silang nanonood ng kanyang acting projects.

Kuwento pa ng aktres, pagdating sa kissing scenes niya, kapag kasama niyang nanonood ang boyfriend, “Ako naiilang.

“Pero siya, eager siyang nanonood, concentrate, walang pikit-pikit, open lang ang eyes niya.

“Kasi po, kapag napapanood niya ako sa TV o movie, sinasabi niya, ‘Ikaw ba ‘yan? Parang ibang-iba.’

“So, I guess, okay, kasi nadi-differentiate niya yung ako sa kanya at sa mga projects.”

Bakit ganun ka-supportive sa kanya ang kasintahan?

Tugon ni Erich, “Kasi po, bago po naging kami, matagal kaming naging magkaibigan.

“At naikuwento ko na sa kanya kung gaano importante ang trabaho ko at priority ko talaga yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi naman niya, willing naman siyang maghintay. Sige, okay.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Erich sa grand presscon ng Once A Princess kagabi, July 23, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.



HANDSOME BOYFRIEND. Mahigit tatlong taon na raw ang relasyon ni Erich at ng non-showbiz boyfriend niya.

Ipinaliwanag ng aktres kung bakit sa tagal ng kanilang samahan, kamakailan lang niya ibinahagi sa madla ang mukha ng kasintahan sa pamamagitan ng Instagram.

May kilig nga raw kay Erich ang positive reaction ng mga nakakita ng larawan, na guwapo raw ang boyfriend niya.

Read: Erich Gonzales posts picture with non-showbiz boyfriend on Instagram

Saad ng aktres, “Nung nalaman nga po niya yun, he’s okay with it.

“He’s cool. No big deal.

“Pero siyempre po, he’s a private person, ‘di ba?

“At hindi naman po siya sanay sa ganitong bagay. Pero okey lang naman sa kanya.”

Ayon kay Erich, matatagalan pa bago niya i-share uli sa publiko ang larawan nila ng kanyang boyfriend.

“Okey na po yun… at least, may face na po siya ngayon.

“Baka, mga next five years… kami na.”

Napag-usapan ba nila ang paglabas ng larawan ng boyfriend niya sa Instagram?

Sabi ni Erich, “No, hindi po.

“That day lang talaga, sobrang masaya lang ako na hindi ko maitago.

“So, nai-post ko yung picture ko kasama ko yung ate ko, yung closest friends namin.

“Sobrang ang saya lang talaga nung araw na iyon kaya nai-post ko.”

Ano ang naisip ni Erich kung bakit kailangan na niyang ipakita o i-share sa publiko, kahit man lang sa larawan, ang boyfriend?

“Honestly, nung naging kami, para sa akin, wala namang kailangang itago.

“I’m very proud to have him and, at the same time, ‘pag mahal mo ang isang tao, bakit mo naman…

“Saka open naman kami. Lumalabas kami. We eat out, kasama yung mga friends namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siya lang po talaga. Respeto lang po sa kanya.

“Kasi, yun nga, hindi naman po siya artista, ‘di ba?

“And yung pamilya niya, hindi naman sanay sa mga ganito.”



IS HE THE ONE? Nakapag-travel na ba sila together?

Ayon kay Erich, “’Pag may time po.

“We always find time na makakain sa labas, makanood ng movie, maka-travel, kasi pareho po kaming busy, ‘di ba?

“Siya rin may sariling mundo, at ako rin.

“So, every time na magkasama kami, sinusulit namin yung time na yun.

“When I’m with him, I’m the happiest.”

Nararamdaman ba niyang “siya” na?

“Pinagdadasal po natin ‘yan!” bulalas ni Erich.

Pero ngayon, ramdam niyang “siya” na?

“Nung nagdasal po ako, answered prayer,” sagot niya.

Wala pa raw planong magpakasal si Erich at ang boyfriend niya.

“Naku, hindi pa nga siya nagpu-propose… matagal pa.”

Handa ba siya kung sakaling bilang sumulpot ang marriage proposal?

Saad niya, “Napag-uusapan namin.

“At lagi kong sinasabi na mga ten years pa. Kasi, marami pa po akong gustong gawin.

“Twenty-three lang po ako ngayon. And he’s ten years older than me.”

Ano ang ideal age niya para magpakasal?

“O, sige na nga… 30 yung gusto ko po sana.

“So, 23 na po ako ngayon… mga seven years pa po.”

Makakapaghintay ba ang boyfriend niya nang ganun katagal?

“Wala po siyang choice! Kung hindi siya okey, iba na lang!” natatawang biro niya.

Wala pa raw dream wedding na naiisip si Erich. Ang dream lang daw niya ay makasama ang boyfriend sa kanyang kasal.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN