Camille Prats reveals how she maintains long-distance relationship with non-showbiz boyfriend

Camille Parts on tiara tattoo on her foot: “Kasi, since I was a kid, nakilala ako bilang Princess Sarah and, up to this day, people relate to me as that person. So, feeling ko, it’s a stigma na hanggang sa… I don’t know how old I’ll be na makikilala ako ng mga tao, especially sa mga ka-generation ko, as Sarah. So, I wanted it to be tattooed on me to remind me of how I started, and that movie came true. Kung hindi dahil doon, I wouldn&am


Aminado ang actress-TV host na si Camille Prats na mahirap ang isang long-distance relationship.

Sa Amerika kasi naka-base ang kanyang non-showbiz boyfriend na si John Yambao, habang siya naman ay nandito sa Pilipinas dahil sa kanyang showbiz career.

Pero ayon kay Camille, ginagawan naman nila ng paraan ng kasintahan para manatiling matatag ang kanilang relasyon sa kabila ng magkalayo sila.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Camille sa GMA studio kamakailan, sinabi nitong mahalaga ang time management sa relasyon nila ni John.

Saad niya, “Para sa amin, mahalaga yung oras, mahalaga yung minute.

“Yung paggising sa umaga, pati yung pagtulog, lahat yun naka-schedule.

“Kasi, iba kami ng oras, e. I have to wake up at around 8 in the morning.

“So, I get to talk to him, and that’s 5 PM sa kanya. That’s the time he gets off from work.

“By the time matutulog siya, and that’s 12 noon sa atin, doon ko naman magagawa lahat ng mga puwede kong gawin with work and all that.

“’Tapos paggising niya, that’s around 9 PM naman sa atin, so uusap uli bago siya pumasok at ako naman patulog na.

“So, yun ang schedule namin.

“And we really make it a point na nami-meet namin yung schedule namin, unless very busy.

“That’s every day na ganun.”



THE PLAN. Wala pa raw katiyakan ang pagbabalik muli sa Pilipinas ng boyfriend ni Camille.

“Inaasikaso pa kasi niya yung citizenship niya, e. We don’t know yet how long he’s gonna be staying there.”

May plano ba siyang pumunta sa States para makita si John?

Sabi ni Camille, “Baka vacation na rin lang. Hopefully this year, if work permits.

“Kasi nga, busy ako sa school, Mars, and I might have another show. Work-work muna.”

Ano ba ang napag-usapan nila kung sakaling makuha ni John ang kanyang citizenship?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ng Kapuso actress-TV host, “Actually, ang plan niya is to stay here for good. Get his citizenship.

“Fix everything there and then, siguro pagdating ng panahon, he’s gonna move back.

“Actually, para sa akin, yun ang gusto ko, kasi parang everything is here—my family, my business, career nandito.

“So, mas okay sa akin na siya yung magmu-move back.”

Habang wala pa raw bagong acting project si Camille, ang pag-aasikaso ng kanyang eskuwelahan ang isa sa mga pinagkakaabalahan niya ngayon.

Lahad niya, “Kasi we just moved to our new campus.

“So, bago lahat, bago ang sistema... bago lahat, kasi malaki yung ginagalawan namin.

"So, mas marami ring nabago, kaya ngayon, para kaming nag-uumpisa uli.

“So, mas tutok ‘pag nag-aayos kami ng sistema.

“Pero eventually, maaayos rin and, hopefully, before I get be busy again with another show.”



PRINCESS SARAH. Tungkol naman sa tattoo ni Camille sa kanyang paa na unang tinutulan ng kanyang ina, ipinaliwanag ng aktres na may kaugnayan ito sa kanyang pinagmulan sa showbiz at kung ano siya ngayon bilang artista.

Saad ng 29-year-old Kapuso artist sa kanyang skin art, “Colorful siya kasi I want it to be lively.

“Kaya tiara ang ipinalagay ko, kasi I want it to symbolize Princess Sarah," banggit niya sa kanyang pinagbidahang teleserye noong bata pa siya na isinalin sa pelikula.

“Kasi, since I was a kid, nakilala ako bilang Princess Sarah and, up to this day, people relate to me as that person.

“So, feeling ko, it’s a stigma na hanggang sa… I don’t know how old I’ll be na makikilala ako ng mga tao, especially sa mga ka-generation ko, as Sarah.

“So, I wanted it to be tattooed on me to remind me of how I started, and that movie came true.

“Kung hindi dahil doon, I wouldn’t be where I am now.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayaw raw talaga ng mommy ni Camille na magpalagay siya ng tattoo.

“Ayaw niya talaga up to this day. Pero in-explain ko naman kung bakit at hindi naman siya dirty.

“Kasi before, ang tingin ng mga tao sa tattoo, galing ka sa kulungan.

“’Pag may tattoo ka, galing ka sa kulungan or criminal ka—yun ang tingin nila noon.

“Sa generation natin, hindi na siya ganun. It’s an art. It has meanings.

“Depende naman yun sa tao, e, yung kontrol mo sa pagpapalagay mo sa katawan mo.

“Sinasabi nila na it’s addictive, and once na magpalagay ka na daw, gusto mo lagay ka na lang nang lagay.

“Para sa akin, [it] depends on the person. Kung gusto niyang magpalagay nang magpalagay, siya yun.”

Alam daw ng boyfriend niyang mayroon siyang tattoo.

Sabi ni Camille, “Nagpa-tattoo ako bago ko siya nakilala.

“This was all on me. Ako lang talaga ito.

“Nakita na niya… sa paa naman ito, e.”

Hindi na raw magpapadagdag pa ng panibagong tattoo sa kanyang katawan si Camille.

“Ay, no more na. Kasi sabi ng mommy ko, kapag nagpa-tattoo pa raw ako uli, babalatan na niya ako nang buhay!

“And I think she means it. So, hindi na.

“Okey na ‘yan… okey na ‘yan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN